Chapter 1

10 0 0
                                    

Class dismissed. Naglabasan na ang halos lahat ng mga kaklase ko pagkasabi nang guro.

"Faila, sama ka pupunta kami sa bahay nila kenneth" tanong sakin ng isa kong kaklase habang nag-aayos ako ng aking mga gamit.

"Sorry di ako makakapunta, ipapasa ko pa kasi itong papers natin eh, kayo na lang muna marami pa kasi akong gagawin eh" sabay pakita ng mga papers na hawak ko.

"Eh di pabayaan mo muna yan, mag enjoy ka naman minsan, puro ka na lang school - bahay, di kaba nagsasawa sa buhay mo faila? Tanong ni kenneth na nakasandal sa pinto ng classroom namin.

"Hmm teka nga muna kenneth" sabi ko habang nakapameywang.

"Ah ano, huwag muna ngang sagutin heehehe" sabi ni kenneth habang tumatawa, dahilan upang mapangiti din ako.

"Kenneth tara na!!!" aya ng mga barkada niya na nasa likod na pala niya.

"Sige mauna na muna kayo dun mga tol, susunod ako may gagawin pa kasi akong importante eh, nandon naman si kevin siya na muna ang bahala sa inyo" sagot ni kenneth na tinutukoy ang nakakabatang kapatid na kabarkada rin ng mga ito.

Pag kaalis ng mga barkada niya, tinanong ko siya kung bakit hindi siya sumabay sa kanila, ngumiti lang ito sabay sabing "may importante pa kasi akong gagawin" at nag paalam na itong umalis, tumango na lang ako bilang ganti.

Umalis na si kenneth at ako na lng ang naiwan sa classroom naglinis ako pagkatapos inayos ang mga gamit ko.

Ay oo nga pala di pa ako nagpapakilala ako pala si Faila Corpuz, galing lang din naman ako sa simpleng pamilya, isa akong BSHRM Student na nasa ikatlong taon sa kolehiyo ngayon. At ang lalaki kanina si Kenneth Montemayor sikat sa school, varsity captain ng basketball at one of the sponsor ng school na ito ang magulang niya.

Nang matapos ko linisin ang classroom at agad din akong lumabas at sinarado ko na ang pinto. Tumingin ako sa aking relo 5:30 na nang hapon, kailangan ko nang makauwi agad. Tinungo ko ang Teacher's room at ibinigay kay maam ang mga papers namin kanina nagpasalamat si maam at umalis na din ako.

Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa music room at doon may narinig akong kumakanta habang tumutugtog ng gitara. Ang ganda ng boses niya nakaka engganyong pakinggan at sobrang nakakahumaling ang boses niya. Hindi ko siya makita sapangkat sarado ang pinto ng music room at ayaw ko siyang abalahin kaya nakikinig na lang ako sa labas habang nakikinig sa maganda niya boses. Nakatayo lng ako dun sa harapan ng music room para makinig sa awitin ng mahiwang lalaki at habang nakikinig ako bigla na lang siya huminto at narinig ko siyang magsalita.

----- sorry hanggang dito na lng muna sorry kung nabitin bantayan niyo na lng ulit sa chapter 2.
Vote and comment if you like this story. Thank you mwuahhh😘😗😙

The Mysterious guy in Music roomWhere stories live. Discover now