Chapter 17

10 0 0
                                    

Zadie's POV:

"Nandito na ba ang lahat?"

"Sir, yes sir!" sabay-sabay naming sagot habang nakatingin sa bus na bumabaling. Masyado pang madalim, hindi pa lumilitaw ang araw gayong alas-singko na ng umaga.

"Boys and girls ang magkakatabi nang hindi maantala ang tulog ng iba. Mas maganda kung lahat kayo ay matutulog dahil kailangan niyo ng sapat na lakas para sa camping!" paalala pa samin nito habang isa-isa kaming sumasakay ng bus dala-dala ang mga gamit namin.

"Guys, dito lahat sa likod ang mga gamit natin, yung bag niyo sa mga upuan niyo nalang!" saad samin ni Ara kaya agad naming inilagay at ipinatong ang mga natitirang gamit namin sa likod at naupo.

"Liit, usod doon!" tawag naman sa'kin ni Cloud. Umusod naman ako sa tabing bintana para makaupo siya sa tabi ko.

"Dinala mo 'yung iPod mo?" tanong ko sa kaniya. Kinuha naman niya iyon mula sa pocket ng suot niyang hoodie at ibinigay sa'kin. Saka ko lang napansin na parehas na gray ang suot namin hoodie.

"Gaya-gaya ka talaga," pabulong na sabi ko na ikinatawa lang niya ng mahina. Napailing nalang ako at ipinasak ang earphone sa tainga ko at nakinig sa iPod niya ng music.

Remember back in the days when iPod were all the rage? It has been a decade, yet Cloud's iPod are still working. The moment I plugged my earphones into his freshly charged iPod and listened to music that had lain dormant for the past ten years, it was like being transported back in time. Nakakatuwa lang, mwehehe.

Isinuot ko ang itim na mask ko at sumandal sa upuan. Ipinikit ko rin ang mga mata ko, dahil madilim pa naman at kailangan ko pang matulog para may lakas ako mamaya. Anong oras narin kami nakatulog ni Ara dahil hindi niya ako tinigilan sa kakahampas ng unan dahil doon sa message ko sa group chat namin.

Napadilat ako ng mata nang hablutin ni Cloud ang neck pillow ko at inilagay 'yon sa leeg niya. Sunod niyang hinablot ang earphone sa kanang tenga ko at ipinasak 'yon sa kaniya at pumikit.

I sighed, shaking my head at him. Hindi pa naman ako komportable kapag walang neck pillow.

"Aish! Nakakabanas talaga 'tong ulap na 'to!" mahinang sabi ko at kinuha ang bag ko mula sa ibaba at niyakap iyon saka pumikit.

Sleep tight, everyone~

***

Ara's POV:

Lihim kong sinisilip sila Zadie at Cloud na nasa katapat lang namin ng upuan. Si Vince ang naging katabi ko at wala siyang ibang ginawa kung hindi ang maglaro ng mobile legends.

Hindi maiwasang hindi mapanguso sa ginawang pagsandal ni Cloud ng ulo ni Zadie sa kaniya habang dahan-dahan nitong ibinababa ang bag ni Zadie. Muli akong tumingin kay Vince at inis na tinanggal ang earphone na nakapasak sa tenga niya.

Iritable itong tumingin sa'kin. "Why?"

"Tingnan mo si Cloud, para-paraan!" bulong ko rito na kaming dalawa lang 'yung makakarinig. Matapos kong ituro ang pwesto ng dalawa ay muli akong nagsalita. "Kinuha niya 'yung neck pillow ni Zadie tapos nang makatulog si Zadie, isinandal niya sa kaniya."

"Anong gagawin ko?" masungit na tanong nito kaya napairap naman ako.

"Wala ka talagang kwenta," bulong ko pa sa kaniya at nagkibit-balikat. "Nakakainis ka naman, akala ko ba gusto mo si"

Pinasakan niya ng balat ng candy ang bibig ko. Agad akong napahinto at tinanggal iyon sa bunganga ko.

"Yea, I like her but it doesn't mean na pagbabawalan ko na siyang lumapit o gawin 'yon. In the first place, I have no rights kasi hindi ko naman siya girlfriend," bulong pa niya at muling nagpipipindot sa cellphone niya. Natahimik nalang ako, naaalala ko tuloy 'yung ginawa niyang confession sa'kin about kay Zadie.

Lie AgainWhere stories live. Discover now