Habang kumakain ang buong pamilya ng mga Vargas. “Congrats belle for your promotion. Wow! Master teacher” wika ni Mr. Francis Vargas. “Ikaw Charles, kilan ka mag sisimula ng dissertation mo? Dagdag nya habang bumaling ang tingin sa kanyang kanan kung saan nakaupo si Charles, ang kanyang panganay na anak.
"baka po next month Dad” tugon ni Charles sa kanyang ama.
Teka asan na ba si Dean?” mag papalipas na naman ng kain ang batang toh!” wika ni Mrs. Dorothy, ang asawa ni Dr. Francis.
“Dean!!!” bumaba ka na jan, kakain na.” dagdag ni Mrs. Dorothy habang tinatawag si Dean.
Maya maya pa’y dumating ang isang lalaki na nahahawig ang kanyang mukha kay Mrs. Dorothy na mestiso, kaputian ang balat at talaga namang good-looking tulad ni Charles. Sya si Dean, ang kanilang bunsong anak.“oh ikaw dean, kilan mo ba balak mag apply sa DepEd?, tatlong taon na ang lumipas, wala ka bang plano sa buhay mo?” wika ni Mr. Francis.
Nag tinginan nag mag iina at mga kapatid ni Dean.
“wala naman akong balak mag turo.” Tugon ni Dean.
“eh anung plano mo, yang pag pipicture mo?, pwedeng pwede ka naman sa deped ahh, tsaka sigurado na yung item mo sa school na pinag tuturuan ni Belle.
Natigilan si Dean sa kanyang pag kain at binitawan ang kanyang kutsara’t tinidor.
‘ah ehh hayaan mo na Daddy, kung yun naman talaga yung gusto ng anak mo, edi supportahan nalang natin." singit ni Mrs. Dorothy.“Dean, lahat ng pamilya natin ay teacher, at hindi lang teacher kundi may mga matataas na position, si Belle master teacher na, si Charles nag dodoctorate, tapos ikaw mag puphotographer?”
“Yun nga ang problema eeh, hindi ako tulad ni ate at ni kuya, hindi ako tulad ninyo... wala na ba akong desisyon ng para sa sarili ko dad?” sabay tumayo at umalis sa hapagkainan.
“Dean!” pag pigil ni mrs. Dorothy.
“busog na ako” sagot ni DeanBuntong hininga habang tinitingnan ni Dean ang mga pasaherong sumasakay sa malaking bangka at inaayos ang kanyang mga dalang bag.
“Manong, byaheng Burias po?” tanung ni dean sa lalaking may bitbit ng malaking bag.
“Oo, san ba punta mo?” tugon ni manong.
“Claveria po” wika nya.
At sumakay na sya sa malaking bangka.“Ate Belle, baka naman” pabirong wika ni Dean kay Belle habang nag kasalubong sila sa kusina.
“ohh ano yun?” nakangiting tugon ni Belle kay Dean
"uhmmmnn, kasi…” wika ni Dean.
‘Anu yon Dean? Sabihin mo na? may favor ka na naman noh?” wika ni Belle.
Tumango si Dean na nakangiti ngunit maiilag mo sakanyang mukha ang pagkailang sa kanyang ate Belle.
‘aseees!, anu yon? Sabihin mo na.. “ wika ni Belle
‘te, kasi… uhmmmm… May pera ka?,
Hihiram ako, plsssss… hiram lang..pramise babayaran ko pag nagkapera ako!” sunod sunod na wika ni Dean sakanyang ate.
“ehh anung gagawin mo sa Pera?” wika ni Belle.
“Te, Gusto ko kasi bumili ng bagong Camera. Peru mababayaran naman kita soon, may mga ka collab naman akong photographer isasama daw ako nila sa next raket nila te. Plssss” pacute na pagmamakaawa ni dean sakanyang ate.
“nako, ikaw talaga, kilan pa ba kita Hinindian?, kung saan ka masaya, dun ako” wika ni Belle.“anong Camera?” biglang pag pasok ni Mr. Francis sa usapan ng magkapatid.
‘Manghihiram ka ng pera? Tapos ano? Dean naman, kung gusto mo pala ng Camera edi sana nag trabaho ka na.’’ dagdag pa ni Mr. francis. “walang manghihiram at mag papahiram Belle.’’ Pag baling nya ng tingin kay belle.
‘'Dad yun naman talaga ang gusto di Dean, tsaka may ipon naman ako dad kaya ayus lang” tugon ni Belle.
“Te wag nalang.’’ Malungkot na mata ngunit nakangiting pagtugon ni dean sakanyang ate sabay alis sa kusina.Tulala si Dean habang kinakausap ng kanyang ama at ina sa sala.
“Dean, its been 3 years nung pumasa ka sa LET. Matalino ka at alam yun namin ng Mommy mo. Can you please consider teaching?” wika ni Mr. Francis ngunit walang tugon si dean sa kanyang sinabi.
‘’Okay here’s the deal, kakausapin ko yung kumpare kong Head ng City Division at mabibigyan ka kaagad ng item. Just say Yes Dean.” Dagdag pa ni Mr. Francis.
‘Ayuko namang umapply at matangap sa trabaho sa dahil Deped Regional Director ang Daddy ko.” Biglang tugon ni Dean
“eh ano?, ganito ang pamilya natin, this is How I made this Family. People have High expectations!'’ Dagdag pa ng kanyang ama.
“Dad, wag mo namang ipressure ang anak natin” mahinahon na wika ni Mrs. Dorothy.Malungkot na tinititigan ni Dean ang mga papel na hawak hawak nya habang sya ay nasa kwarto nang biglang tumunog ang kanyang telepono.
“hello”
‘Hi, is this Mr. Dean Vargas? Im Mandy from HR department” tugon ng nasa kabilang linya ng telepono.
“Yes po, ako poi to.”
“Oh Yes, Sir I’m Glad to inform you that you are hired as teacher 1, I will sent you an email of the details. And congratulations sir Dean.” Masayang wika ni Mandy
“Okay. Thankyou miss Mandy” sabay baba ng telepono ngunit ang mukha ay may halong pagkalungkot at pilit ngiting pag baling ng kanyang atensyon sa mga larawang nakadikit sa dingding ng kanyang kwarto.Mahimbing na tulog ni dean habang yakap ang kanyang bag na ginawa nyang unan habang nakaupo sa bangka.
‘Sir, sir… ‘’ mamang gumugising sakanya.
Biglang nagising at kamot matang bumulaga sakanya ang mukha ni manong na maniningil ng pamasahe.
Magkano po ba? Wika nya.
“100 po” sagot ng mama.
Bitbit ang kanyang mga bag ay bumaba na sya sa bangka at sumakay sa Habal habal. Sandaling naaliw ang kanyang mga mata sa mga nakikita nya sa paligid habang sakay ng habal-habal. Malayong malayo ang hitsura ng lugar kumpara sa syudad na kanyang pinang galingan na maraming mga gusali, mataong lugar at mainit. Dito nama’y maraming puno, berdeng kapaligiran, malinis at preskong hangin at mapagmamasdan ang puting ulap at bughaw na lagit.“Hah? Sigurado ka? Eeh ang layu nun Dean!” nabiglang wika ni Belle.
“Siguro….” Pabuntong hiningang tugon ni Dean kay Belle.
“Baka mag bagu pa isip mo, magagawan naman ng paraan ni Daddy yan. Pwede naman sa Legazpi” wika ni Belle.
“Kung gagamitin lang naman ni Daddy yung position nya, Wag nalang! Tsaka pansamantala lang naman to eh, gusto ko na munang magpaka layu layo.” Tugon ni Dean.
“tsaka adventure na din, maganda daw dun ee… pwede ko masubukan photographic skills ko” nakangiting dagdag na wika ni Dean.Biglang tumigil ang andar ng motor na sinasakyan ni dean.
“Anung nangyare manong?” tanong nya habang naka kumot noo ang mukha ng dirver.
“Nag flat yung gulong ee, hindi na kita maihahatid dun sa Sampungan” sagot ng driver.
“malayo pa po bay un?” tanung nya.
“Mga isang oras pa kung lalakarin mo mula dito.” Sabi ni manong.
Napakamot na lamang sya ng ulo at nag patuloy sa pag lalakad. “aaarrghhh! Struggle is real!” bulong nya sa kanyang sarili.Yakap yakap ni Dean ng mahigpit ang kanyang ina habang nag papaalam.
“Mag ingat ka dun ahh! Wag mong papabayaan ang sarili mo. Love you anak.” Maluha luhang wika ni Mrs. Dorothy sa kanyang anak.
“eeehhh, Mommy naman ee… wag na umiyak.. babalik pa naman ako eehh… sa bakasyon” sabay punas ni Dean sa tumutulong luha ng kanyang ina.
“Mag ingat ka dun bunsoy ahhh?, tsaka mag send ka ng mga pictures mo sakin. Update mo ko lagi. Mamimiss kita” wika ni Belle. “payakap nga” dagdag pa nya sabay yakap kay Dean.
“Goodbye bro!” at niyakap ni Charles si Dean. “kung may problema ka dun, tawag ka lang ahh?”.
“Opo Kuya” ngiting tugon ni Dean.
“Mommy, paki sabi kay Dad na aalis na ako ahh. Sabihin mo wag sya masyado mag paka stress sa work ny at wag nyu na din ako alalahanin. Mamimiss ko kayong lahat” at nag yakapan silang magkakapatid at ina.
Mula sa malayo ay nakatanaw si Mr. Francis habang paalis ang kanyang anak na si Dean. Hindi sya pabor sa lugar na pag tuturuan ng kanyang anak ngunit wala syang magawa dahil yun ang hiling ni Dean sakanya peru ganun pa man sya ay natutuwa na susubukan ni Dean ang pagiging guro.Apatnapung minuto nang nag lalakad si Dean at bakas sakanyang mukha ang paghihirap. Bundok pagkatapos ng bundok ang kanyang mga dinaanan at bumabahang pawis na ang kanyang nararamdaman. Sa lilim ng puno sya ay tumigil paypay gamit ang kanyang sombrero at patuloy ulit sa pag lalakad. Hanggang sa may paisa isang bahay na syang natatanaw mula sa kanyang kinaruruonan.
Nakakaramdam sya ng ilang sa bawat taong nakakasalubong nya dahil tinititigan sya ng mga ito mula ulo hanggang paa ngunit patuloy parn sya sap ag lakad.
May lumapit sakanyang isang ale na abot ngiti ang tuwa kasama naman ang mamang tuwang tuwa din nung sya ay Makita.
“Sir! Ikaw po ba ang bagong guro dito sa lugar namin?” tanung ng Ale.
“Opo, ako nga po.” Pangiting tugon nya sa ale.
“mga Kabaryo andito na ang bagong Guro ng ating baryo!” atat na ibinalita ng ale ang kanyang nalaman.
“hoy Maria, tumigil ka nga, mamaya na yan! Tulungan muna natin si Sir mag bitbit ng mga gamit nya.” Wika ng mamang kasama ni Maria.
“Kami na po mag bibitbit ng mga dala dala nyu, ihahatid ka po namin” sabay damput ng kanyang mga dala dalang bag at nag patuloy sila sa pag lakad.

YOU ARE READING
Sunset Love
Romance" Di man ako sigurado sa kung anung nararamdaman ko para sayu, ang alam ko lang na sasamahan kita dito hanggang sa dulo. " - Dean Vargas