After 2 weeks..
Dalawang linggo nang hindi nagpaparamdam si Estefan kay Reina. But it's okay. Ano ba naman siya kay Estefan diba? Wala naman.
"Earth to Reina!"
"Ha?"
"Hotdog, Reina. Hotdog!"
Inikot naman ni Reina ang mata niya sa kabaliwan ni David.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito ha?" tanong ni Reina kay David.
"Nagbabalik lang naman ako. Kelan mo ba ako sasagutin?"
Tumaas ang kilay ni Reina sa pagkakatanong ni David sa kanya.
"Pinagsasabi mo?"
"I've been courting you for 4 and a half months now tapos hindi mo pa din ako sinasagot." He smirked.
"Nanliligaw ka pala?" Reina grinned.
"Oo. Kaya sagutin mo na ako." pangungulit ni David.
"Ayoko. Tsaka..ay bahala ka! May ginagawa ako. Can't you see I'm busy here?" sabay tingin sa ginagawa niyang draft ng bahay na ipapasa niya sa isa niyang customer.
"Sungit mo! Here. Java chip Coffee. Your favorite. It's 11pm. You should go home." tinignan lang ni Reina ang kapeng binigay ni David.
May naalala kasi siyang may nagbigay din sa kanya ng kape. It's Estefan.. She misses him.. It's been 2 weeks since their last talk at sa ospital pa kaharap ang asawa niya. She sigh..
"Thanks. Sanay na ako magpuyat okay? Tsaka ikaw diba may trabaho ka pa?"
"Yep. Okay lang. Nasilayan naman kita ngayong gabi. I'll wait for you isasama na kita pauwi."
Pagkasabi ni David noon ay humiga siya sa sofa ng opisina niya. Napailing nalang siya sa inaakto ni David. She knew him for a year now pero wala namang siyang something para dito. Alam niyang may gusto sa kanya si David pero hindi niya lang iyon pinapansin at more on tinatabunan niya ng pagsusungit si David.
Nagsimula ulit gumuhit si Reina nang makatanggap ng tawag mula sa sekretarya.
"Yes? Ano yon?"
Tumingin naman siya sa orasan at 11:53 na ng gabi. Sa katabi naman ng orasan ay ang kalendaryo at July 12 na ngayon.
[Mam, may nagpapabigay po sa inyo ng invitation.]
"Hm.. Okay. I'll be out in a sec."
Binaba muna ni Reina ang lapis saka lumabas ng opisina niya nang hindi tinitignan ang lagay ni David sa loob.
"Where is it?"
"Here Mam."
Binigay naman ang isang puting envelope na may lasong grey ang kanyang sekretarya. Dulot sa kuryusidad ay binuksan niya agad iyon.
Parang napako ang mga paa ni Reina nang mabasa ang mga letra na naroroon. Para bang nakalimutan niyang huminga at parang mag dumagan sa puso niya.
Hindi.. Hindi pwede..
"Sino nagbigay ne'to? Asan na siya??"
"Mam naka alis na p--"
"Ano!? Argh!" naitapon ni Reina ang envelope at tumakbo papuntang labas ng kanyang firm.
Nagpalinga linga kung saan sana naroroon ang taong inaasahan niya.
Estefan.. Asan ka?
Hindi mapigilan ni Reina ang mga luha niyang tumulo habang naghahanap sa taong walang kasiguraduhang makikita niya.
Nagpunta siya ng parking lot at nilibot lahat pero wala siyang nakitang bulto o ni anino ay wala.
"N-no.. Estefan..." bulong niya hanggang sa mapagod at biglang umulan.
Napahawak siya sa puson niya habang humihikbi.
Habang palakas ng palakas ang ulan ay palakas din ang kanyang hikbi. Kasabay ng pagtulo ng ulan ang pagtulo ng kanyang mga hula galing sa kanyang mata.
Estefan.. Bakit ngayon pa? Kung kelang mahal na kita. Saka ka mawawala?
Happy wedding day sa inyong dalawa..
~•~
You're invited to Estefan and Candice's Wedding!
July 13. 8am @ San Lazaro's Church!
See you there!
~•~
Dear Reina,
You know that i love you more than anything, right? Sa loob ng ilang buwan nating magkasama, walang araw na hindi kita minahal. Kahit noong unang araw kitang makita sa inuman kasama ni Carlo at nalaman kong kayo. Alam kong hindi pwedeng magkagusto sa'yo dahil ikakasal na ako noon at kayo ng kaibigan ko kaya nanahimik ako. Pero pagkalipas ng ilang taon, nakita ulit kita sa inuman, broken dahil nakipagbreak ka sa boyfriend mo. At ako, ikakasal ulit ako sa taong naging ina ng aking anak na pilit kong mahalin ulit pero hindi ko magawa dahil anjan ka na ulit. Noong gabing iyong kasama ka ni Carlo hanggang sa nakita ulit kita sa bar, mas umusbong ang pagkagusto ko sayo hanggang sa nakasama kita. I knew you're the one. But i fell in love with the right girl in a wrong timing. May anak at babaeng umaasa sakin. How i wish that it was you pero hindi.. Ikaw yung dream girl ko na late dumating.. Pero masaya akong nakilala kita. Until the day we shared in front of the beautiful sunset.. That special day. Our pictures..nakaguhit na din iyon sa puso't isip ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga ngiti at tawa nating pinagsaluhan.
I am giving you this invitation not to make you in pain but to give you a farewell. You know how much i hate biding goodbyes but this time i have to. And if we see each other again, alam kong masaya ka na sa panahong iyon. Sadyang pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana.
Thank you My Reina for making my 5 months feel in heaven to be with the girl i love. And also for making me feel loved.
Estefan.
-*-
I love you, My Reina..I love you, Estefan..
Rei Estefan Locon
Born January 16 2021
2:05pm