CHAPTER 1

18 4 20
                                    

"Hi Babb! Good morning! Eat na ha? Mwuah" Kakagising ko palang e may chat na agad ang boyfriend kong si Ryu. Palagi syang ganyan di nagsasawang ichat ako sa umaga at sa gabi. May pasok pa pala ako haaist, maliligo na sana ako ng biglang tumawag si Ryu.

[Bab? baka di po kita masundo kailangang kong mauna para sa event sa school mamaya e, okay lang po ba bab??] sabi nya.

[Ahh okay lang bab, ingat papuntang school. Maligo muna ako bab, mamaya nalang kita nalang tayo sa school if free ka.] sagot ko at binaba ang tawag nya.

Pag katapos kong maligo ay tinawag na ako ni Mama para bumaba at kumain.

"Morning ate! Wala pa si Kuya Ryu?" tanong saakin ng kapatid kong si Trixy

"Morning din! wala po sya e may event sa school kailangan daw sya dun" nginitian ko sya pag tapos sabihin yun. magseseven na pala, pupunta na akong school.

"Ma, papasok na po ako. Bye!" paalam ko kay Mama, nauna na si Trixy saakin kasi nagmamadali na, wala tuloy akong kasabay.

Papasok palang ako sa gate ay nakita ko na si Ryu kasama ang Team nya para sa event mamaya. Nakita nya sigurong nakatingin ako sakanya kaya lumapit sya ngunit nagpatuloy ako sa paglalakad, Napatigil ako ng hawakan nya ang aking braso at sinabing
"Bab? may problema ba? hindi mo man lang ako kinakausap. galit ka ba bab? sorry." Di ko sya nilingon at nagpatuloy ako sa paglalakad ng parang walang narinig.

Nasa classroom na ako ngayon kausap ang aking kaibigang si Tres, Boybestfriend ko sya rin ang lagi naming kasama ni Ryu sa mga gala or dates. Magsstart na ang klase pero wala padin si Ryu, busy nga talaga haist.

"Good morning Mr. Pazcoguin" bati naming magkakaklase sa adviser namin. Malapit ng matapos klase namin English pero wala pa ding Ryu na dumadating.

Haist...ilang oras na ang lumipas wala pa ding Ryu na nagpaparamdam. Habang nakatulala ako sa kawalan bigla nalang nagsalita ang bestfriend kong si Tres

"Hoy tanga! kanina ka pa tulala dyan ah, teka nga asan na ba jowa mo ha?!" bigla nalang ako nabasbasan ng tanungin ako ni Tres kung nasaan si Ryu nasan nga ba siya? nasa event? busy sa babae? nahhh never gagawin ni Ryu ang mambabae kaya sagot ko nalang kay Tres ay "nasa event busy siguro kaya di na nakapasok"

Lunch break na namin papunta na kami ni Tres sa canteen ng makita namin si Ryu na may kasamang babae. Napatingin ako sakanila with matching pagtataray sa kanilang dalawa,ang kasama lang naman ni Ryu ay si Megan the bitch. Yeah, i call her bitch because of her attitude at tsaka feeling niya gusto siya ni Ryu.

Kanina ko pa sila tinititigan at nakita ni Megan ang pagtataray ko sa kanilang dalawa kaya naman itong haliparot na Megan ay lalong dumidikit kay Ryu na parang linta haha. Habang nakatitig ako sa kanila bigla nalang nagsalita si Tres "Ang kapal talaga ng face ni Megan noh?! makadikit kay Ryu akala mo siya jowa" bigla ko nalang hinila si Tres papuntang cafeteria,nakita naman kami ni Ryu at tumakbo siya papunta sa direksyon namin ni Tres.

Nagulat ako ng biglang may humila saakin sa pagkakahawak kay Tres, as expected si Ryu iyon "Bab!! ano ba problema mo ha?!" galit at pasigaw nitong sabi na nakakuha ng atensyon ng mga taong nasa cafeteria. Nagpumiglas naman ako sa pagkakahawak sakin ni Ryu dahil nasasaktan na ako, galit pa den ang ekspresyon ng mukha ni Ryu at sinagot ko ito ng "Bat di mo tanungin sarili mo kung anong problema sayo?!" bigla nalang sumulpot si Megan sa harap namin at kumapit sa braso ni Ryu. Tinignan ko lamang ng masama si Megan at biglang nagsalita ito "Baby anong nangyayari dito? bakit kasama mo tong maid mo?" sabay tingin saken, tinarayan ko lamang siya at biglang sinampal si Ryu "Ang kapal ng mukha mo! Kailan mo pa ko niloloko?! Kailan pa Ryu!!!!" galit kong sabi sa kanya magsasalita pa dapat ito ngunit bigla akong hinila ni Tres palabas ng cafeteria at dinala sa garden ng school.

Iyak ako ng iyak habang nakayakap kay Tres, "Gabriella,wag ka ng umiyak di dapat iniiyakan yung mga manloloko" "Please stop crying Gab, di bagay sayong umiiyak papanget ka lalo niyan sige ka" sabay tawa. Napangiti naman ako kay Tres.

Gab: Tres?

Tres: hmm?

Gab: Thank you ah, kasi ikaw yung palaging nandyan kapag may problema kami ni Ryu, ikaw yung nasasandalan ko palagi. Thank you talaga Tres : ) *sabay yakap kay Tres*

Tres: Wala lang yun Gab ano ka ba, nandito lang ako palagi para sayo, ilalaan ko lahat ng oras ko para sayo.

Grow with YouWhere stories live. Discover now