NICKA'S POV
"Wag ka nga umiyak dyan! hindi bagay sayo etong panyo oh."
Di ko kinuha yung panyo at agad na pinunasan ko yung luha ko gamit ang kamay ko.
Nilingon ko kung sino yung nagsalita.At gaya ng inaasahan ko si gab nga.
"I-ikaw pala gab."
"Bat ka umiiyak?."
"h-ha? d-di aaah."pagsisinungaling ko
Tinitigan niya lang ako na parang alam niya talaga na may problema ako.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ko.Niyakap niya ko.
"Ok lang yan nandito lang ako."
"Ang sakit gab eh.Ang sakit mawalan ng bestfriend."sabi ko habang umiiyak at nakayakap parin sakanya.
"Di ko naman talaga gusto si neil.At wala akong balak agawin sa kanya yung lalaki na yun."pagpapatuloy ko.
Hinarap niya ko sa kanya.
"Alam mo niks sa sarili mo na wala kang ginawang masama so wag ka ng umiyak ha."sabi niya sabay punas sa luha ko.
"Nandito lang ako niks."
"S-salamat gab."
"It's ok."
"Ahhhmm want ice cream? My treat."pahabol niya.
"S-sige ba."
Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse at saka ako sumakay.Sumakay na din siya.
Tinignan niya ko ulit,
"Haaay nako niks wag ka nga sumimangot dyan.Di bagay sayo.Ngiti na."pangungulit niya.
"Oo na eto na nga oh."
then nagsmile na nga ko.
"Ok let's go!."nakangiting sabi niya.
Nagsimula na siyang magdrive.
"Gab san ba tayo pupunta?."tanong ko.
"Papasayahin kita.Then libre kita ng ice cream."
"Talaga?."
"Oo naman.Basta papasayahin kita."
Medyo napangiti naman ako ni gab.
Kailangan ko na maghanda sa mga mangyayari samin ni joyce bukas at sa mga susunod pa na mga araw.
Habang nagddrive siya nagpatugtog siya sa kotse ng wiggle ni jason derulo at nagulat ng bigla siyang kumembot.
"HAHA!Ang galing mo pala kumembot gab!."
Natawa talaga ko ng sobra dun.
"HAHAHA!Wag mo kasi minamaliit ang aking kakayahan niks."
At patuloy pa rin siya sa pagkembot.
"Magdrive ka nga ng maayos dyan.HAHAHA."sabi ko.
"Bakit? Ayaw mo ba makitang kumekembot si gab na sobrang gwapo?."
"HAHAHAHA! Tama na! Sakit na ng tiyan ko."sabi ko habang tumatawa.
Nilipat ko yung kanta then ang sumunod na kanta ay talk dirty.Mas lalo tuloy siya kumembot.
"HAHAHAHA! Gab puro pansayaw ba to?."
"HAHA.Naka-shuffle yan."
then tumigil na siya sa pagsayaw.