Kapitulo 24

0 0 0
                                    

Dalawang tao sa iisang simabahan

Habang ang lahat ay nag kakagulo na parang ibon na nakawala sa kulungan, si Isagani na tumutulong sa pag aasikaso sa mga mamayaman na gusto maging sundalo at makipag laban sa mga kalaban para sa kalayaan ng amin bayan ay nag lakad ako patungo sa kinalalagyan ng isang babaeng nag pahanga sa'kin.

"Mirama" tawag ko sa babaeng nakaupo sa baytang ng hagdanan na may malayong tingin.

Nagulat na tumimgin siya sa akin, pero mas nagulat pa yata siya ng makita ako sa harapan niya. "Heneral" nangngatog na ani niya sabay tayo at saludo na lihim na kinangiti ko.

"Mirama" bahagya akong yumuko bilang pag sagot sa kanya.

"Ano po ang iyong kailangan?" Tanong niya sa'kin.

Lihim ulit akong napatawa sa paraan ng pag sasalita niya, halatang halata nahihiya siya sa akin.

"Umupo tayo Mirama." Sabi ko sabay tabi sa kanya. Lumingon ako sa kanyang tinitingan, isang malawak na lupain na purong puno.

Walang namagitan na ingay sa'min, taimtim at parang walang gulo na nakatingin lang kami sa malawak na lupain.

Kapagkuwan ay nag salita ako. "Ano ang iyon dahilan?"

Ramdam ko ang paglingon niya sa'kin gawi pero nanatili lang akong nakatingin do'n.

"Dahilan, heneral?" Takang tanong niya sa akin.

Pinagkrus ko ang aking binti at huminga ng malalim. "Dahilan kung bakit gusto mo maging sundalo, kung bakit ka nag boluntaryo na sumabak sa gulo."

Inabot kami ng ilang minuto bago siya sumagot. "Ayaw ko ng gulo, sinusuka ko ang gulo. Namatay ang aking magulang dahil sa mga kalaban, dahil sa mga Espanyol na sumakop sa'tin dati. Naiwan ako mag isa." Mapait na sambit niya na nag palingon sa akin sa gawi niya. Ngunit nanatali akng tahimik at hinayaan siya mag salita.

"Nahuli ang aking mga magulang, pinatay nila. Naiwan ako mag isa. At ngayon na may gulo na dadating." Huminto siya saglit, ang nag tatakang tingin ko ay napalitan ng awa. "Ayaw ko na may makitang bata na mangungulila dahil sa letcheng gulo na ito. Kaya ko isakripisyo ang aking buhay para lang sa kapayapaan, para lang wala ng mawalan ng bata. Huwag lang nila maramdaman ang naramdaman ko."

"Pasensya" tangin sambit ko.

Alam ko ang pakiramdam na iyon. Naranasan ko iyon, ngunit hindi sa paraan na naranasan niya. Pero hindi ko dapat iyon ibahagi, iba si Hiraya Torres kay Hiraya Fernandez. Matapang si Hiraya Fernandez at si Hiraya Torres... mahina siya.

"Hindi niyo po kasalanan iyon. Walang may gustong mamatay sila, wala." At mas matapang si Mirama Lupe.

Malambot ang mata na tumingin ako sa kanya. Hindi niya adhikain na patayin at mag higante, adhikain niyang wala ng gulo para walang magaya sa kanya. Isang tunay na matapang. Kung ako ang nasa posisyon niya, si Hiraya Torres ay hindi ko iyon maiisip, hindi iyong papasok sa akin isip.

"Inaasahan ko ang iyong pag tulong, maganda ang iyon dahilan ng pag laban. Isang kang sundalong puno ng pag ibig."

"Salamat heneral-"

"Hiraya ayos na ang lahat." Napalingon kami kay Isagani nang bigla nalang siyang sumulpot na parang kabute kung saan.

Tumayo kaming dalawa, siya ay nag bigay pugal habang ako ay tinanguan lang siya.

"Magandang araw Heneral Isagani." Bati niya kay kumag.

Ngumiti si Isagani, tumaas ang mata ko sa mga mata niya. Hindi siya tunay na masaya, lilo ang kanyang ngiti. Purong kalungkutan ang kanyang mga mata dahil sa pagkamatay ni Binibining Paraluman.

kumot na asul (badhi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon