Zaiden
First day of school year. Second level na ako. Tatlong buwan na ang lumipas matapos mangyari ang trahedya sa aking buhay. Namatay ang aking kapatid at ama dahil sa pagtatraydor sa Dark Sorcerer, mailigtas lamang ako sa kamay nito. At ang isa pang masakit para sa akin ay ang pagkawala ng unang babaeng inibig ko dahil sa aking katangahan at pagka duwag.
Sumulyap ako sa malaking orasan sa main building, ilang minute na lang at magsasara na ang mataas na tarangkahan, ngunit hindi ko pa nakikita ang taong ilang buwan ko din inasam na makitang muli.
Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti ng makita ko ang dalawang taong kilala ko na sabay naglalakad papasok sa tarangkahan.
"Hi!" bati ko sa kanila. "Kamusta na?"
Tumigil sina Castor at Oceane sa harapan ko.
"Ayos lang. Anong ginagawa mo dito?" casual na tanong ni Castor sa akin
Sumulyap muna ako kay Oceane saka ako nagsalita. "Hinihintay ko kayo."
Isang sulyap lang ang ginawa ni Oceane sa akin, pagkatapos ay lumingon na siya sa paligid. Huminga ako ng malalim.
"Tara na?" sabi ko
Tumango naman si Castor, hindi naman nagsalita si Oceane
Saka kami sabay-sabay pumasok sa loob ng Academy Maraming nagbago sa buhay sa loob lamang ng tatlong buwan, bukod sa pagiging ulila, hindi ko inaasahan na magiging magkaibigan kami ni Castor. Tinulungan ko siya na ibalik ang kaluluwa ng mga kalahi niya at ngayon ay gumawa sila ng isang maliit na animo'y bayan sa teritoryo ng mga Elf.
At dahil sa kagustuhan ni Nazar na mabantayan ang kanyang anak, pinayagan ni Headmistress Alyora na pumasok si Castor sa Academy. Dahil na rin na isa siyang half vampire, kinailangan niyang mapanatiling kalmado ang kanyang sarili sa tuwing papasok sa Academy. Inaasahan ko na rin na magiging kasama namin siya sa Section Fire kung saan nakapasa siya sa pagsusulit para makasabay namin siya sa klase bilang Second Level.
KRING!
Tumunog na ang bell, ibig sabihin malapit na magsimula ang klase. Ang unang subject namin para sa araw na ito ay Magical Creatures and its Origin.
"Good Morning Second year! Kilala nyo na ba ako? I'm Saatchi, your professor for Magical Creatures and its Origin."
Tulad ng dati, pagpapakilala, kwentuhan at ang boring na talent portion. Nakaupo lang ako di kalayuan kina Castor at Oceane na magkatabi sa upuan. Hindi ko maiwasan na hindi siya tingnan, at dahil doon bumabalik lahat ng alaala, nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Siguro guilt na rin ito dahil sa aking mga nagawang kasalanan sa kanya. Napatingin siya sa akin. Para akong bata na, biglang iwas ng tingin sa kanya. Palihim akong sumilip at nakita ko na kausap na niya si Castor.
Lunch break, dumiretso kami sa dining area magkakasabay kaming tatlo. Hindi ko kayang nakikita na masyadong kumportable si Oceane kay Castor kaya naman palagi akong nasa unahan nila.
"Castor, bakit panay ang tingin sa akin ng kaibigan mo? Nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin." narinig kong tanong ni Oceane.
"Ang dami mong napapansin." sabi ni Castor
Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Oceane. Dahil nauuna ako sa kanilang dalawa, una akong nakarating sa pintuan ng Dining Hall, ngunit kusang huminto ang aking mga paa sa pintuan pa lang. Huminga ako ng malalim, nang makita ko ang mga First Level sa unang table. Muling bumalik ang alaala namin ni Oceane sa table na iyon.
"Ano pang ginagawa mo dyan? Tara na sa loob." Sabi ni Castor ng makalapit sila ni Oceane sa akin
Bahagya lang ako napangiti habang muling sinulyapan si Oceane na nagsimula ng pumasok sa loob ng Dining Hall.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book Two
FantasyAcademy of Witchcraft and Wizardry Book Two Friendship, Love and Trust (Lies Conquer) Ang pangmatagalan na relasyon ay may matibay na pundasyon na nagsisimula sa pagkakaibigan, mamahalin mo dahil importante na siya sayo at magtitiwala ka na dahil ka...