BNIF | MEETING HIM
"DARSOOOOON I LOVE YOU!!!"
"OMG! DARSON, AKIN KA NALANG! PLEASE!"
"DARSON, ANG GWAPO MO TALAGA!"
Ilang mga sigaw ng mga so called 'fans' ni Darson Laryeon. Siya lang naman ang pinakasikat sa campus namin with his girlfriend Danna Samson.
Akalain niyo three years na silang dalawa.
Aba! Magpapahuli ba ako?
Hindi no!
"DARSOOOOON, MY FOREVER! I LOVE YOU TO THE MOON AND BACK!"
Oh, 'di ba? Ang sosyal!
Maya-maya ay nawala na sila Danna at Darson with their so called friends. Kaya ako? Alangan namang magstay pa ako! Kaya lumarga na ang beauty ko papuntang silid pero sa kasamaang palad nadulas ako sa sahig!
"Aaaaahhh..."
Eskandalusa lang, 'no?
Hindi man lang nilagyan ng 'Wet Floor' Ayan tuloy nadulas ako. Ang sakit ng pwet ko!
"Miss? Are you okay?"
Pagkatingala ko! Ang wafu niya. Kung kikislap lang ang mata ay tiyak kanina pa ito. Pero namukhaan ko ito, eh. Siya 'yung kaibigan ni Darson na palaging english kung magsalita.
Dahil sa Kaka-english niya tiyak magdudugo ang mga ilong niyo at mapapasubo pa kayo sa englishan. Pero nakaintindi naman 'yan ng tagalog— slight.
"Ah, okay lang ako!"
"Ow! Good to hear that. Here let me help you to stand up!"
Pagkatapos non ay nilahad niya ang kanyang kamay para itayo ako pero sheyt! Ang sakit talaga. Kaya kinaya ko nalang kaysa mapahiya ako! Nang makatayo na ako ay ngumiti naman siya sa akin.
Kaloka!
"I'm Ian... and you are?"
"Z-Zelle!"
Pagkatapos non ay nag-shake hands kami. 'Di ba iyan naman ang dapat kapag may nagpapakilala sa iyong tao?
"Oh! Diyan ka lang pala Ian! Hali ka na!"
Biglang sulpot nina Rio at... Darson?
My forever!
"I have to go Zelle. Nice meeting you!"
"Sige!"
Bago tuluyang umalis silang tatlo ay nag-hi muna sina Rio at Darson sa akin.
Ghad! Kil me now! Ay, joke. Huwag na pala, Lord.
At para di ako ma-double dead ay pumunta na ako sa klase ko. Terror paman din ang first subject ko.
To be continued...

BINABASA MO ANG
Fangirl (Completed)
Short Story... hanggang fan na lang ako. Book cover made by @AteHopelessWings