Chapter 1

6.8K 156 33
                                    

"Tao po! Tao po! Sheenaa!!!" Malakas na tawag ng kaibigan niyang si Gracia sa labas ng kubo nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tao po! Tao po! Sheenaa!!!" Malakas na tawag ng kaibigan niyang si Gracia sa labas ng kubo nila.

Napatakbo tuloy siya sa may bintana nilang yari sa pawid at kawayan, sinilip niya si Gracia.

Napatakbo tuloy siya sa may bintana nilang yari sa pawid at kawayan, sinilip niya si Gracia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yari lamang kasi sa pawid at kawayan ang bahay nila.

Kasama niya doon ang lolo at lola niya at tsaka yung bunso at kaisa isa niyang kapatid na lalaki na si Ricky.

Isang magsasaka ang kanyang pinakamamahal na lolo at ang lola naman niyang ubod ng strikto ay tindera ng mga gulay sa palengke.

Isa lamang silang maralitang pamilya subalit masaya at kontento siya sa kasimplehan ng kanilang buhay.

"Oh Gracia bakit ba? Parang kang nasunugan kung makasigaw ah." Bungad niyang natatawa pa sa kaibigan.

Si Gracia ay isa sa matalik niyang kaibigan, kababaryo din niya ito at kaklase niya ito noong high school, may isa pa silang kaibigang bakla si Kulas na ang screen name sa gabi ay Kulasa o Sassy.

"Hay naku, beshie may good news ako sayo. Dali halika." Excited ang mukhang napapadyak pang saad ng kaibigan.

Bigla tuloy nagliwanag ang mukha niya at naisip na baka may magandang raket itong ibibigay.

Agad siyang lumabas at pinuntahan ito.

"Ano ba yun? Siguraduhin mong magandang balita yan ha kundi ay sasabunutan ko iyang bulbol mo!" Natatawang biro niya pa kay Gracia.

"Gaga! Sigurado akong matutuwa ka. Pero teka di mo ba ako bibigyan ng miryenda bisita ako dito ah." Biro nitong tawang tawa.

"Ay ganun, naghahanap ka ng miryenda, bakit kaya hindi ka nagdala ng baon." Ganti din niyang saad dito tsaka sila nagtawanan.

"Oh ano ba kasi talagang ipinunta mo dito?" Kunot noong tanong niya kapagdaka.

"Eh kasi besh malapit na ang pista at napag alaman kong may gaganaping beauty contest para sa lahat ng magagandang dilag sa bayan natin." Saad nito na ikinamilog ng mga mata niya dahil sa excitement.

Mahilig talaga kasi siyang sumali sa mga beauty contest at sa kung ano anong contest basta may kaakibat na cash prize ang usapan.

"Magkano ang premyo?" Tanong niyang may halo ng tuwa sa tinig.

The Ruthless (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon