Chapter 41

6 1 0
                                    

Aenna's POV:

"Oh bakit nandito kayo?!"

"Ara, gusto ko lang naman-"

"Bakit kasi dinala-dala mo pa ako rito, Aenna!?" saad naman ni Keid kaya hindi ko mapigilang mapailing sa kanila.

"Kung ayaw niyo rito, bukas ang pinto," walang emosyong saad ni Ara. Mabilis ko namang hinila pabalik si Keid nang balakin nitong lumabas.

"Ano ba-"

"Sige magpataasan kayo ng pride!" sigaw ko. Hindi naman eepekto sa kanila kung hindi ko tataasan ang boses ko.

"Hindi kami nagpapataasan ng pride, okay? Ayoko lang muna siyang makita," sagot sa'kin ni Ara at nagtalukbong ng kumot. Mabilis ko naman iyong hinila at nakapamewang silang hinarap.

"Kapag hindi kayo nagbati, wag niyong aasahan na kakausapin kayo ng team, kayong dalawa," pananakot ko sa kanila.

"Siya ang mag-sorry, siya ang bigla-bigla nalang nanghila at nanampal," saad naman ni Keid at itinuro si Ara.

"Bakit ako? Ikaw nga 'tong sagot nang sagot sa'kin!"

"Bakit kailangan mo akong sampalin, ha?!"

"Bakit-"

"Hep! Hep! Hep! Teka nga lang!" saway ko sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na sasayangin ko ang mga laway ko sa walang kakwenta-kwentang away nila. "Bakit hindi nalang kayo manghingi ng sorry sa isa't-isa?"

Napabuntong-hininga naman ako nang wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Mukhang kailangan ko nang magsalita ng hindi maganda para ma-realize nila 'yung mga maling ginawa nila.

"I'm sorry guys, ah, pero kayo na ang namumuro samin, e. Alam niyo ba 'yon? Lagi nalang kayong nag-aaway, hindi na kayo nahiya. Ang lalaki niyo na, hindi na kayo mga bata! Daig niyo pa si Zemie!" sermon ko na siyang ikinayuko naman nila.

"Siya kasi-"

"Oh ano magtuturuan pa kayo? Ikaw naman kasi Keid, sobrang pangit ng tabas ng dila mo. Ang sarap guntingin! Minsan hindi na maganda 'yang mga lumalabas sa bunganga mo, mag-ingat ka naman doon. Alam kong lagi kang nambabara, nang-aasar pero ilugar mo naman. Hindi sa lahat ng pagkakataon nagbibiro ang team!" putol ko rito at sunod na tiningnan si Ara.

"Ikaw naman, oo ikaw nga 'yung pinakamatanda pero ikaw 'tong pinapatulan pa si Keid na parang bata. Kaya nga ikaw 'yung leader ng team, ikaw 'yung pinaka-responsible saming lahat pero nag-iiba na. Hindi ba kayo nagsasawa sa pagbabangayan niyo? Hindi ba naiirita 'yang mga tenga niyo sa mga sinasabi at sigawan niyo?"

"S-sorry, t-tama ka ako 'yung pinakamatanda at isa pa, ako 'yung lider. Sorry, Keid, sorry kung lagi kitang kinokontra at inaaway. Sorry kung nasampal kita at pinahiya," paumanhin niya kay Keid.

"Sorry rin, sobrang matabil 'yung dila ko. Hindi ko na naiisip na may nasasaktan na pala ako. Sorry Ara, akala ko kasi nagseselos ka lang samin ni Ty-"

"Nagseselos nga siya," singit ko kaya agad akong binato ng unan ni Ara.

"Kunwari pa ang bruha, akala ko ako lang nakapansin!" saad naman ni Keid kaya parehas namin itong tinabihan.

"Bakit ganiyan ang mga tingin niyo, ha?" naiilang na tanong nito samin. Nakangising nagkatinginan kami ni Keid at parehas na natawa.

"Pft, gusto mo na si Ty 'no?"

Lie AgainWhere stories live. Discover now