Nasan ako? Tanong ko sa aking sarili, habang unti-unti kong nililingon ang paligid at pinag mamasdan ang mga taong dumadaan sa kalye. Namamangha ako sa aking nakikita at nadaraan pakiramdam ko nakarating na ako sa lugar na ito ngunit hindi ko matandaan kung kaylan at saan hindi ganun kasakit sa balat ang sikat ng araw kahit wala akong payong, hindi naman ganun ka araw at makulimlim.
Sa aking paglilibot pumukaw sa aking pansin ang isang tindahan na medyo may kalumaan na ang desenyo sumilip ako sa salamin upang tignan ang mga naka display na paninda, magaganda ang mga disenyo ng kanilang kuwintas at iba pang mga alahas na naroon.
Pumasok ako sa loob ng tindahan para tignan ang mga iba pa nilang paninda dalawang klase lang ang tinitinda nila mga alahas na, kuwintas, porselas at singsing at mga scarf na ibat ibang kulay at desenyo.
Ang umagaw talaga sa aking pansin ang kuwintas na may desenyong bulaklak na gawa sa Jade Stone simple lang ang design niya pero lumilitaw ang desenyo na bulaklak hindi pangkaraniwan ang design ng bulaklak na iyon.
"bibilhin mo Hija?" tanong ng nakangiting matandang lalaki na may edad na. "hindi po, napadaan lang po ako dito at tinignan lang ang mga paninda niyo." magalang na sagot ko. Gusto ko man sanang bilhin ngunit wala akong dalang pera kaya napaka laking panghihinayang ko minsan lang kasi ako magka interes sa mga alahas.
"Ganun ba? Sayang naman at bagay pa mandin tong kuwintas sayo" malungkot na sabi niya sa akin, nahihiyang ngumiti ako sa kanya sabay baling sa kuwintas.
"alam mo ba, ako ang may gawa niyan?" napa angat ang aking ulo sa kanyang sinabi at hindi mapakaniwala sa narinig ko. "Talaga po, ang ganda po ng gawa ninyo sayang at hindi ko mabibili"
"lahat ng mga paninda ko rito ako ang may gawa lahat sila, at isa pa nag iisa lang ang mga to rito," pagmamalaki niyang kuwento sa akin, nagkuwentuhan pa kami ng ilang sandali na may pumasok na bagong customer.
"hmm, Sir magkano po to?" nakangiting turo niya sa mga nakahirerang mga alahas tinignan ko kung ano ang bibilhin niya, kaya mas lalo akong nalungkot ng makita ang itinuturo niyang bagay ang kuwintas na gusto ko.
"san ba hijo? Eto ba?"
"opo yan po," Nakangiting sabi niya, habang hinihintay niya na ibigay sa kanya ang itinuro niya, tumingin siya sa akin na naka ngiti. Nginitian ko nalang siya pabalik para hindi namang mag mukang suplada ang tingin niya sa akin pagkatapos nun, umalis na ako sa tindahan. Sa aking paglalakad naramramdaman kong may sumusunod sa akin pero hindi ko nalang iyun pinansin.
Naiiritang tumalikod siya upang tignan kung sino ang sumusunod sa kanya, kunot noong pinagsalubong ang kanyang kilay nang makita niya ang lalaki kanina sa tindahan
"why are you following me?" tanong niya sa binata na naka ngiting tumititig sa kanya
Pinagmasdan na lamang niya ito na parang tangang naka ngiti kahit walang nakakatawa.
"why? Is there something wrong to follow you?" inosenteng sagot niya sa dalaga. Agad na nilapitan siya ng dalaga at hinampas ng malakas sa braso niya.
"yes there's something wrong to following me" galit na sabi niya
Kahit nasaktan na ang binata hindi parin nawala ang mga ngiti niya, at dun mas nagalit ang dalaga sa mga ngiti niya. "haha eto naman tara libot tayo rito sa lugar na to, bago lang kasi ako rito"
Nagulat siya sa sagot ng binata sa kanya, kaming dalawa mag lilibot? Saan dito sa lugar na to? Ni hindi ko nga alam kung nasan din ako at bakit ako narito. Sasagot na sana siya ng hinawakan siya kamay at hinatak upang mag libot daw sa bayan na yun.
" hoy dipa ako pumapayag sayo, ano ba bitawan mo nga ako!"
"opps sorry antagal mo kasing mag response kaya hinatak na kita, sabi nila may perya raw dun tara" yaya niya sa akin, wala na akong nagawa kundi Magpahatak sa kanya kung saan kami pupunta.
Nakarating kami sa perya na sinasabi niya pero ang mga bukas lamang ay ang mga ibat ibang klaseng palaro at mangilan ngilan na mga Rides. Naglibot libot muna kami sa loob bago subukan ang mga ibat ibang klaseng laro.
"hey, baka gusto mong bitawan na ang kamay ko?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang mga kamay, no mali ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"aa hehehhe sorry" naka piece sign niyang sabi sa akin at binitawan na ang kamay ko. "anong unang laro ang lalaruin natin?" tanong niya sa akin humarap ako sa kanya at sinabing "bakit natin? Ikaw lang ang maglalaro wala akong perang dala kaya aalis na ako" at naglakad papalayo sa lalaking yun."hoy! Sandali libbre ko" habol nya hindi parin ako tumitigil sa paglalakad ko tuloy tuloy parin ako hanggang sa malapit na akong lumabas sa loob ng perya
"Laissez Themarie!" buong pangalan kong isinigaw niya sa akin at dun lang ako napahinto, paglingon ko narokn na siya agad sa harap ko.
"You know me?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "yes, definitely kaya tara na wag kana matakot let's enjoy" hatak niya ang kamay ko at muling bumalik sa loob ng perya. Wala na akong naganawa kundi nagpahatak sa kanya.
Bago kami umuwi hindi namin pinalagpas ang paglalaro ng color game tuwang tuwa ako pag nanalo ako, wala akong dalang pera pero uuwi ako na may dalang pera.Maghahapon na nang lumabas kami sa perya, maganda rin pala siyang kasama kuwela at hindi ka maboboring sa kanya. Inaamin ko sa sarili ko na hindi ako nagsisi na sumama sa kanya, feeling ko kilala ko na siya dahil napaka gaan ng loob ko sa kanya, habang naglalakad kami madami kaming nakakasalubong na magkasintahan na nagtatawanan o hindi kaya ay nagkukulitan.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang tanawin, napaka ganda na hindi ko pa nakikita, papalubog na ang araw at tahimik ang lugar mangilan ngilan din ang mga tao na naroon para tanawin ang papalubog na araw, pero ang karamihan ay mga magkasintahan.
"ganda diba" tumango nalang ako sa pag sang ayon sa kanya, totoong napaka ganda parang ipininta ang tanawin na ito. Ngayon palang siya naka kita ng sunset na perpekto ang pagkaka lubog.
"thanks for the day Laissez, I'm very glad that you accompany me" napatingin ako sa kanya kung bakit siya nagpapasalamat, kasabay nun ang pagkakabog ng aking dibdib bigla ako kinabahan sa narinig ko. Hinarap ko siya para makita at marinig ng maayos ang sasabihin nya.
"here my gift for you" at inilabas niya ang binili niyang kuwintas kanina sa store kung saan ko siya nakita.
Sa pag iisip ko hindi ko namalayan na naisuot na niya ang kuwintas sa akin.
"perfect, bagay na bagay nga sayo talaga sabi ni tatay kanina sa store nag iisa lang daw talaga to" nakangiti niyang sabi sa akin. Naguguluhan ako sa mga nangyayari gusto kong magtanong pero walang lumalabas na boses sa akin at unting unti lumalabo ang kanyang muka ang mga alaala ko na kanina lang nangyari ay unting unting naglalaho. Gusto kong sumigaw pero wala talagang lumalabas na boses naiiyak nalang ako sa inis dahil sa nangyayari
"don't worry Laissez in the future we will met again, I will a sure that in that day or just one day - - - - " sabi niya at agad na hinalikan ang noo ko. Naiinis ako dahil hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya, kasabay nun ang pagpunas niya sa mga luhang malayang kumakawala sa aking mga mata.Kasabay nun ang pagkagising ko na hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Inaalala ko rin ang mga nakaraan na panaginip ko at inaalala kung kasali rin ba siya roon, sino ka ba talaga at gigulo mo ang mga panaginip ko lalo na ngayon mas ginulo mo pa. Biglang pumasok sa isip ko

BINABASA MO ANG
IN JUST ONE DAY
General FictionStarted into the dreams turns in confusion into Coincidence. Laissez Themarie Silvestre a Senior high school girl who had a weird dreams but in one day she wish somewhere that some of his dream will come true.