The Untold Story of McDonald's.
"Nika! Bilisan mo na dyan. Para makahabol tayo kila mommy." Pasigaw na saad ni Lory sakin. Andito pa kasi kami sa school dahil sa mga projects namin.
"Bakit ba kasi Lory? Kita mo namang madami akong dalang gamit." Pinakita ko sa kanya ang mga dala-dala kong mga bond papers and color papers.
"Haystt. Pupunta sila Mama sa paborito kong fast food. Papunta sila sa McDonald's. Kaya let's go na!" bibong sabi nya.
"Bakit mo ba yan naging paborito? Di mo ba talaga alam ang kuwento sa likod n'yang McDonald's nayan?" Tanong ko sa kanya.
Kitang kita ang curiosidad sa kanyang mga mata.
"Bakit? Ano bang kwento no'n?" Tanong niya.
"Ikukwento ko sayo pag tinulungan mo ako dito." Saad ko. Agad naman siyang tumulong.
Nakarating kami sa di kalayuang bus stop at doon ako nagkwento.
"Ayun sa sabi-sabi, magkaibigan daw sina Jollibee at McDonald's. Pero na tapos lang iyon nang may pinatayong negosyo si Jollibee. Nang dahil sa kanyang negosyo ay bihira nalang nakikita at nag-uusap ang dalawa.
Nagalit si McDonald's sa nangyari sa kanilang pagkakaibigan. Kaya't nagpatayo din sya ng sariling negosyo para makipag kompetensya Kay Jollibee. Pero hindi pinansin ni Jollibee ang ginawa ni McDonald's. Nagalit ito kaya't nagplanong maghiganti si McDonald's.
Gabi-gabi ay pinapatay ni McDonald's ang mga naging customer ni Jollibee pagkatapos kumain sa fast food chain nito. Kaya ang mga tao ay nababahala at natatakot na kumain sa Jollibee.
Naging mamatay tao si McDonald's para mapabagsak ang negosyong lumamon sa kaibigan niya. May sabi-sabi daw na minsan ang mga pinapatay ni McDonald's ay hinahain nya sa fast food nila. Dahil sa pagpapahalaga ni McDonald's sa pagkakaibigan nila, nagawa niyang kumitil ng buhay."
Natapos ko ang mahabang istoryang habang tinititigan ang reaksyon ni Lory.
" Omygashh! Totoo ba yan? " Kasabay hawak sa labi.
" Ewan pero ayaw talaga ni mama na doon ako kumain." Kibi't balikat kong sabi.
"Ayaw ko nang kumain doon." Giit nya habang Naduduwal.
Hindi na ako umimik at iniligpit ang nagkalat na gamit.
"Ikaw bahala, tara madami akong gagawin" Sabi ko.
"Segi, ako din. " Nagmamadali siyang tumayo at tumabi sakin. Alam kong dadalhin nya ang ikunuwento ko hanggang pagtanda. Sana hindi ka tulad ni Jollibee, Lory, na iiwan lang ako sa ere.
Tinitigan ko ang mukha ni Lory na di parin nawawala na nakakadiring eskpresyon. Wala syang kaalam alam na ako ang pumapatay gabi-gabi at isa ang kanyang ate sa napatay ko.
Patawad Lory. Trabaho lamang.