I. PASUKAN

27 1 0
                                    


Alas singko pa lang ng umaga nang nagising ako. Nagluto ako ng agahan habang abala naman sa pagluluto ng kakanin si Papa. Maaga siyang nagising at nagluto ng mga kakanin dahil maaga rin siya sa papasukan niyang raket sa konstraksyon. Nakasanayan na namin ang pagdadala ng kakanin sa paaralan at pagbibenta nito sa mga kaklase at schoolmates. Masarap magluto ng kakanin si Papa kaya pabalik balik rin sila sa pamimili. May suki na rin ako sa school namin kaya agad na nauubos ang mga binebenta kong kakanin. Ganoon din ang ginagawa ng mga kapatid ko. Ayaw ko man silang pag bentahin ng mga kakanin eh sila na mismo 'yung nagpupumilit na magbenta rin. Swerte ako sa mga kapatid ko dahil kahit sa murang edad ay naiintindihan na nila ang sitwasyon namin at kusa pa silang tumutulong. Hindi man obvious pero talagang mahal na mahal ko sila, at sa oras na makapagtapos ako ng pag-aaral at makahanap ng trabaho, ipaparanas ko sa kanila ang buhay na nararapat sa kanila.

Pagkatapos kong magluto at maghanda sa mga baon namin ay agad akong naligo. Hindi na ako nagtagal sa banyo dahil mamamalantsa pa ako. Dating gawi pa rin. Ginigising ko ang mga kapatid ko at ihahatid sila sa school nila. Eksaktong alas sais y media ng umaga ay nakalabas na rin kami ng bahay. Dala dala ang aming bag at supot ng paninda naming kakanin ay sabay kaming naglakad patungo sa school namin. Mabuti na lang at madadaanan lang ng school namin ang school ng kapatid ko kaya madali lang sa parte ko. Wala kaming sundo dahil may trabaho si Papa kaya nilakad namin yung distansya galing sa bahay hanggang sa school. Maaga pa naman kaya mas magandang maglakad. Makakatipid din kami sa ganitong paraan.

"Ate, ano po yung gusto niyong trabaho paglaki niyo?" Tanong ni reyrey. Agad naman akong napabaling sa kanya. Nakahawak siya sa kamay ko kaya ramdam ko ang biglang pagkalabit niya sa akin.

"Gusto ko maging teacher. At 'pag naging teacher na ako, bibili ako ng sariling sasakyan natin at ihahatid ko kayo palagi ni Addy. At kapag naging teacher na ako, bibilhan kita ng magandang gamit sa school at bagong uniform! Gusto mo yun diba?" Nakangiti kong tugon. Agad namang ngumiti si reyrey at tumango tango.

"Tss. Ang kuripot mo naman nun ate. Kapag ako naging police? Ipapaayos ko yung bahay natin tsaka bibilhan kita ng cellphone Rey! Diba ang astig nun?" Sabat naman ni Addy. Agad namang pumalakpak sa tuwa si reyrey.

"Wow! Cellphone? Talaga ate?!" Nakangiting tanong ni reyrey at agad namang tumango si Addy.

"Oo naman! Hindi ako kuripot no! kaya bibilhan kita ng cellphone! 'yong touchscreen! Tapos gugulpihin natin lahat ng mga taong tinatawag tayong salot rey! Lalo na yung mukhang palaka mong classmate dati na palagi kang iniinggit sa cellphone niya? Tsaka yung classmate ko ring ang damot magpahiram ng cellphone! Kapag talaga naging police na ako, ihahampas ko sa kanila yung cellphone ko tapos sasabihin kong-- ay nasira? tss. okay lang mura lang naman to, 15,000 lang. Hahahahah---" Pagmamalaking sagot ni Addy kaya binatukan ko na.

"Aray ko naman ate! Inaano ba kita?" Nakasimangot na reklamo ni Addy.

"Ang bata pa ni reyrey para mag cellphone! Konsintidor ka talagang babae ka! Alam mo bang maraming na adik sa cellphone cellphone na yan? Nakakasira yan ng pag-aaral! Kaya siguro bumababa yung grades mo dahil panay ang isip mo d'yan sa cellphone cellphone na 'yan! naku Adelaida kapag ngayong taon may makita na naman akong palakol sa grades mo--- talagang iitakin kita! Ang BI mo kay reyrey!" Pangangaral ko sa kanya. Agad naman siyang umirap at ginaya pa ang kibot ng bibig ko! Talaga tong tomboy na to! Naku!!

"Isang kibot pa niyang bibig mo, paduduguin ko na talaga 'yan" dagdag ko pa

"Ang OA mo naman ate! Libreng mangarap uyy! KJ ampota!" Aba'y tinawag pa akong pota?!

"Huy yang bibig mo ha! Sinong nagturo sayong magmura?" Pikon kong sambit. Talagang sinisira ng batang ito ang araw ko. Ngumisi lang naman siya tsaka nag peace sign. Pagkatapos akong utoin ay agad siyang kumaripas ng takbo papasok sa paaralan nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAHARLIKA DIMAGIBA [WORKING GIRLS SERIES#1]Where stories live. Discover now