Prologue

130 49 4
                                    

Ben&Ben Series #01: Lifetime
Prologue

"What the fvck, Rale? Gano'n-gano'n na lang pagkatapos ng lahat? You are so evil! You are an asshole!" galit na sigaw ko sa boyfriend kong si Rale

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"What the fvck, Rale? Gano'n-gano'n na lang pagkatapos ng lahat? You are so evil! You are an asshole!" galit na sigaw ko sa boyfriend kong si Rale.

"H-hindi ko alam, Hazi! Nagising na lang ako na hindi na ikaw..." parang hindi nasisigurong saad nito.

"Tangina! E, 'di sana hindi ka na lang nagising! Limang taon na tayo ta's ito sasabihin mo para magkahiwalay tayo? Nagising ka lang? Tanga ka ba o nagtatangahan?"

"'Yan!" Napakunot ang noo ko ng duruin niya 'ko. "'Yang bunganga mo! Isa 'yan sa rason kung bakit toxic na tayo! Ikaw naman 'tong unti-unting sumusuko 'di ba? Noon pa, nakikita ko 'yon!"

"Wala akong pake sa bunganga ko! Ikaw ang may kasalanan nito, sa pagiging toxic ko! Kahit kailan hindi mo 'ko inintindi simula nang magtrabaho ako! Alam mo namang pangarap ko 'yon, at talagang nakakapagod 'yon, Rale," mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Bakit? Hindi mo ba ako pangarap para ganuhin na lang? May damdamin ako, Hazi! Alam mong ayokong binabalewala!" Napatagis ang bagang ko sa sinigaw nito.

"A-alam mo kung para saan 'tong ginagawa ko?" nanginginig at galit kong ani sa kaniya. "Para 'to sa 'tin, Rale. Para 'to sa future natin!"

"Future? Sabi ko naman sa 'yo kaya ko na! Ako na-"

"Anong ikaw? Anong gagawin mo? Manghihingi ka na naman sa pamilya mo? Ako ang nahihiya, Rale! Wala na tayong pambayad sa condo natin. Nanghihingi ka pa sa nanay mo dahil kulang ang sweldo mo sa pagiging part time!"

Napahawak ito sa noo dahil sa pagkainis na sa mga sinasabi ko. Ganiyan siya palagi, madali na siyang mapagod sa ugali ko. At ayoko sa taong ganiyan.

"Bahala ka sa buhay mo, aalis na 'ko dito. Bahala ka magdesisyon sa buhay mo kung mananatili ka pa dito. Basta ako, ayoko na. Nakakapagod ka!" he decided and grab the baggage na kanina niya pa dala-dala.

Hindi makapaniwalang napa-upo ako sa sahig dahil sa desisyon nito.

"Alam kong may iba... nararamdaman ko..." bulong ko sa sarili habang nakaupo pa rin sa sahig at puno ng luha ang mukha ko.

Naabutan ko siya kanina pagkauwi, nakaupo sa sofa, hinihintay akong dumating.

Pagod na pagod ako galing sa trabaho. Kakarating ko lang no'n galing sa malayong lugar para mag-shoot ng news. Tapos ito ang maaabutan ko? 'Yong rason niyang nagising siya at 'di na'ko mahal? bobo niya kamo!

Huminga ako nang malalim at tumayo para kumuha ng beer sa ref.

"Tangina, walang ulam," singhal ko nang makitang walang ulam sa loob ng ref at tanging mga chichirya at naiwang nutella lang ang nandito sa bahay.

Napairap na lang ako at walang choice na kinuha ang mga ito. Nilasak ko gamit ang kutsara ang nutella at ipinalaman sa natirang tinapay na nandito.

Ben And Ben Series #1: LifetimeWhere stories live. Discover now