Simula

18 5 3
                                    


Ang buhay ay parang isang Ferries wheel, hihinto ito sa tuktok kung saan malulula ka sa kagandahan ng buhay,mapapansin mo lahat ng nasa ibaba,mararamdaman mo ang hindi mo pa nararamdaman.Pero di ito maglalaun at gagalaw ulit,uusad na parang hindi lang nangyari, bababa ka ulit kung saan ka nanggaling at nasa iyo na iyun kung
sasakay ka pa ba ulit at babalikan ang dati.

"Inay! Inay!" Naka ngiting binaling ng babae ang kaniyang anak na kanina pa siya kinukulit. Maganda ang kaniyang anak.Maputi ang balat,May mapupulang labi at puting buhok na naka tirintas ng maayos.

"Bakit?Ano iyun Carmilla?" Tanong niya. Itiningala siya ng bata at sinimangutan.

"Ina bakit ba bawal akong sumakay diyan sa malaking bilog na nagpapa ikot ikot?" Kapagkuwang Tanong nito.

"Carmilla, Iyan ay gawa ng mga tao at bawal tayong mangialam sa mga gamit na nasa mundo nila. Diba at sinabi ko na iyun sa iyo?" Mas lalong sumimangot ang mukha ng bata.

"Eh ina! Bakit po sila tinatamasa ang mga bagay na galing din naman sa Nirvana? Tapos tayo bawal?" natawa nalang ang Ina sa saad ng kaniyang bubwit na anak.Bata palang ito at napakatalas na ng kaniyang bibig.

Ipinisil niya ang ilong ng anak, "Carmilla,pinapaalala ko lang sayo,tayo ay taga bantay lamang nila at sila naman ang tagapaglingkod ng ating mga diyos at diyosa para pangalagaan ang mundong ito, kaya wag kanang mag salita ng ganiyan ha?" paalala niya sa anak na naka simangot parin,pero kinalaunan ay umaliwalas ang mukha nito ng papalapit na sa kanila ang kaniyang asawa.

"Ama!Ama!" Masayang hinagkan nito ang lalake."Ama saan ka ba galing at matagal kang bumalik?" napansin niyang parang may mali sa kilos ng lalake kaya naman nilapitan niya na ito.

"Hulian may prob-" naputol ang tanong niya ng isang malakas na sigawan ng mga tao.

"Ama ano po iyun?!" gulantang na tanong ng bata.

"Umalis na tayo!" hinigit siya ng kaniyang asawa papalabas na doon sa lugar pero takang tumigil siya ng may maaninag ang kabiyang mata.

"Hulian Nandito sila!" Sigaw niya sa asawa pero parang wala itong narinig. "Hulian tumigil ka!" tumigil ang asawa niya at sinalubong ang kaniyang mata.

"Elena hindi ito panahon para pairalin ang prinsipio, kasama nating si Camilla!" mahinang sambit ng lalake sa kaniya, nakikita na nilang nag kaka gulo ang mga tao sa kanilang plaigid,ang kaninang masayang lugar ay naging maingay at puro hikbi..Kumunot naman ang noo niya. " Hulian mission nating bantayan ang mga mortal na nandito!" Bulyaw niya, hindi sa gusto niyang madamay ang kaniyang anak pero hindi rin pwedeng talikuran nila ang kanilang tungkulin bilang mga anghel.

Nag uumpisa ng humikbi ang bata dahil sa kaniyang nasasaksihan, ang mga sigawan,ang mga pagsabog at ang pag aaway ng kaniyang mga magulang.

"Dalhin mo sa Carmilla sa Portal. Maiiwan ako dito di mag tatagal at dadating ang mga Domion." Mahinang sambit ng kaniyang ama,Kinuha na siya ng kaniyang ina.

"Ama!" iyak niya. Isang ngiti lang ang sinukli ng lalake sa kaniya.

" Umalis na kayo!"

Malapit na sila sa portal ng may mga lalakeng naka itim na talukbong na humarang sa kanila.Niyakap siya ng mahigpit ng kaniyang ina.

"Anong kailangan niyu?" May maotoridad na sabi ng kaniyang ina.Unang beses niyang nakitang may galit at kasuklaman ang mata nito.

"Amin na ang bata." Sabi ng isa.Mas humigpit ang hawak sa kaniya ng ina.

"Hindi maaari!" May galit nitong sigaw. "Hindi ka makaka takas dito Anghel!" sigaw ng isa sa mga lalake at napa sigaw siya ng biglang naglabasan ang malaking itim na pakpak ng mga lalake,kagaya ng sa mga anghel ang mga ito.

Nakakatakot. Tinatabunan nito ang papalubog na araw sa likod.

"Parang awa niyu na! Ako nalang at wag niyung damayin si Carmilla-" Hikbi ng kaniyang ina. Napabaling silang lahat ng marinig nila ang mabagal pero nakaka panindig balahibong palakpak na galing sa isang estrangherong itim na anghel.

Nakaka takot siya. Yun ang unang pumasok sa isip ng paslit.

Pero hindi mapapagkaila na guwapo talaga ang estranghero, sa kaniyang itim na mga mata na parang malulunod ka sa puntong makaka salubong mo nag mga ito,ang mahaba nitong buhok at makisig na pangangatawan ay dumagdag sa dating nito.

Naka ngisi ang lalake na naglalakd papunta sa deriksyon nilang mag ina.

"Y-you" Her mother's lips trebles.

"Yes it's me! The one and only!" ngisi ng lalake.

"Paki usap ! Nakiki usap ako! Ano bang kailangan mo at ginagawa mo ito ha?! Sinira mo ang mundo ng mga tao! Tapos ngayon anong kailangan mo?!" iyak ng kaniyang ina. Kapag nakikita niyang umiiyak ang kaniyang Ina ay parang sinasaksak ng daang daang ounyal ang knaiyang puso sa sakit.

Mas lumawak ang ngisi sa bibig ng lalake.

"I need the child!" Nanindig ang kaniyang balahibo sa paraan ng pagkaka sambit nito.

"No!" Sigaw ng kaniyang ina.Pero bago pa man siya mailayo ng nanay ay nanghihina itong napa luhod.

"Ina!" Iyak nito.Mas nanubig ang kaniyang mga mata dahil sa nasaksihan.

Unti-Unti nang nawalan ng malay ang babae.

"Anong ginawa mo sa kaniya?! Anong ginawa mo sa Ina ko?!"nginisihan lang siya ng estranghero sa harap niya.

"Paparusahan ka ng aming dyosa!Isusumbong kita kay ama!" ang walang kamuwang muwang na bata ay niyakap ang naka bulagta niyang nanay.

"Tss. Don't care little girl, Anyways nasa loob ng ilusyon ang lahat ng mga domions na nandito ngayon." kumunot ang noo ng bata.

"Tch.Why am i explaining tho?" natatawang sambit ng demonyo.

Oo demonyo na ang tingin niya sa estranghero ito--O baka demonyo naman talaga ito.

"Get the girl." malamig at deretsang sambit ng lalake.

"Ayaw kong sumama sa inyu!" iwinaksi niya ang kamay ng mga itim na anghel na humawak sa kaniya.

Sa murang edad na naiisip niya na baka kung iwan niya ang kaniyang ina ay baka saktan nila ito.

Patuloy niyang nialalabanan ang mga lalake pero hindi kaya ng lakas ng kaniyang maliit na pangangatawan.Lumapit sa kaniya ang isang utim na anghel at unti-unti siyang nawalan ng malay.

P-pero ang kaniyang ina! Nasaan ba ang kaniyang ama?!bakit hindi sila nito ipinagtanggol?

"Sleep tight honey." unti-unti ng bumababa ang talukap ng kaniyang mga mata ng lumapit sa kaniya ang demonyong estranghero na may ngisi parin ang labi.

little did she know the last grin she saw before she close her eyes is the grin of greed that she would loath in the future.

______

Oh yeah! Prologue is up!

Sana po na gustuhan niyu!

Hi! Can i have a favor? please help me share this to everyone. This typical story of mine, by clicking that star button below and share this to your friends and family members,It would be a great help!

Salamat!

The Fallen MysticWhere stories live. Discover now