BNIF | MISSING YOU
Ilang araw ang nagdaan ay ganun parin ako. Sa umaga sisigaw sa daan kapag dadaan na sila— alangan naman kung wala na sila, 'di ba? Sa recess at lunch ay susundan sila at kapag uwian na ay susundan ko parin siya hanggang sa makauwi na si Darson sa kanyang bahay. Naglalakad lang kasi silang magkabarkada.
At sa ilang araw na iyon ay palagi akong may nare-realized.
May pag-asa pa ba kami ni Darson?
Na ngayo'y last day of school na. Magkatuluyan pa ba kaming dalawa? O isa lang talaga akong hamak na fan at doon nalang 'yon?
At sa loob ng ilang araw na iyan ay palaging naki-kisabay si Ian sa akin. Ewan ko ba kung bakit siya palaging humihiwalay sa kanyang barkada!
"Hi!"
Napalingon agad ako sa aking tabi ng may magsalita. Nandito kasi ako sa garden at nagmumuni-muni!
Nakita ko naman si...
"Darson?"
Wow! Totoo ba 'to? Si Darson ba talaga itong nasa harapan ko? Hindi ba ako nagde-daydream?
"Oh? Ba't parang gulat ka?"
"Hala! Ba't ako hindi magugulat? Eh isang D-Darson... ang nasa harap ko!"
Ngayon ko lang pansin na parang ang iba ng tingin ng mga dumadaang estudyante sa akin. Oo alam ko na ito!
Naranasan ko na rin ito. Huwag kayong, ano!
"Eh, bakit parang hindi ka nagulat na si Ian ay palaging nakabuntot sa'yo?"
"E-Eh? I-Iba kasi 'yon!"
"May sasabihin ako sa'yo!"
Hala!
Ito na ba?
Magco-confess na ba siya?
O sadyang isang assumera lang talaga ako?
"Pumunta ka sa leisure room! May naghihintay sa'yo don!"
Pagkatapos non ay umalis na siya sa harap ko at bago pa siya tuluyang umalis tumingin muna siya sa akin.
"Please. Wag mo na akong ka-adikan! Iba nalang ang mahalin mo at sana 'wag mong saktang ang taong naghihintay para sa'yo!"
At tuluyan na siyang umalis!
Bakit parang may connect din ang sinabi ni Rio sa akin kahapon sa sinabi ni Darson ngayon? Parang, ewan.
"Zelle! Sakaling may dadating na lalaki sa buhay mo! Sana 'wag mo siyang saktan at sana tanggapin mo siya. Kalimutan mo na si Darson at turuan mo ang puso mo na magmahal ng iba! Nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi. 'Di mo lang nakikita! Kasi bulag ka sa isang tao lang kaya di mo magawang lumingon sa iba!"
Hay. Ano ba talaga? Naloloka na ako sa mga pangyayari sa buhay ko. Pati rin si Ian may sinabi sa akin kahapon.
"Zelle! There is a boy waiting for, you did you know that? But he can't confess his feelings because his afraid that you'll reject him, so he keep it inside. But now he wants to try and face what he was afraid of. Advice for you Zelle. Dont you ever hurt him because that him that you are stanning with is not him actually!"
Ghad! Naguguluhan ako sa sinabi niya! English paman din iyon pero... anong hindi siya na kina-adikan ko ay siya? Ay, ewan!
Ang labo!
Kaya pumunta nalang ako sa leisure room, gaya ng sinabi ni Darson.
Mahal ba talaga kita Darson? Parang may kakaiba sa'yo na siyang hinahanap-hanap ko! Ay, ewan talaga!
To be continued...

BINABASA MO ANG
Fangirl (Completed)
Historia Corta... hanggang fan na lang ako. Book cover made by @AteHopelessWings