"Callie..."
Inimulat ko mata ko, nakita ko si mama na hinahaplos pisngi ko.
Kinusot ko ang mata ko at umupo sa kama. "Bakit, ma?" Ngumiti siya saken. "Wala, chinecheck lang kita."
Sumulyap ako sa orasan at madaling araw pa lang. Kumunot ang noo ko, "Anong meron?" Umiling siya at umayos na ng tayo.
"Matulog ka na ulet." Hinalikan niya ang noo ko at hinaplos-haplos ito.
Bago siya lumabas ay may binigay siyang face towel saken. "Good night." Bulong niya.
Nakatitig lang ako sa pinto na sinarado na niya. Anong meron? Tinignan ko ang face towel na nasa kamay ko, na-realize ko na medyo basa ang mukha ko.
Ngumuso ako. "Ano ba yan, pawis na pawis ako tapos hahalikan ako ng nanay ko sa noo. Di ba sya nababahuan?" Natatawa 'kong sabe.
Humiga nalang ulet ako at pinikit ang mata.
Naimulat ko mata ko nung napansin 'kong may sinag na ng araw. Late na ako!
Mabilis akong tumayo at naligo bago bumaba para kumain ng almusal. Nakita ko si mama na naghahanda ng pagkain. Nakatayo lang ako doon habang tinitignan siya.
"Umiiyak ka ba, ma?"
"Rivera, pasok ka mamaya sa office ko later." Sabi ng teacher ko na guidance counselor den. Tumango nalang ako at nagsulat sa notebook.
Buong umaga, hindi maalis sa isip ko ang mukha ng mama ko. Mukhang kakagaling lang niya sa iyak nung nakita ko siya, pero hindi ko naman nakita na umiiyak siya nung nasa kwarto niya ako pero kase madilim non kaya hindi ko nakita.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsusulat. "Cal, busy ka?"
Tumingin ako kay Ann na nakangiti saken. Umiling ako. Umupo siya sa tabi ko at tinitignan ang sulat ko. "Grabe, volleyball nalang ba ang talent mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin at pinakita sakanya ang sulat ko. "Maganda naman yung penmanship ko!"
Tumawa siya at tinuro ang sulat ko. "Siguro magiging doktor ka!"
Inirapan ko sya. "Ako na ayaw sa hospital tapos magiging doktora?Psh."
"Ano sinusulat mo?"
Nginisian ko siya. "Kukulamin kita."
Sumama din ang tingin niya saken kaya tumawa ako. Maya-maya lang ay nakangisi siya saken. Nilapit niya ang mukha niya saken kaya tinulak ko sya kaagad sa mukha. "Hahalikan mo ba ako?" Pasigaw 'kong tanong.
Binatukan niya ako kaya bigla ako napahawak sa ulo ko. "Sira! Straight ako!"
"Eh bakit ka ganyan lumapit saken?" Umirap siya at umayos ng upo. "Tatanungin sana kita kung anong nangyare kahapon." Natigilan ako at umayos ng upo.
Narinig ko ang pagkahagikgik niya at nilapit ulet ang sarili niya saken. "Sige na, Cal. Kwento mo na, kailangan mo ilabas kilig mo." Niyuyugyog niya pa ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano meron kahapon?"
Pinalo niya ako sa braso at nginusuan. "Alam mo naman yung ibig 'kong sabihin. You know, after school. Keane? Inaya ka? Duh! So ano? Kwento."
YOU ARE READING
Ever a Never After
Fiksi RemajaThe story of a teenage girl who considered the hospital as her house and a captain of the volleyball boys of North High. A girl who was contented at her life (she thought) and a boy who was misunderstood by many considered him as trash for his filth...