Months na din ang nakalipas simula nang nangyari ang isa sa mga kinakatkutan kong mangyari ang lokohin ako ni Ryu. Simula noon ay si Tres na ang nakakasama ko siya ang nandyan para pakinggan lahat ng rants ko kay Ryu yung mga panahong iyak ako ng iyak dahil sa kanya, kung hindi dahil kay Tres siguro di pa din ako okay ngayon dahil sa nangyari.
Malaki ang utang na loob ko kay Tres, haist thank you talaga kay Tres kakaisip ko ay di ko namalayang malapit na pala mag 7:00 am kaya bumaba na ako at nakita ko si Tres sa sala namin naghihintay sakin, ginawa ng routine ni Tres ang pagsundo at paghatid sakin palagi.
Papunta na kami ngayon sa Colegio San Agustin kung saan kami nag-aaral, nakalabas na kami ni Tres sa sasakyan niya at papunta na kami sa classroom namin, habang naglalakad kami ni Tres sa hallway papuntang classroom nakasalubong namin si Ryu at Megan ngunit dedma lalamg ako sa kanila, sinubukan akong kausapin ni Ryu ngunit dire diretso lamang kaming naglakad ni Tres.
Nakapasok na kami sa classroom ni Tres buti nalang ay wala pa ang aming adviser, habang nagbabasa ako ng libro sa tabi ni Tres ay lumapit ang kaklase ko na si Gelo "hoy gabbyyy narinig mo na ba yung balita na magppropose daw si Ryu kay Megan mamaya sa Gym pero ang mga bulong bulungan ay pinilit lamang ni Megan si Ryu na magpropose sa kanya kahit ayaw ni Ryu, at lahat daw ng students ng CSA ay pupumunta lahat sa GYM yun ang sabi ni Megan para daw makita ng lahat ang proposal sa kanya ni Ryu" pagtapos nito magsalita ay tinitigan ko lamang ito at sumagot ng "Geh, masyado namang scripted yung proposal haist" napagsasabihan ko din si Gelo ng mga problema ko kaya okay lang sa kanya na magsabi ako ng mga ganun silang dalawa lang talaga ni Tres ang pinagkakatiwalaan ko minsan pa ay kasama na namin siya ni Tres sa mga gala namin.
Papunta na kami sa Gym nila Gelo para sa "PROPOSAL" wala talaga akong balak sumama kila Gelo kaso pinilit nila ako kaya wala akong choice kundi sumama nalang sa kanila, nandito na kami sa Gym nakaupo lang kami habang ako ay bored na bored na dito at gusto ko ng umalis ng nakita kong papunta na si Ryu kay Megan upang magpropose ngunit bago ito makalapit ay tumitig muna sa direksyon kung saan kami nakaupo nila Tres.