Restart, Chapter 01
3 years later...
Isabella's POV
"Baby come here. Aalis na si mama." I say goodbye to my angels as I wait at the door.
"Bye momma!"
"Bye be mommi!" Sabay na sabi ng kambal kong mga anghel habang nakaway habang kinukusot pa ang mga mata.
Ugh ang cute talaga ng mga anak ko! May kulang lang talaga.
"Hela, Helius, what did I teach you? Where's momma's kiss?" Kunwaring pagalit ko pang sabi. Eh pano ba naman bumalik na agad sila sa loob ng kwarto.
Palapit na ako sa kanila nang lumabas muli si Hela. Ang panganay ko. "Momma I'm sleepwy." Inaantok niyang sabi habang nakabalot pa sa kumot at naglalakad palabas ng kwarto.
Sabagay. It's only 6 am.
Agad ko siyang nilapitan. "Aw ok baby, you can sleep." Mahinhin kong sabi at binuhat na siya upang ibalik sa higaan nilang magkapatid.
Nagulat ako nang maramdaman ko parin ang labi niya sa pisngi ko. "I wuv you momma!" I smiled.
I tuck her into her bed, put the blanket over her then kissed her forhead. "I love you too donut."
"Take cware momma!" Nakangiti niyang sabi sakin at nakita ko na naman ang bungi niyang ngipin.
Napangiti rin ako. Ang bait talaga ng baby ko.
Nang mahiga na ng tuluyan si Hela ay lumapit naman ako sa higaan ni Helius. Ang bunso kong lalaki.
Parang nakatulog narin siya agad noong bumalik sila sa kwarto. I didn't wake him up and instead kissed his forehead.
"I love you munchkin." I said as I arranged his blanket and gave him his favorite pillow.
I waited for them to fall asleep and went out to get my things when I was sure they're sound.
I bid my last goodbye and went out the door of our apartment.Mamimiss ko sila! Ilang oras ko lang di sila makita miss ko na sila agad eh. Mga baby koo.
Naputol ang pagiisip ko nang may sumigaw na taong nagmamadali sa harap ko
"Miss! Miss I'm here! I'm here." Hinihingal na sabi ng hinire ko na day nanny para kanila Hela.
Sinimangutan ko siya. "Late ka na naman, Mia." Pangatlong beses na niya itong late! Sa isang linggo! "Baka sa susunod tanggalin na kita." I jokingly said.
Lumaki ang kanyang mga mata "Miss? Hala miss joke lang po! Promise miss, eto na po yung last time! I swear! Eto na po talaga!" Kahit kailan ang kulit talaga neto. Di rin marunong tumanggap ng joke. Hay.
"Oh sige. Eto ang susi. Tulog pa sa loob ang kambal. Ingatan mo sila ha." Paalala ko sa kanya. Pag may nangyari talaga sa kanila nako.
"Syempre naman po miss! Ako pa?" Nakangiti niyang sabi.
Natawa nalang ako sa kanya. "Sige na. Ay siya nga pala. Bukas ko nalang ibibigay ang sweldo mo. May bonus narin yun."
Nagulat naman ako nang biglang naluha at niyakap ako ni Mia. "Napakabait niyo po talaga miss! Thank you po! Thank you po!" Napakabait talaga.
I chuckled. "Wala yun. Tsaka para namang hindi tayo magkaibigan. Kala ko naman joke mo lang yung 'miss' na yan. Tinotoo pa."
"Syempre boss parin kita Issa diba." Natatawa niyang sabi. "Pero thank you talaga."
Ngumiti ako sa kanya. "Syempre. Baon mo na yan at tulong sa tuition mo. 1st year medicine ka pa naman!" Kahit kelan amaze na amaze talaga ako dito sa kaibigan kong to. Medical student na nga pero nagakakaroon parin ng oras magsidelines.
She smiled at me again. "I will pay you back Issa! Intay lang."
"Hindi na! Ok na yan." Natatawa kong sabi. "Para namang hindi tayo tropa."
Nagtawanan lang kami dun ng ilang minuto. Napakasabog kasi kahit kailan ng babaitang to.
Naluluha pa akong umayos ng tayo nang mapansin ko ang oras sa orasan ng hallway.
"Hala ka! Malalate na ko Mia! Sige na ingat kayo ng kambal!" Natataranta kong sigaw. Sa lahat nga naman ng araw na malalate sa klase!
Nagmamadali na akong tumakbo papunta sa kanto kung saan tumitigil ang mga jeep.
Nakalimutan na yata ng mga jeepney driver tong lugar na to. Walang nadaan na jeep! Ano ba yan kung kelan malalate na ko.
Hindi pa naman ako pwedeng sumakay ng taxi. Kung sinuswerte ka nga naman.
After for what felt like forever, may dumamaan naring jeep dito. 10 minutes na kong late!
Puno ang jeep at ang nagiisang pwesto na bakante ay iyong malapit sa driver. Kaya wala na akong choice kundi dun umupo.
At parang may problema talaga sakin ang tadhana, lalaki pa ang katabi ko.
Hindi ko na lamang siya pinansin at sinubukang ilipat ang aking atensyon sa mga skyscraper na aming nadaraanan.
Don't get me wrong, wala naman akong isyu sa mga lalaki. It's just that, whether I like it or not, I'm not sure if the trauma have subsided.
Oh well. What better way to find out right? Tsaka kailangan ko narin namang masanay since hindi pwedeng lagi nalang akong iiwas.
The wind was harsh so I kept on tucking my hair behind my ears. Ugh, napupunta sila sa mukha ko!
I was busy trying to manage my hair when the guy beside me moved.
I flinched.
Moving away, I cowered into the corner. Anxiety, not now.
Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili at inubob ang aking mukha sa mga kamay.
I felt a pair of hands touch my hands and back.
I couldn't feel anything. All memories of that night came back to me. The pain, the cold.
Kalma, Isabella. Kalma.
Paulit ulit ang ginagawa kong pagbilang ng mga numero sa utak pero hindi siya tumitigil!
Ugh! Ano bang problema niya? Bakit niya ako hinahawakan?
May naririnig akong mga boses ngunit masyado akong nakapokus sa pagpapakalma sa sarili kaya hindi ko maintindihan.
Tigil na! Ano ba- hindi parin siya tumitigil- Why is he caressing my back?
Ramdam ko ang pawis, naririnig ko ang boses- anong sinasabi niya? Alam kong kailangan kong kumalma pero hindi ko magawa!
Kalma, Isabella! Kumalma ka!
My thoughts were racing, I was sweating profusely. Before I knew it, I was on the floor.
BINABASA MO ANG
Restart
Teen Fiction"I love you" he said. Isabella Persean Marquez was your typical high school senior. Has a boyfriend, high grades, and looks. Like I said, typical. But then a night before graduation, her life became anything but normal.