MAHAL KITA

24 3 7
                                    

***
'Ang bawat pagpinta sa iyong mukha ay para bang bulaklak na pag kaganda ganda, ginuhit kita hindi dahil sa gusto ko lamang, ginuhit kita dahil MAHAL KITA'

***

"Dan, saan ang punta mo?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Sa awarding ceremony danna, inimbitahan kasi ako doon kaya pupunta ako" sagot ko naman kaagad habang inaayos ang damit na suot ko.

"Ah ganon ba, alam kong may maiuuwi ka na namang award!" Masigla niyang sabi saakin, kaya ngumiti na lamang ako sakaniya. "Ingat ka Dan!!" Habang kumakaway na sabi niya.  Umalis na din kaagad ako dahil ayaw ko namang malate, pero may susundo daw saakin kaya medyo tama lang ang paglakad ko.

At kung hindi niyo naitatanong yung madaldal na kumakausap sakin kanina ay si Danna, siya ay kababata ko, simula pa noon ay lagi na yang nakadikit sakin kahit saan ako mag punta pero dahil nga tumatanda na kami at medyo nahihiya na rin siya, minsan na lang siya sumasama.

Nagulat ako ng may bumusina sa aking harapan, iyon na ata ang sundo ko. Ewan ko ba kay Mr. Alvarez at pinasundo pa ako mukha tuloy akong VIP sa awarding ceremony na yon.

Mabilis din kaming nakarating sa lugar kung saan gaganapin ang awarding. Halos magagara ang kasuotan ng nakikita ko don, buti na lamang at may tuxedo ako sa bahay kaya hindi na ako nag-abala pang bumili o rumenta.

Pumasok din ako kaagad, marami-rami din ang dumalo, may mga nakita din akong mga sikat na manunulat at magpipinta. Nakipag-kamay na lang ako sa iba kong nakasalubong bago ako nagtungo sa upuan kung saan nakalaan para sakin.

Nagsimula din kaagad ang awarding, humahanga na lamang ako sa bawat taong nakakatanggap ng award, nakakatuwa silang pag masdan.

"Ang nakakuha ng unang pwesto ng pagsulat ng iba't-ibang nobela, Rose San Jose" nagpalakpakan ang lahat ng tao sa auditorium, kaya pagkatingin ko sa babaeng tinawag ay natulala na ako sakaniya, sobrang ganda niya, kung may dala lang siguro akong pangpinta ay naipinta ko na kaagad ang mukha niya.

"Ang nangunguna naman sa larangan ng pagpinta Dan Emmanuel Del Rosario" kinulbit ako ng katabi ko, tinanong ko pa sakaniya kung bakit pero nahiya ako ng malaman kong tinatawag ako sa stage, masyadong okupado ang utak ko dahil hindi mawala sa isip ko ang babaeng nakita ko.

Tumayo ako kaagad at pumunta sa stage kung saan pinangaralan pala akong isa sa mga nangunguna na pintor, napatingin sa bandang kanan, nabigla ako noong nakita kong nakatitig siya sakin ang babaeng kanina ko pang hinahanap, pero kahit medyo naiilang ako sakaniya ay nilabanan ko na din ang tingin niya. Pero natawa ako ng lumingon siya sa likudan niya, sinigurado siguro niya kung siya ba ang tinitignan ko, kaya paglingon niya ulit sa gawi ko ay nginitian ko siya pero halata sakaniya ang hiya kaya umiwas siya at nagbaba ng tingin.

Pagkatapos ng awarding ay agad akong pumunta sa babaeng pumukaw sa aking mata, Rose ang pangalan niya, bagay na bagay ang pangalan ng bulaklak sakaniya dahil kasing ganda niya ang pinangalan sakaniya.

"Rose.." Medyo kinakabahan ko pang tawag sakaniya. Napatigil din siya ng sandaling yon.

"Rose? Rose nga ba ang pangalan mo?" Nakangiti kong sabi sakaniya, tumango lang naman siya. Grabe mas lalo siyang gumanda sa malapitan.

"Dan nga pala, nice to meet you :)" nilahad ko ang aking kamay sa harapan niya, itinago niya ang kaniyang kamay, akala ko ayaw niya kaya babawiin ko sana ng bigla siyang nakipag kamay. Natuwa ako ng sandaling yon.

"Nice to meet you din :)" grabeng kabog ng puso ko non, siguro matatawag itong paghanga.

May gusto pa akong itanong sakaniya pero nahihiya ako kaya hingi ko na lang ang number niya at sinabing may sasabihin ako sakaniya dahil nahihiya ako sa personal. Ibinigay din naman niya kaagad ito saakin. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at tsaka ako nagpasalamat sa nag imbita sakin, umuwi rin naman ako pagkatapos non.

MAHAL KITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon