Chapter Twenty-two

1.6K 36 0
                                    

Nandito ako sa labas ng skwelahan nila Euge, nakaupo dito sa bench habang pinapanood ang mga estudyante na lumalabas. Mag cocommute sana ako papunta dito but Jiarra insisted na siya maghatid. Napatulala lang ako dahil nababagot na ako, he's 15 minutes late. Muntik akong napasigaw nang biglang may tumabi sa akin, sasapakin ko na sana pero nakilala ko kung sino iyon.

"Manununtok kaagad?" natatawang aniya ni Sean. Napatitig ako sa kanya, how I miss that smile. It's been a week din, namimiss ko talaga siya.

"Hey, sup?" sabi ko, naiilang pa rin ako but I don't want to end our friendship just because nanligaw siya sa akin.

"Nothing much, kwek-kwek tayo? Libre mo!" sabi niya sabay hila sa akin sa stand ng mga vendors. Ang kapal! Siya nag aya pero ako magbabayad. Nagbayad na ako kay kuya, kaya naglakad na kami pabalik sa bench ng bigla siyang nagsalita.

"Btw, there's a girl ba. She keeps bothering me, ang malas pa don eh kaklase ko pa!" sabi niya.

"What exactly do you mean about 'bothering' bothering like she bullies you?" I said, Sean is a type of person na binubully mo pero di papatol pero pag napuno na balik ka na sa tiyan ng mama mo. He's really scary when he's angry. I've seen him mad when we we're young, nakita niya kasi na may umaway sa akin. Anytime parang sasabog siya.

"Hmm, she confessed to me. She keep giving me flowers and chocolates, I mean there's nothing wrong with it but nakakahiya."

Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako.

"Tinatanggap mo naman." sabi ko, binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"What? Jeez, chill woman." umirap ako. Naiinis ako eh bakit ba.

Pinagpatuloy ko nalang ang kain ko.

"Jayvee!" sigaw ng isang medyo matangkad na babae.

Nagulat kaming dalawa ni Sean. "What again Kaitlyn?

Wow, first name basis ha?

Nagkunwari akong walang pakialam dahil naiilang itong Kaitlyn. She's cute and tall but I'm cuter duh.

Bakit ko ba kinokompara sarili ko? Ewan!

"I just want to give you this." sabi niya sabay abot sa kanya ng bracelet. "I made that for you." sabi niya sabay ngiti. Nakakainis.

"Thank you." sabi ni Sean, ngumiti lang si Kaitlyn at dali daling tumakbo pabalik sa kanyang kotse.

"First name basis pala ha?" sabi ko sabay taas ng kilay.

"Bakit? Selos ka?" pang aasar niya.

"You wish dumb*ss!" nakakainis, sarap sapakin eh. Inirapan ko, talagang sinuot niya ang bracelet sa harapan ko!

"You're still wearing that huh? How cute." sabi niya.

"Wearing what?!" di ko napigilan mapasigaw.

"You're cute and scary at the same time," he raised his hands and point at my necklace.

"You like it huh?" pang-aasar niya. Namula ako at pinagpapalo siya. Tawa lang siya ng tawa kaya mas lalong pumula mukha ko. Bwisit!

Natigil kami ng may tumikhim. Sabay kaming napalingon at napaayos.

"Back off dude." He said with an angry tone.

Oh no.

"I'm not doing anything, ganyan talaga pag magkakaibigan." talagang diniinan niya ang salitang kaibigan. Agad kong hinawakan ang kamay ni Eugene at hinila palayo kay Sean. Nilingon ni Eugene si Sean at binigyan ng matatalim na tingin. Si Sean naman ay tumingin lang sa akin.

One Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon