Zaiden
TOK TOK
Ilang sandali pa bumukas ang pintuan. "Zaiden, bakit ang aga mo?" tanong niya
Ngumiti lang ako sa kanya. "Wait lang ha! Tingnan mo nga di pa ako nagsusuklay." Sabi niya sabay hawak sa buhok niya
"Sige lang, maghihintay na lang ako dito sa labas ng room.." sabi ko naman
Hindi na niya isinara ang pinto ng silid niya, kaya kitang kita ko habang inaayos niya ang buhok niya. Napangiti ako. Simpleng pony tail lang ang ginawa niya sa buhok niya pero nagbago kaagad ang itsura niya. Mas nahighlight ang ganda ng mukha niya. Palagi kasi siyang nakalugay. Semi curly ang buhok niya kaya naman mukha siyang manika. May kulay pa ito pag nasisinagan ng liwanag ng araw.
"Tara na!" anyaya niya
Sabay kaming naglakad sa hallway ng dorm. Lahat ay napapatingin sa amin, dahil siguro katulad ko first time nilang nakita na nakapony tail si Oceane.
"Ano bang mali sa akin at nakatingin silang lahat?" bulong niya sa akin
"Walang mali sa'yo, you're just beautiful." Sabi ko naman
Hindi na siya nagsalita pa. Nang makalabas kami sa dorm, marami ng estudyante sa labas ng hallway ang sabay sabay na naglalakad papunta sa dining hall.
"Hindi ko yata napapansin si Castor?" tanong ko
"Baka nag hunt sa gubat." Sabi niya
Hindi na ako nagtanong pa, hanggang sa makarating kami sa dining hall. Magkatabi kaming naupo sa table ng section level namin.
"Palagi kasi sumasakit ulo ko nagsusumbong na siguro yon kina Mama at Papa.." sabi naman niya
Napatingin ako sa kanya. "Sumasakit ang ulo mo? Bakit?" tanong ko
"Ilang gabi na nga. Mabuti na lang nandoon si Castor, nagagawa niyang patulugin ako sa tuwing sumasakit ang ulo ko." Sabi naman niya
Napaisip ako. 'Sa tuwing nakikita ko siya mukha naman siyang okay. Ibig sabihin sumasakit ang ulo niya sa tuwing hindi kami nagkikita.' Napatingin ako sa paligid pagkatapos ay sa kanya. 'Kung tama ang hinala ko, sa gabi malimit sumakit ang kanyang ulo, ito lang ang oras na tanging si Castor lang ang kasama niya at nakikita siya.'
"Anong sabi ni Castor?" tanong ko ulit
"Wala naman, nagtataka lang, tapos ginagamitan niya ako ng spell para makatulog.." sabi niya
Tumahimik ako. Nakakapagtaka naman talaga. 'Bakit sa gabi lang maaring sumakit ang kanyang ulo? At bakit? Imposible naman na epekto ito ng memory spell na ginawa ko sa kanya, alam kong tama iyon bago ako naglakas ng loob na i-cast sa kanya ang spell.'
"Good Morning!"
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa likuran namin. Ito ay walang iba kundi si Frost at may hawak na naman itong isang white rose.
"Hi!" bati ni Oceane
"Para sa'yo!" white rose ang iniabot ni Frost kay Oceane.
"S-salamat!" sabi naman ni Oceane
"Have a great day!" sabi pa nito
Mabilis na umalis si Frost at naglakad papalapit sa kanilang table.
"Binigyan ka na naman niya ng bulaklak." Medyo inis na sabi ko
Muli namin hinarap ang pagkain. "Hindi ko rin alam. Wala akong ideya." Sabi naman niya
'Dahil siya ba si Jacob o dahil wala lang siya magawang matino sa buhay niya.'
"Probably, he likes you." Sabi ko
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book Two
FantasyAcademy of Witchcraft and Wizardry Book Two Friendship, Love and Trust (Lies Conquer) Ang pangmatagalan na relasyon ay may matibay na pundasyon na nagsisimula sa pagkakaibigan, mamahalin mo dahil importante na siya sayo at magtitiwala ka na dahil ka...