I. SIMULA

66 2 0
                                    

WARNING: SPG ang ibang mga lengwahe

Stress ako sa araw na ito. Sarap na sarap si haring araw dahil mas tumitirik pa ito kaysa sa mga babaeng nakikita ko sa bold.

Paalala: ako po ay hindi regular customer ng porn hub. Aksidente ko lang pong napanood ang whole video sa cellphone ng classmate ko nung grade ten.

Bakasyon ngayon kaya todo kayod ako para sa paparating na pasukan. Nagtitinda ako ng mga kakanin at nag de-deliver din sa mga kapit bahay. Ang mga kapatid ko naman ay busy sa pagtatahi ng mga pages ng lumang notebook nila para magamit sa pasukan at para na rin makatipid.

Naaaliw ako sa aking pagtitinda dahil nabubusog rin ako sa mga tanawin. Mga malalaking gusali at bahay ng mga mayayaman. Mayroong renovated ancestral house, modern houses, Spanish style houses at mayroon ding classical, bahay lang ata namin ang kubo dito. Higit isang dekada na kami dito sa maynila pero hindi ko pa rin pinagsasawaan ang mga bahay na ito. Siyempre nakaka proud ang mga kapit bahay namin! Ang yayaman! At ngayon may bagong lipat na naman. Nakatayo ang mismong newly furnished house nila sa tapat talaga ng bahay namin! Pinapagitnaan kami ng dalawang naglalakihang commercial buildings at kalye lang ang pagitan ng bagong bahay at bahay namin kaya nagmimistulang public c.r itong bahay namin. Usap usapan na ang gobernador daw ng baranggay ang may-ari ng bahay at may nag-iisang anak lang. Siguradong spoiled brat ang anak ni gob!. Feeling ko swerte din naman ako ngayon dahil may delivery kami ng kakanin sa mismong bagong bahay dito! Masisilip ko ang loob nun kung sakali! May maipagyayabang na naman ako sa classroom at sa mga kaibigan kong slapsoil din tulad ko char!.

Slapsoil- English translation ng hampas lupa bhie

Sasabihin ko ganito:

Kilala mo yung gobernador natin dito? Oo! Yung bahay nila nasa mismong tapat ng bahay namin! At inimbitahan pa kami sa salu-salo nila nung nagpa-blessing sila! As usual center of attraction pa rin ako dahil sa beauty ko. Marinig ba naman nila ang banal na boses ng mala diyosang lector ng simbahan!... Char!

"Ate!!!! Bumalik ka na rito wuy! Para kang hampas lupang aso na naghihintay ng tirang bones d'yan!" Sigaw ng kapatid ko mula sa kabilang parte ng kalye. Agad naman akong napakurap kurap at hindi man lang namalayan na nakanganga na pala ako dito sa tapat ng gate nila gob!

"Si Ate parang tanga. Umuwi ka na   dito sa house natin! Mag de-deliver pa  tayo ng food kina Aling Selya later!" Sigaw ng bunso kong kapatid. Conyo pala ito sila uy! Parang anak mayaman naman tung sisters ko uy!

"Hoy wag nga kayong ganyan mag salita. Hindi bagay sa inyo!" Sigaw ko pabalik sa kanila.

Sinulyapan ko muna ulit ang bahay nila gob. Napaangat ako ng tingin sa itaas ng bahay nila at nakita ang medyo nakabukas na bintana sa ikalawang palapag nila. Parang may tao.

"Wuy Ate!" Sigaw muli ng kapatid ko kaya bumalik na ako sa bahay. Naku balang araw talaga! Makakapagpapatayo din ako ng katulad niyan! Mag-aaral talaga ako ng mabuti! Magiging Doctor of Education din ako balang araw! Iaahon ko sa hirap ang pamilya ko!

Tulong tulong kami sa pagluluto ng kakanin. Ako at si Papa ang nagluluto at ang mga kapatid ko naman ang naghahalo ng mga sangkap. Ulila na kami sa Ina kaya si Papa nalang ang natitirang magulang namin. Sinu suportahan niya kami at pinapaaral kaming tatlo ng sabay sabay. Tulong tulong kami sa pamilyang ito. Si Papa nagko-konstraksyon at namamasada din kung minsan. Ako naman at ang mga kapatid ko ay nagdadala ng mga kakanin sa paaralan para ibenta. Minsan sumasali din ako sa mga patimpalak tulad ng mga beauty pageants at Dance contests. Minsan panalo, minsan talo. Ang importante may consolation prize. Char! Mas maganda talaga pag nananalo ka! Kaya Ariba tayo always bhie! Laban!

"Queen anak, may gamit ka na ba para sa pasukan?" Tanong ni Papa sa akin. Queen ang tawag ng mga tao sa'kin, short for Maharlika.

"Hindi pa po. Inuna ko po ang mga gamit nina Adelaida at Reyna.." sagot ko kay Papa. Si Adelaida ang kapatid kong sumunod sa'kin at si Reyna naman ang bunso namin. Bumaling si Papa sa'kin at malungkot na ngumiti.

MAHARLIKA DIMAGIBA [WORKING GIRLS SERIES#1]Where stories live. Discover now