MOON AND STARS.
Hindi ko alam kung anong oras na pero medyo madilim na sa weird na island na to. Agad agad kong hinila mga kamay mo, lumapit tayo sa dagat ng mga ulap. Nakita ko ang buwan at bituin sa ilalim, lumalangoy ang mga ibon. The sky and the ocean were on the wrong place, nagkapalit ng pwesto ang dagat at langit kaya ang weird nga kung lalangoy tayo sa langit. Gusto kong subukang sumisid sa kalangitan, gusto kong subukan ito kasama ka ngunit ayaw mo dahil natatakot ka. Ang nasa isip mo, baka mahulog ka at ilusyon lang ang lahat.
You: ❝ hey sorry, i'm scared. i can't join you exploring the sky ❞
Me: ❝ just trust me okay? see the moon and stars below? this is our chance to finally walk in the moon and in one of these stars? don't miss the chance, wala naman masama kung sumisid tayo sa kalangitan. ❞
You: ❝ okay; let's do this ❞
Dahan dahan kong ibinaba mga paa ko; wala akong naramdaman kundi malamig na hangin kaya tuluyan ko nang ibinaba buong katawan ko sa kalangitan. Ang sarap sa pakiramdam dahil lumutang ako, ❝ look, hindi ako nahulog. ❞ nung nakita mong safe naman, di ka na nagdalawang isip na samahan ako. Sumisid tayo sa kalangitan, lumalangoy tayo pero para tayong super hero na lumilipad. Nung marating natin ang buwan, nahiga ako sa sobrang pagod. Nakatulog ako sa buwan, alam mo ba kung anong pinaka paborito ko dun? I am not happy because i reached the moon and stars.
I was so happy cause i am actually laying next to you.
Laying together in the moon; under the sea or should i say sky?
What a weird place to fall in love
What a weird scenarios and lines
But i really love this weird feeling
Cause you were part of this weird adventure.