Lumapit na si Ryu kay Megan at lumuhod ito sa harapan niya naghiyawan naman ang mga tao sa paligid habang ako ay nakaupo lamang at bored na bored na, hindi naman sa "bitter" ako pero masyadong scripted actually di masyado eh scripted talaga yung proposal tsaka bat kailangan kasama lahat ng students hayyyy....bago pa man maisuot ni Ryu ang singsing kay Megan ay tumingin ulit ito sa direksyon namin at mukhang napipilitan lang ito.
Hindi tinuloy ni Ryu ang pasuot ng singsing kay Megan dahil bigla itong tumakbo papunta sa direksyon namin kung saan kami nakaupo nila Gello nang papalapit na ito samin bigla nalang sumigaw si Megan ng "RYUUUUUU" dahil siguro ayaw nito mapahiya sa mga tao ngunit kahit anong sigaw nito ay hindi siya nililingon ni Ryu, nang makalapit samin si Ryu ay bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinila palabas ng Gym ngunit sa kabilang kamay naman ay hawak ito ni Tres.
Nagsukatan ng tingin si Ryu at Tres ngunit hindi pa din nagpapatinag ang dalawa hanggang sa nagsalita ako "Bakit ba Ryu?" tinitigan naman ako ni Ryu at sabi nito ay "Please bab give me another chance" napapikit na lamang ako sa inis dahil sa sinabi ni Ryu "Sige na Tres samahan mo muna si Gelo sa cafeteria susunod ako" napatango na lamang si Tres at umalis na.
Humarap naman ako kay Ryu at sinabing "Second chance? para saan pa? para lokohin ulit ako?!" hindi na nakasagot si Ryu at umiyak nalang ito habang nagmamakaawang bumalik ako. [pasensya na pero hindi na ulit ako babalik kung dati man ay kahit isang iyak mo lang saakin ay okay na tayo, pero hindi na ngayon tapos na kong masaktan dahil sayo.] tinitigan ko lamang ito at nagsalita ako saglit "pasensya na ngunit hindi na kita mahal pa, okay na ko Ryu masaya na kong kasama lang sila Tres at Gelo".
"Gab please give me another chance to prove you that i really love you, babawi ako sayo gab please, please give another chance to love you." blangko lamang ang aking mukha habang si Ryu naman ay nagmamakaawa pa din saakin. "Ryu i'm sorry but i already moved on, let's just be friends." pagkatapos nun ay iniwan ko na si Ryu at pumunta sa cafeteria kung nasaan sila Tres.
"Gaby ano nangyari?" sabay na tanong ni Tres at Gelo sakin, "Ahh, ayun nanghingi siya ng second chance pero di ko binigyan sinabi kong pwedeng magkaibigan nalang kami" sabay naman napatango ang dalawa at nagsalita si Tres "Mas okay ngang maging magkaibigan nalang kayo, okay ka na eh tapos ka ng masaktan" pagkatapos nun ay bumalik na kami sa classroom upang kunin ang mga gamit namin at makauwi na din.