Kabanata 1

49 2 0
                                        

"Ma'!" malakas na tawag ko sa aking Ina habang mabilis na tumatakbo papunta sa aming bahay, hindi ko alintana ang mga lubak na aking nadaraanan sa aking pagtakbo. May maganda akong balita kaya kahit na may kalayuan pa ang aming bahay ay panay ang sigaw ko. Malimit lumabas ang aming mga kapit-bahay kapag ganitong oras, tanging nasa labas lang ay ang mga kapwa ko estudyante na gaya ko ay pauwi na rin.

"Ma'!" Unang bumungad sa akin ang maliit naming sala kung saan nakahiga sa isang sofa ang aking Ama. Mabilis Kung natutop ang aking bibig, patay talaga ako pag nagising si Papa.

Habol ko ang aking hininga habang dahang-dahang naglakad papunta sa aming kusina. Alam kung sa mga ganitong oras ay nagluluto na ng hapunan si Mama. Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa itaas ng pintuan direkta papunta sa aming kusina pasado alas kwatro na ng hapon.

Masaya akong naglakad ng dahan-dahan papunta sa kusina hawak-hawak ang isang papel na alam kung makakapagpasaya sa kaniya.

Maagap kung nakita si mama na nasa harap ng aming lutuan. Amoy na amoy ko ang kaniyang niluluto kaya napangiti ako, pamilyar yun kahit na paminsan-minsan lang akong nakakakain. Madalas ko iyong matikman sa mga piging na aming dinadaluhan.

Dahan-dahan akong naglakad ng sa ganon ay hindi nya ako mapansin. Nang nakarating ako malapit sa kaniyang likuran ay napangisi ako abala talaga si mama sa pagluluto kaya kahit na may kaunting bulong  ang hangin na syang' saksi ng aking pagparoon ay hindi nya pa rin ako napansin. Maingat at halos hindi nakagawa ng kaunting ingay ang paglapat ng aking kamay mula sa kaniyang likuran, niyakap ko sya galing sa likuran. Tumaas ng kaunti ang balikat Ni Mama tanda ng pagkabigla . Madalas na ganito angg aking mga kilos kaya palagi rin akong napagsasabihan. Napahagik-hik ako ng mahina.

"Ano k-" tumingin siya sa akin. Nagsisimula na sa kaniyang pagsasalita na agad ko rin namang pinutol.

"Ma," Ininguso ko ang aking kamay na ngayon ay dahan-dahang itanataas ang hawak kung papel. "Score ko po sa lahat ng periodical test namin ngayong 3rd Grading." may ngiti SA labi Kung sabi, dahan-dahang ikinalas ang mahigpit na pagkakayakap sa kanyang bewang. "Sabi po ni Ma'am Carrion ay may regalo daw po ang mga may mataas na marka sa Math." masayang balita ko. Dahan-dahan akong hinarap ni Mama.

Terror ang guro naming yun. Minsan lang sya magbigay ng regalo, pag nasa mood sya syempre. Nabalitaan ko noon na nagbigay sya ng mga school supplies sa mga istudyante na matatas ang marka, Kaya masaya ako. Kung yun ang ibibigay ni Ma'am Carrion ay lubos na makakatulong yun sa akin, hindi na mahihirapan si Mama na humanap ng mga pagkakakitaan para mabili ang mga kailangan ko sa school.

"Naku, congrats anak sabi ko naman sayo na makakakuha ka ng mataas na marka basta't mag-aral ka lang ng mabuti." masayang bati sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit. " Wag kang mag-alala mamamasyal at kakain tayo sa bayan pagka-nakuha ko na ang sweldo ko sa tita mo." aniya.

Maraming pinapasukang trabaho si Mama. Hindi nakatapos kaya mahirap makahanap ng full-time job. Isa pa ay malimit talaga ang mga oportunidad dito sa probinsya, kaya nga marami sa aming mga kapit-bahay ay lumuluwas ng Maynila para doon makahanap ng permamenting trabaho. Paglalaba at pagtitinda ng kakanin ang madalas na ginagawa ni Mama. Madalas akong tumulong sa kaniya kapag walang pasok, lalo pa't madalas na may nagpapadeliver nito sa mga pagawaan.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at nakangiting hinarap si mama. "Wag na po Ma' ipunin na lang po natin para sa birthday mo, malapit na po iyon," sabay kindat. "isa pa po ay doon rin po kami tutungo bukas, kasi po ay birthday ng isang kaklase ko at iniimbita po kami." Naparami ata ang aking nasabi ng pinandilatan nya ako ng mata. "A-hehe hindi ko pa nga po pala nasabi sa inyo." tumalikod si Mama at tiningnan ang kaniyang niluluto. Siguro ay napakiramdaman nya kung ano ang balak kung gawin.

Faith in LoveWhere stories live. Discover now