PROLOGUE

78 2 0
                                    


"Ren!" napapitlag ako sa lakas ng bulong ni Jane. She's my friend since i was in grade school. Palagi kasi akong pumupunta sa kanila sa tuwing may mga project kami. Kompleto ang mga kagamitan nya kumpara sa akin na ballpen at notebook lang ang meron. "Bakit tulala ka nanaman? We're in the middle of a meeting and your not listening nor paying attention." pabulong ngunit naiirita nyang sabi.

"Sorry may naalala lang ako."
nakayuko kung sabi dahil sa pagpapakahiya. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin.

Nandito kami sa loob ng faculty room at nag-uusap tungkol sa gagawing Party sa paaralan. Marami kasing mga bagong saltang guro kaya naisipan ng aming Dean na gumawa ng kahit Welcome party para sa kanila.

"So any idea?" Tanong ng aming Co-Teacher na si Myra. Sya ang naatasan na mag-lead sa gagawing Welcome party. "Then Kung wala na kayong maisa-suggest the meeting is adjourned."

Sabay kaming natapos ng pagliligpit at lumabas ni Jane. Ng nakalayo-layo sa ibang mga guro ay pinaulanan nya agad ako ng mga tanong.

"Bakit ba tulala ka na naman kanina? Alam mo bang masama na naman ang tingin sayo ni Agatha? Ang akala siguro non ay ini-imagine mo si Lorenz kaya ka tulala. Gusto mo bang mapagalitan na naman tayo ni Madam? " Sabay kaming natawa.

Si Agatha, isa sa mga Co-Teacher ko na galit sa akin. Hindi ko alam kung bakit sya galit. Siguro ay dahil nalaman nya na nanliligaw sa akin ang ex nyang noon ay mahal na mahal nya. Wala naman akong balak sagutin si Lorenz kung tutuusin nga ay nasabi ko na to sa kanya ngalang ay ayaw nyang sumuko. Liligawan nya pa rin daw ako hanggang sa magustuhan ko sya. Nagkibit-balikat ako imposibleng magustuhan ko sya dahil hindi pa ako handang makipag-relasyon sa kahit sino.

Hapon ng matapos ang aming klase ay napagpasyahan ko ng umuwi sa aming apartment. Iisang apartment lang ang aming tinitirhan ni Jane dito sa Maynila. Mahirap ang buhay dito kumpara sa probinsya. Kung doon ay maliit lang ang babayaran sa tubig, kuryente, doon ay may sarili kaming bahay kumpara dito na ultimo ulam ay kailangang bilhin.

"Hayyyyy.." I let out a long sigh at saka ipinilig ang ulo. Nakaupo ako ngayon sa maliit na sofa ng aming apartment. Ramdam ko ang pagod sa aking katawan. Hindi naman kalayuan ang aming apartment sa University, isang sakay lang ng tricycle at kaunting lakad. Kung tutuusin nga ay naglalakad nalang ako tuwing hapon pwera lang kung pagod talaga ako.

Nagtataka akong napatingin sa aking relo ng may biglang kumatok sa aming pinto, 6:34pm. Wala naman kasi kaming inaasahang bisita saka Isa pa ay hindi naman siguro yan si Jane, nasabi nya sa akin na gagabihin sya dahil may gagawin pa sya sa school.

Napatayo ako at marahang naglakad papunta sa pinto, dahan dahan ko itong binuksan. Nabigla ako ng ang unang tumambad sa akin ay isang Pumpon ng mabango at mamahaling bulaklak, minsan ko na rin kasi itong nakita noong pumunta kami sa SM dito sa Tanguig.

"Hi Ren," Matamis na ngiti ang una kung nakita sa mukha ni Lorenz. Napangiwi ako sa hindi malamang dahilan. Sumingit Ang alaalang pilit kung binubura sa aking isipan."Sorry if I disturb you!" Sabi nya ng makitang nakangiwi ako.

Pilit akong ngumiti at iniiling ang ulo."Hindi,," Patuloy ang pag-iling ko at nag-iisip ng idadahilan. "W-wala Naman akong ginagawa nabigla Lang ako at nagpunta ka pa rito gayong..... " Nag-iwas ako ng tingin, ibinalik lang ng napansin ang pagkatahimik nya. Naguilty naman ako dahil nakita ko ang pagpait ng kaniyang ngiti. Agad ko itong binawi. "I-i mean hindi ko inaasahan na mapupunta ka rito malayo Ang bahay nyo tsaka maggagabi na." Sabay ngiti.

"It's ok sinadya ko talagang pumunta rito. We have a Business meeting near here so naisipan kung bilhan ka ng bulaklak at kamustahin. It's been a while since we see each other."aniya.

Faith in LoveWhere stories live. Discover now