Flor's note: Laging nauuna ang score kung saang team si Callie [13-01] ganyan ganon lol.
(Or you can skip the matches, I'm kind of boring when it comes to writing details)
"Ma, alis na ako!"
"Mag-ingat ka, 'nak!"
Lumabas na ako ng bahay namen at nag-jogging. I'm wearing sweatpants and a sports bra while wearing a jacket, sa school nalang ako magpapalit.
Nag-text saken nung gabi si Lea na may practice match kame kalaban ang ibang school kaya binilisan ko ang pag-jogging.
May nakatambay na guard sa gate kaya binati ko siya bago pumasok sa school. Tumakbo ako papunta sa gym namen at nakita sila Mia na nage-excercise. Pumasok na ako at halos lahat sila ay tumingin saken.
"Witwiw!" Pang-asar saken nila Mia. Umirap ako at nilapag ang duffel bag.
Nilabas ko ang jersey ko at inalis ang jacket ko, pinunasan ko muna ang dibdib at likod ko bago suotin 'yon.
Ibaba ko sana ang jogging pants ko nang sumigaw sila Lea. "Callie! Siraulo, baket maghuhubad ka dito?"
Tinaasan ko sila ng kilay at tinignan ang paligid. "Wala namang lalake."
Binatukan ako ni Fleur. "Pa'no kung may sumisilip pala sa gilid tas napicturan ka? Doon ka sa equipment room." Ngumiwi ako at dinala ang spandex ko papunta sa equipment room.
Lumabas na ulit ako ng nasuot ko na ang shorts ko. Inayos ko ang buhok ko at nilagay sa high ponytail, sinuot ko na din ang knee support ko sa kanan. Sumama na ako kila Lea na nagpa-practice. "Wala pa si coach?" Tanong ko kay Lea.
"Mala-late daw siya, uminom daw siya kagabi eh." Napailing nalang ako. "Nami-miss ko na manager naten, ang tagal umuwi." Rinig 'kong saad ni Fleur.
"Pauwi na 'yon." Sambit ni Lea.
Tumingin kame sakanya at ngumiti. "Nag-usap na kayo?" Ani Mia. Tumango si Lea. "Pero ewan ko lang kung gusto niya pa maging manager ng team." Halata ang lungkot sa boses ni Lea.
Tumingin ako sa bola at hinayaan silang magsalita. "So, maghahanap kayo ng bago? Yung adviser naten sa team, di naman naten laging kasama kaya hindi siya magiging part-time managaer." Sabi ni Fleur.
"Atlis malaki ambag niya, yung mga jersey naten, siya rin yung nag-aasikaso sa mga schedule naten para sa mga practice match ng ibang schools para makalaban naten." Sabi ko. Tumango-tango sila, sumasang-ayon sa sinasabe ko.
Tumingin ako sa paligid namen. "Wala si Evie?" Tanong ko sakanila.
"Nag-cr lang siguro." Kumunot ang noo ko, edi sana kanina nakita niya na ako kaninang nung pumasok ako pero hinayaan ko na lang. Naalala ko na naman pinag-usapan namen kahapon sa classroom, napahinga ako ng malalim.
Habang nag-uusap kami ay may nakita akong pumasok sa gym, si Evie. Di siya nakatingin saken dahil malayo naman ako sakanya.
Di ko nalang siya tinawag.
Maya-maya, pumasok na si coach at mukhang inaantok pa. Inasar-asar siya nila Fleur at pinapagalitan dahil halatang madaming ininom.
"Sorry na mga girls, ngayon lang ulit ako nakainom, maghanda na kayo, paparating na yung isang school." Tumango sila at inayos ang mga bola.
Totoo nga na malapit na sila dumating dahil may naririnig na akong bus na pumapasok sa school. Sino kaya yung kalaban namen? Nakita 'kong lumabas si Lea kaya naman sumunod kameng lahat.
YOU ARE READING
Ever a Never After
Teen FictionThe story of a teenage girl who considered the hospital as her house and a captain of the volleyball boys of North High. A girl who was contented at her life (she thought) and a boy who was misunderstood by many considered him as trash for his filth...