Parada

0 0 0
                                    

Nagsimula na ang parada. Masaya at maingay ang paligid. Maraming taong nag aabang sa gilid ng kalsada at ang iba naman ay sumasabay. Kanina pa palibot libot ang mata ko, may hinahanap. Napako ang paningin ko sa matangkad na lalake sa nagkukumpolang tao.

Si france.

Kanina pa pala siya sunod ng sunod saamin. Kumaway siya at ngumiti. Napangiti ako at pigil sa sarili na kumaway pabalik. Naramdaman ko ang pagyakap sa braso ko ni karen. Napatingin ako sa kaniya.

"Parang nag iba agad ang mood mo ha?" Deritso ang Tingin sa daan na sabi niya. "Kanina ka pa nakabusangot tapos ngayon nakangiti ka na."

"May iniisip lang kase ako karen" pagdadahilan ko.

Hinanap ko uli si france ngunit di ko na siya mahagilap. Natapos ang parada sa simbahan. Pagod akong umupo sa bench. Nagulat ako ng may mag abot saakin ng tubig.

"Mukhang pagod ka a" nakangiting sabi ni france habang nakalahad pa rin ang tubig. Kinuha niya ang kamay ko at hinila.

"T–teka france b–baka may makakita saatin." Pag aalalang sabi ko habang hila-hila niya pa rin ako.

Lumingon siya saakin at ngumiti. "Wala akong pake"

Naglakad at naglakad lang kami hanggang napunta kami sa isang parte na wala ng tao. Huminto siya at niyakap ako. Sinuklian ko siya ng yakap ng kay higpit. Nagtitigan kami at tanging ang aming mga mata ang nag uusap.

"I never felt this feeling before marcus. At first I felt weird in myself and now I understand. This is the true meaning of love." Napangiti siya. "I know we've been together for days but I felt like a thousand years. Korni pero totoo."

Hinalikan ko siya labi. "Ako rin"

***
Parang mga bata kaming patakbo na pumasok sa carnival. Magkahawak kamay at nakangiti. Sout ko pa rin ang  suit ko. Medyo naiinitan na rin ako. Parang nahalata na rin ni france ito kaya kinuha niya ang suit ko at inilagay sa balikat niya. Medyo presko na ang pakiramdam ko sa plain white long sleeves ko.

Ang una naming ginawa ay pumasok kami sa photo booth. Halos walang matinong kuha dahil pareho naka-wacky kami. Tawang-tawa kami habang tinitignan ang bawat litrato namin. Hinati namin ang litrato at tumuloy na sa horror booth. Di naman ako gaanong natakot kasi alam kong mga naka-costume lang sila. Habang naglalakad kami sa loob ay may mga babaeng lumapit at yumakap kay france sa magkabilang braso. Natabig ako kaya napunta ako sa gilid. Napatingin si france saakin at pilit na ngumiti.

"Naku kuya natatakot ako." Tili nung isang babae.

Tinangal ni france ang pagkakayakap ng mga babae sa braso niya. Halata sa mga mukha nito ang gulat. Lumapit si france saakin at hinigit ang bewang ko papalapit sakanya. Nauna na kaming naglakad at naiwan ang dalawang babae na nakaawang ang mga bibig.

Sinulit namin ang gabi. Sinakyan namin ang lahat ng rides, nilaro ang bawat laro at kumain ng kung ano ano.

Iminaneho na ako ni france pauwi ng bahay. Pagod at puyat na ako dahil madaling araw na kaming nag desisyong umuwi. Hinilot hilot ko ang mga binti ko. Nakita ito ni france at nagpresintang siya na ang humilot. Pinigilan ko siya kasi alam kong nagmamaneho siya ngunit inihinto niya sa gilid ang kotse at iniligay ang binti ko sa hita niya. Hinilot niya ito. Nararamdaman kong pataas ng pataas ang hilot niya.

"Fr–france" Inilagay ko ang isang kamay ko sa balikat niya at napahawak ng mahigpit rito ng diinan niya ng konti ang paghilot. Nagkatitigan kami.

Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang ako lang ang tanging gusto niyang makita. Sinungaban niya ako ng mabilis at malalim na halik. Di agad ako nakapagsalita sa mga nangyari. Nakita ko nalang ang sarili kong sinasagot ang mga malalim at mainit niyang halik. Ipinaharap niya ako sakanya habang walang tigil ang maiinit naming halik. Napadikit ako sa pinto ng kotse nang bumaba na ang halik niya sa leeg ko.

Tumigil siya sa paghalik saakin. Lumapit siya at bumulong. "Doon tayo sa likod alam kong nahihirapan ka."

Pinagsaluhan namin ang init ng gabi. Tagaktak at puno ng pawis ang boung katawan. Napahiga kami sa damuhan na walang ano mang sout. Ginawa kong unan ang braso ni france. Nakatingala kami sa langit. Tanging kuliglig lang ang naririnig. Tahimik ang paligid at mapayapa. Napayakap ako ng mahipit sakanya. Isiniksik ko ang mukha ko sa kili-kili niya at amoy na amoy ko ang pabango nito.

"Marcus.."

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya. Pinaglaruan ko ang mga labi niya gamit ang mga daliri ko.

"Pumunta ka ng bahay bukas." Nabigla ako sa sinabi niya. Natigil ako sa paglalaro ng labi niya.

"Bakit?"

Iniwas niya ang tingin niya at bumuntong hininga.

"Ipapakilala na kita kay lola bilang aking kabiyak."

Nagulat ako sa sinabi ni france. Di ko alam ano ang magiging reaksiyon ko. Sa gulat ko di ako nakagalaw sa kinauupuan ko ng ilang segundo.

"T-talaga?" Yan lang ang tanging naisagot ko. Di ako sigurado sa desisyon ni France. Di ko alam kong handa na ba ako o si france. Alam kong di pa tanggap ng mga kapaligid saamin ang ganitong uri ng pagmamahalan. Gusto ko munang sabihin kay france na ipagpaliban muna ito at ihanda muna ang aming mga sarili ngunit kitang-kita ko sa mukha niya ang saya at desidido siya sa naging desisyon niya.

Isinantabi ko ang takot at pangamba. Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Sa ngiti niya napawi ang takot ko at panghuhusga ng ibang tao. Sa mga oras na ito ninamnam namin ang tamis ng bawat sandali. Masaya at walang pangamba kung anong bukas ang haharapin naming dalawa. Niyakap ko siya ng kay higpit.

In His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon