CHAPTER 4

2 1 0
                                    

     Napabalikwas ako ng bangon ng mag alarm ng paulit ulit yung orasan ko

takte 7:30 am na! 8:00 am pasok ko malalate na ko!

Dali dali akong bumangon at dumeretso sa loob ng cr para makaligo na at makapaghanda

pagkatapos kong maligo at makapag bihis

basta basta na lang akong nagsusuklay ng buhok habang pababa ng hagdan at the same time naglalagay ng konting liptint sa labi

"Maaaa! Bakit hindi mo ako ginising?!yan tuloy malalate na ko,nasan ba si kuya??"reklamo ko kay mama

"nauna na,may kailangan pa daw syang gawin pinagising ka nya sakin pero nawala sa isip ko"sagot ni mama

"eh si papa nasaan?"tanong ko

"pumasok na sa trabaho ang papa mo kaya ikaw bilisan mo na mag almusal ng makaalis na kayo"sabi ni mama habang hinahanda yung almusal

"kayo? bakit? may kasama ba akong papasok ngayon?"nagtataka kong tanong sa kanya habang nakakunot yung noo

"Oo,ikaw anak hindi mo sinabi may boyfriend kana pala at ang gwapo pang bata"kinikilig na hinampas ako ni mama sa braso ng mahina

"BOYFRIEND?! pinagsasabi mo ma? wala akong boyfri-"napahinto ako sa pagsasalita ng maalala ko yung sinabi sakin ng xyro kahapon

*Flashback*
 
Kasalukuyan akong nasa library ngayon at nagbabasa ng libro

wala pa naman kaseng klase kaya nagpalipas muna ako ng oras dito para magbasa

"Hey! bakit hindi mo ko sagutin?!"sigaw ng babae pero hindi ko na yun pinansin kase busy ako sa pagbabasa

Hayy naku nasa library na nga ko lahat lahat hanggang dito ba naman may magsisigawan

"Xyro ano ba--"

Napailing na lang ako sa naisip ko

"Babe!"

Napaangat ako ng tingin hindi dahil sa pamilyar yung Boses ng lalaki kundi dahil sa pagtawag nya sakin ng BABE

like what the heck!

Nagtataka ko syang tinignan habang nakakunot yung noo ko at binigyan sya ng What-are-you-talking-about-look

"Xyro! what are you talking about?!"inis na tanong nung babaeng nasa likuran nya pero hindi sya pinansin nitong ulupong na nasa harapan ko na walang hiyang tumawag sakin ng BABE

"Hi Babe!"masiglang bati nya na lalong nagpakunot ng noo ko

"Babe,sabi ko sayo diba susunduin kita?"sabi nya at nilakihan pa ko ng mata na parang sinasabi nya na sumakay-ka-look

Tangena!

Tumingin muna ko sa likod nya at naintindihan ko na ang gusto nyang mangyari

Bahagya akong ngumiti at nag panggap na nakokonsensya

"A-ah sorry ba-babe,nakalimutan ko eh"sagot ko at pinaningkitan sya ng mata pero nginitian nya lang ako na halatang pilit

wow lang ah!

"OK lang babe,ahmm by the way....natasia meet my girlfriend"baling nya sa babae na halatang sasabog na sa inis at biglang nag walk out.

"Para saan naman yun?!"inis na tanong ko sa kanya

"Yun ba?? Ginawa ko lang yun para layuan nya na ko"kaswal nyang sagot

"kaya ginamit mo ako??"tanong ko,mas lalo pa kong nainis dahil ang pinaka ayoko sa lahat ay yung ginagamit lang ako ng ibang tao

"Yes,at yan na ang gagawin mo"sagot nya

"Gagawin na ano?"naguhuluhan kong tanong sa kanya

"BE MY FAKE GIRLFRIEND"sagot nya

*End of Flashback*

Shemayy oo nga pala!

"Kumilos kana at naghihintay na sya sayo sa labas,mamaya kana magpaliwanag"pagpukaw ni mama sa iniisip ko

Humalik na lang ako sa pisngi nya at nagpaalam na aalis na

Dali dali akong tumakbo palabas pala malaman kung totoo nga yung sinabi ni mama na nandito yung lalaking sisira ng buhay ko

Napahinto ako ng makita ko nga sya na naghihintay sa labas at nakasandal pa sa mamahalin nyang sasakyan

bagay na bagay sa kanya ang uniform namin at may suot suot pang shades

Natulala ko dahil sa kakaiba nyang awra ngayong araw

siguro kaya ang daming nagkakandarapa sa kanya dahil sa kagwapuhan nya at sa lakas ng dating nya

"What? May dumi ba ko sa mukha?"bigla syang nagsalita kaya bumalik ako sa katinuan

"ah wala sorry"napayuko na lang ako dahil sa hiya

"Are you going to stand there all day or you'll gonna hop in in my car para makaalis na tayo?"tanong na naman nya

Hindi na ko nagsalita at tumakbo na papunta sa sasakyan nya

Takte nakakahiya!

Pinagbuksan nya na ko ng pinto at pagkatapos nun umikot na rin sya para makasakay at nagsimula ng mag drive papuntang school

Nagtataka ako kung bakit sya tingin ng tingin sakin pero hindi ko na lang into pinansin dahil baka nagagandahan lang sya sakin

well

Pero Maya Maya lang iginilid nya yung sasakyan sa tabi at may kinuha sa likod ng kotse nya na kung ano

Nanlaki ang mata ko ng bigla bigla na lang lumapit yung mukha nya sa mukha ko

Isang gahibla na lang ay mahahalikan nya na ko takte!

Pero nanigas ako sa kinauupuan ko ng hindi ko inaasahan yung ginawa nya

bahagya nyang pinunasan yung gilid ng labi ko gamit yung panyong hawak nya

"lagpas yung liptint sa gilid ng labi mo,nakakahiya naman kung papasok kang ganyan kaya ako na nagpunas"kaswal na sabi nya at bumalik na sa pagdadrive na parang walang nangyari

lagpas?!

Dali dali kong kinuha yung maliit na salamin sa bag ko at tinignan ko yung sinasabi nya

Shemaaaay!nakakahiya!

lagpas nga na akala mo hinalikan ako buti na lang napunasan nya na yung iba kaya madali ko na lang itong natanggal

Hindi na ko makatingin sa kanya ng deretso pagtapos nun kaya hanggang sa makarating kami sa tapat ng campus ay wala kaming kibuan, hindi na rin naman na sya kumibo kaya mas ayos na yun.

************
A/N:
    eheeeem mag uumpisa na ang pretending time nila!
So guys ano pong masasabi nyo sa chapter natin today??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I FALL INLOVE TO MY FAKE BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon