Chapter 11:SECRET ROOM

4K 153 12
                                    

TATIANA'S POV

Nakarating kami sa mansion nang puro reklamo si Tyler, kesyo ayaw daw nyang 8 oras na maparalisado.

Dinala ko na sya sa kwarto ko bawat room kase namin may secret room din, kaya don ko sya dinala, pinabuhat ko pa sya kay Tyron, di ko naman sya kaayang buhatin.

"Asan secret room mo sissy?" Namamanghang sabi ni Tyron.

"Tss, dito" turo ko sa pader.Iba kasi ang secret room ko sa kanila sa kanila kase may pintuan akin naman ako mismo ang gumawa, matagal tagal ko ring natapos.Pero Worth it naman ang paghihirap ko.

"Really? Is your secret room a wall?" Napairap ako sa hangin sa sinabi ni Tyler.

Nilapitan ko ang pader saka ito tinulak, at bumulagta saamin ang maraming katana, daggers, Shurikens, black jackets, maskara, mga iba't ibang uri nang baril, bullets, at computers.

Tinignan ko ang dalawa, napangisi nalang ako sa mga reaction nila, si Tyron kase nakanganga na, Si tyler naman nililibot na ang tingin ni hindi nga kumurap.

"WOAH" ani Tyron

"H-how?" Nauutal na tanong ni tyler

"Tss...pumasok na kayo"Agad naman silang pumasok, may sofa din dito at kusina, syempre pag ako tinamad dito ako kakain, pinaupo ni tyron si tyler sa sofa saka sya naglibot llibot, tignan mo to!.

Pinuntahan ko ang maraming boxes, binuksan ko ang isa at nakita ko ang dagger na nakakawala pagparalyze
Agad ko iyong kinuha saka bumalik sa sofa.

"Tyron! Hali ka tulungan mo ko dito" tawag ko sa kanya, pumunta namn agad sya.

"Hawakan mo si Tyler yung mahigpit ah?" Sabi ko

"H-hey w-what are you two d-doing?" Nauutal na tanong ni tyler

"I will remove your paralysis" maikling sabi ko dito.

"Using the dagger? are you serious? Are you going to kill me?" Inikotan ko sya sa nang mata,sinenyasan ko si tyron na higpitan ang pagkakahawak sa dalawang kamay ni tyron, hinanap ko yung saksak nya sa tagiliran, nang makita ko saka ko sinaksak yung dagger, dinig na dinig sa buong kwarto ang sigaw nya.

Pagkatapos ay saka na ako tumayo, nanghihina pa si Tyler nanlalaki naman ang mga mata ni tyron na nakatingin sakin, parang hindi sya makapaniwala na nagawa kong saksakin ang kapatid nya.

"How did you do that to him?" Tanong nya sakin.

"Tss nakita mo naman diba?" Nanlalaki pa rin ang mga mata nyang nakatingin sakin, nakita kong bumangon na si Tyler, saka maluha luhang tumingin sakin.

"It hurts" sabi nya

"But look you can now move your body freely" Usal ko

"Yeah, thanks to you" ani tyler

Nginitian ko sya nang matamis saka ako humarap kay tyron.

"Atleast nakakagalaw na sya diba?" Natatawang tanong ko sa kanya, grabe yung reaction nya huh.

"O-oo"
Pagkatapos non ay naglibot pa sila sa secret room ko titignan daw nila ang mga gamit kaya tumango na ako, keya lang ang mga loko, kumuha pa nang bag saka don nilagay kala siguro nila di ko sila makikita tss, may camera yung relo ko kaya kitang kita ko yung mga ngisi nila.

Nandito ako sa kitchen nagluluto, gutom na daw ang mga tukmol kong kapatid.Naghihintay sila sa Sala habang ako ito Nagluluto, mali ata na dinala ko sila dito tsk.

Aalis pa naman ako ngayong gabi, ngayon kasi ako lalaban sa UG nang gangsters using ANGEL OF DEATH'S name, di rin naman alam nong dalawa na ako yun eh.

Nang matapos na akong magluto dumiretso ako sa sala, nakita ko pang tinitignan nila yung bags na hawak nila, nang maramdaman nilang paparating na ako saka nila yun tinago sa ilalim nang mesa.tss

"Wohhh gutom na ako!!" Mahinang sigaw ni tyron.

Ulol muka mo gutom!

"Aistt, im so tired" sabi naman ni tyler.

Talipandas di nyo ko maloloko!!

"Ay ako rin, sige kain na tayo" ngiting ngiti naman ang dalawa saka kumain, habang kumakain sila, dahan dahan kong kinuha ang mga bag nila saka ko tinago yun sa ilalim nang bangko ko, ngiting ngiti din ako habang kumakain.

"Good mood ka ata sissy ah?" Ani Tyron.

"Ah oo naman noh" sagot ko, di nyo ko maiisahang tukmol kayo.

Kumain nalang ulit kami. Maya maya pa ay natapos na silang kumain habang ako ito kanina pa tapos.Naghihintay lang ako sa reaction nila.

"Sige alis na kami ah byee" sabi ni tyron tinanguan ko naman sya, nakita kong may kinapa sya sa ilalim nang mesa,psh!!

"Oh?akala ko ba uuwi na kayo sa mga kwarto nyo?" Nagtatakha kunwari kong tanong.

"For a moment it looks like something just fell" pagdadahilan ni Tyler.

Tinaas ko ang mga bag nung yumuko sila, saka ko hinagis sa sofa para di nila makita.Nang umayos na sila nang tayo para silang pinagbagsakan nang langit at lupa.

"Ba't ganyan muka nyo?" Tanong ko

"Wala, m-may nakita ka bang dalwang b-bag na black?" Tanong ni tyron.

"Hm? Oo tinapon ko sa bintana" pagsisinungaling ko

"WHAT???!!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni tyler yumuko naman agad sya saka nagpaalam na ganun din si Tyron,pagkalabas na pagkalabas nila saka ako tumawa nang pagkalakas lakas, Ang saya saya talagang mang Trip.

Pinuntahan ko ang mga bag nila saka ko kinuha ang mga baril, daggers, shurikens, Bomb, bullets,and jacket, wow huh?Ang galing din pumili.

Binalik ko ito sa mga kinalalagyan ng mga ito saka ako pumunta sa bintana, Natawa ako nang makita sila don, hinahanap ang bag daw.

As if naman may makikita sila dyan, tawa lang ako nang tawa, hanggang sa makita nila ako.At ngayon alam kong alam na nilang pinagtitripan ko sila, ni lock ko yung  pinto to make sure na hindi sila makakapasok.

'Minsan ang sarap ding mang trip eh'

_______________
Bianxx_SC

MY GANGSTER STEPBROTHERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon