Casa Verde
"Dad!."tawag pansin ko sa kanya dahil tutok na tutok siya sa laptop.
"Yeah."saad niya habang nasa laptop parin ang tingin.
Nang hindi ako nag salita saka niya lang ako tinapunan nang tingin.
"Where are you going?"tanong niya nang mapansin na may dala akong back pack. Naka plain sky blue shirt
at high waist jean na pinartneran ko nang navy blue plat shoes."Sa Casa Verde."
"Okay." ibinalik uli ang tingin sa laptop. okay?hindi mo manlang ba tatanungin kung bakit ako pupunta doon dad.
"Dun muna ako kayla lola ngayung bakasyon." pagpatuloy ko.
"Okay." muli hindi niya ko tinapunan nang tingin.
Mabigat ang loob kong humakbang papaalis sa silid, wala na ba siyang paki alam sa akin kung saan ako magpunta.
"Ingat." huling salita na narinig ko bago ko tuluyan makalabas nang silid.
Sa isang salitang narinig ko mula sa kanya kahit papaano ay nakapag pagaan nang loob ko, may paki alam pa pala siya sakin.
Isang taon na ang nakalipas simula nang nag pumanaw si mom wala paring pinagbago si Dad mas lumala pa.
Naiintindihan ko naman nawalan siya pero ako nawalan din ako.Kaya na pagpasyahan ko na kayla lola na muna ngayung bakasyon.
Parang wala din naman akong kasama sa bahay. Si dad laging nasa bussiness simula nang lumipat kami sa maynila. pero mas lumala nung nawala si mom halos hindi na siya umuuwi sa bahay, Iniintindi ko nalang dahil siguro nililibang niya ang sarili niya para hindi niya masyadong maalala ang pagkawala ni mom.
Tanghali na nang makarating ako sa terminal nang tricycle. Limang oras ang tinagal nang byahe dahil nagcommute lang ako, kung nag pahatid ako kay mang toni siguro baka abutin lang ako nang apat na oras. Kaso baka kailanganin siya dad.
Mabuti nalang kahit papaano ay marunong akong mag commute at natatandaan ko pa ang daan. Wala naman akong masyadong dalang gamit, kundi isang shoulder bag at backpack na nag lalaman nang kaunting damit hindi na ako nagdala nang marami dahil may mga damit naman ako kayla lola.
"Kuya sa Casa Verde po."saad ko at pumasok sa loob nang tricycle labing limang minuto pa ang tatakbuhin nang trycle bago ako makarating sa bahay nila lola.
Wala paring pinagbago sa Casa Verde kaya gusong gusto ko dito.Ang mga burol sa dulo nang Casa Verde ang pinaka nagustuhan ko, sumunod ang malinaw at kulay asul na tubig na umaagos sa Marikit Falls.
Malawak na taniman, mga nag beberdehang mga dahon,masarap at sariwang hangin syempre hindi mamawala ang masasarap at sariwang mga pagkain.
Kaya sobra akong nalungkot nang lumipat kami sa maynila at dun na nanirahan nung pitong taong gulang pa lamang ako. Dahil nag tayo nang business si dad kaya tuwing bakasyon dito sa Casa Verde ako naglalagi.
Nang sa wakas ay nakarating na ako
nagbayad agad ako sa trycle at bumaba. Masyado akong excited na makita si momyla at si Dadylo, na walang ka alam alam darating ako.Nakangiti akong pumasok ,Wala parin pinagbago nakabukas parin ang malaking kulay dark brown na gate , Nung bata ako tinanong ko si dadylo kung bakit palaging nakabukas ang gate at walang nag babantay .
Ang sagot niya sa akin ay mababait at tapat daw ang mga tao dito sa Casa Verde at mapag kakatiwalaan, kaya naman daw laging naka bukas ang gate ay nanganga hulugan daw iyon na bukas lagi ang pintuan nang mga Rocerro kahit kanino.
Namangha ako nang tuluyan akong makapasok, mas lalong dumami at gumanda ang mga bulalak na naka palibot sa bahay.
Pero ang nakatayong dalawang palapag nakulay walnut na bahay namay malaking pinto sa harapan, na napapalibutan nang mga bulaklak ay walang pinagbago ganun parin katulad nang gusto nila momyla.
Makalumang disenyo ang bahay simple pero may dating.
"Luise." gulat na saad ni Ate bett nang magkasalubong kami sa main door papalabas siya samantalang ako ay papasok.
Siguro ay hindi niya inaasahan ang aking pagdating. Si ate bett ay isa sa matagal nang tauhan nila lola sa bukid kung minsan naman ay tumutulong siya kay lola sa gawaing bahay.
"Ate bett, Kamusta?"
"Okay lang naman, Hindi ko inaasahan ang pagdating mo luise dalagang dalaga kana at ang ganda pa.., tingnan niya ko mula ulo hanggang paa "matagal tagal rin simula nang huling punta mo dito."
"Oo nga po isang taon din.., Si momyla at si dadylo nasa loob po ba?"
"Si mamyla mo nasa kusina nag luluto nang tanghalian si dadylo mo naman nasa Farm pa."
"Ohh siya sige, pumasok ka dun sa loob nang makapagpahinga ka, itatapon kolang ito." sabay taas niya nang plastic bag na hawak hawak niya.
Pagpasok ko sa loob halos lahat nang bagay ay antik at kulay caramel yung sofa , yung cabinet at iba pa. May nakasabit din na mga painting.
Inilapag ko muna ang bagpack ko sa sofa at nag tungo sa kusina kung saan madadaanan ang dining table.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan malawak ito, katulad nang sabi ko kanina kulay caramel lahat nang gamit may dining table na may anim na chairs.kung saan ang kainan sa gilid naman ay may cabinet at iba pang mga gamit at may mga nakasabit na paintings . May isang pinto kung saan ang kitchen.
Pagpasok ko sa kitchen ay amoy na amoy ko ang niluluto ni lola, kung hindi ako nagkakamali ay menudo iyon. si momyla naman ay nakatalikod at nagpapunas nang kamay.
"Momyla." tawag pansin ko.
Agad naman siyang humarap "Luise!" hindi makapaniwalang sambit niya,
Niyakap ko agad si momyla."Momyla i miss you.""I miss you too sweet heart. hindi ka manlang nagpasabi na darating ka." Malambing niyang pahayag.
"Kasama mo ba ang daddy mo?" Tanong niya pagkakalas nang pagkakayakap.
Tanging pag iling lang ang sagot ko.
"Kung ganon sino ang naghatid sayo?"
"Nag commute lang ako momyla."
sagot ko at umupo sa kulay caramel na dining chair na nandito sa kitchen. Bukod sa may malaking dining table meron din dito sa kitchen na mini square na dining table na may apat chair."Dapat nag sabi ka at napasundo kita." pahayag niya at umupo sa isa pang dining chair.
"Okay lang, kaya ko naman momyla."
"Kumain kanaba?"
"Hindi panga po."
"Sandali lang at mag hahain ako." pahayag niya at kumuha nang mga pinggan.
Marami pa kaming napag usapan habang kumakain sabi niya mamaya daw hapon ay pwede daw akong mamasyal sa Farm.
Kaya umakyat nako para magpahinga dahil kailangan ko nang energy para mamaya.
Im so excited.

BINABASA MO ANG
Bleeding Love
FanfictionPaano pag nag mahal ka nang taong hindi ka kayang mahalin pabalik? Susugal ka pa ba? kahit sa una palang alam mong wala nang pag asa. Handa ka bang kalimutan siya at magmahal nalang nang iba?dahil sa katotohanang malabong mahalin ka niya o umasa ha...