"What the hell was that? Are you serious, Dad?" Sabi ni Heidi, napatayo ito sa sinabi ng Daddy niya. Sa lahat ng sinabi ng ama niya ay ito yata ang pinaka nakakawindang na narinig niya.
"Yes, I'm sure Heidi. You will marry the man I want for you and that is final." Sagot ng Daddy niya na relax lang na nakaupo sa sofa katabi ang mommy niya. Umikot ang mata siya pakulo ng ama niya
Tumawa si Heidi. "Oh God! I don't know na nagbalik tayo sa sinaunang panahon? My gosh kaloka. Ano ito? Baka naman sabihin niyo it's a prank!" Natatawang sabi nito. Tumingin ito sa kanila ng wala silang reaction sa sinabi niya. Natigil tuloy siya sa pagtawa.
Hindi makatingin ng diretso ang Mommy niya sa kanya. Maging ang ate niya ay hindi rin kumikibo. Hindi niya maintindihan pero bigla siyang kinabahan.
Lumakad lakad ito sa harapan nila. "Ano? Nasaan ang camera? Baka maging sikat lalo ako nyan ha." Nilinga niya ang paligid ngunit tahimik lang sila.
Sa seryosong mukha ng ama niya ay biglang kumabog ang dibdib niya.
"I'm serious about this. Masyado ka ng sakit sa ulo! From now ako ang masusunod! Pinagbigyan kita sa lahat ng gusto mo. Not this time, Heidi. " Nasaktan siya sa sinabi ng Daddy niya pero pinigilan niyang umiyak sa harapan nilang lahat. Buong buhay niya lagi na lang pinamumukha sa kanyang sakit siya sa ulo. Nawala tuloy siya sa mood.
"I already know that, dad. It's not a new to me anymore. Hindi ko lang maisip na kaya niyo akong itapon nalang ng ganito? At ipamigay sa fiance na wala akong idea kung ano at sinong nilalang siya?!" Sunud sunod ang paghinga niya. Gosh! She can't imagine herself marrying a man at this early!
She crossed her arms while waiting for an answer. This is stupid! She's wasting her precious time for not an important matter. Umupo siya sa sofa katabi ng ate niya.
Subukan lang nilang ipakasal siya sa mukhang paa talagang magwawala siya. Atleast yung umangat lang ng konti ang level niya. Nakakahiya naman kung mababang uri lang ito. Magiging katawa tawa siya sa lahat. Pero asa sila.
Never siyang magpapakasal sa taong pinili nila. Kahit na demonyita siya gusto din naman niyang ikasal sa taong mahal niya. Hindi naman siguro siya masusunog sa loob ng simbahan.
"Kay Brix James Delgado." Lumilipad ang utak ni Heidi habang sinasabi iyon ng ama. Naiisipan niya kasi kung paano gumawa ng kabalastugan para umurong ang lalaking sinasabi nila.
"Nakikinig ka ba?" Inis na tanong ng ama. Umirap ito saka umupo katabi ng ate niya. Seryoso ang ate niya akala mo naman siya ang ipapakasal.
"Kanino nga ulit dad?"
"Kay Brix James Delgado."
"Who is Brix---oh shit! No!" Napatayo siya ng wala sa oras.
"Does it ring a bell, sweetheart?" Namilog ang mata siya. She blinked thrice to absorb what her father said. "Yes my dear Heidi. You will marry Brix."
"I said no! Di niyo ako mapipilit na magpakasal lalo na sa hinayupak na kalabaw na iyon!"
"Fine..bahala ka.. pero masasabi ko sayo papayag ka sa ayaw at sa gusto mo."
"Over my dead body! I hate you..I hate Brix James!" Sabi ni Heidi sabay akyat sa kwarto. Padabog siyang umakyat ng kwarto. Wala siyang pakialam kung mabangga niya ang katulong nila. Halos masira ang pimto sa lakas ng pagbagsak.
"What the hell!! I will not marry that damn man..I promise..subukan niyang pumasok sa buhay namin..I will make his life like a hell! "
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Wife (Editing)
RomanceDalawang taong magkaiba ang ginagalawan. Magkaiba ang agwat sa buhay. Magkaiba ang ugali. Kaya mo bang tanggapin ang taong di mo gusto buong buhay mo? How to become perfect wife if you are an imperfect?