"Six thousands seven hundred fifty and twenty-five cents po lahat, Ma'am."
Nag bigay ako ng seven thousands sa babae at inabot niya sa akin ang sukli ko. Kinuha ko na 'yong mga paper bags at umalis na sa pila.
"Akin na 'yong iba."
Napatingin ako sa best friend kong sumalubong sa akin. Siya si Aleeza Jane Claveria or Liz for short. Katulad ko, isa na rin siyang ulila. Iniwan din siya ng kanyang ina at nag pakamatay naman ang kanyang ama. Hindi na nailigtas kasi gabi na nung nangyari 'yon. Ang masama pa nito ay si Liz ang unang nakakita sa bangkay ng kanyang ama. Ang traumatic lang nung nangyari sa kanya.
"Thanks."
Pinakatitigan ko ang kaibigan ko. Maganda siya pero lagi naman seryoso ang ekspresyon ngnmukha. Kaya natatakot minsan ang iba sa kanya, e. Siguro ganun na talaga kapag may trabaho ka na.
Pareho na kaming twenty three years old pero dahil sa isang rason ay kinakailangan kong tumigil sa pag aaral. Nauna siyang nakatapos at mag trabaho sa akin pero nasa huling taon na ako ng college ngayong taon.
Although kahit 'di pumayag 'yong school na pinasukan ko sa kadahilanan na mahihirapan daw ako maka-catch up sa lessons ay napilitan silang pumayag. Lalo na nung nakita nila 'yong entrance exam at iyong hiniling kong exam na mag papatunay na kaya kong makipag sabayan sa mga estudyante. Hindi lang naman ako nakatambay this past few years, e. Wala rin silang nagawa nung nakita nila ang grades ko at nalaman nila na maganda naman ang naging records ko sa dati kong school. T'saka isa pa, kakilala ko rin 'yong may ari ng school. Sa kanya ako humingi ng pabor na pag exam-in ako. Talk about connections, ey?
Nag take naman ng one year off si Liz para tulungan ako pero nag patuloy rin kaya mas nauna siyang naka graduate. Habang ako naman ay three years na tumigil kaya medyo alanganin. Pero syempre sa loob ng mga taon na 'yon, hindi ako nag basta basta tumambay. Nag aral din ako at naging private tutor ko ang kaibigan ko.
"Mag take out na lang ba tayo?"
Napabalik ako sa sarili nung nag salita ito. Tumango ako at gumala ang tingin sa mall. Itinuro ko 'yong Jollibee dahil 'yon ang malapit at mura rin doon.
"Doon na lang tayo bumili."
"Sige."
Tumungo na kami at nag volunteer naman siya na siya na lamang ang bibili kaya kinuha ko na sa kanya ang mga paper bags na bitbit niya. Pag katapos niyang um-order ay dumiretso na kami sa parking lot.
"Dito ka na lang. Kukunin ko na lang 'yong sasakyan."
Pumayag na lang ako dahil tinatamad na rin akong mag lakad pa. Tutal, dito naman ang daan palabas ng parking lot.
Ngunit habang nag hihintay ako sa kanya ay may narinig akong nag aaway 'di kalayuan sa puwesto ko. Pa-simple ako tumingin sa gilid ko at may nakita akong dalawang babae na nag tatalo.
"Why the hell did you do that?! That was my client, you know!" Sigaw nung babaeng blonde ang buhok sa isa pang babae.
Pinag masdan ko naman ang features nung blonde. Matangkad siya at may kaputian. Maganda rin ang hubog ng katawan niya kahit nakatagilid pa siya. What a chic! 'Di ko naman totally makita ang mukha niya dahil nahaharangan ng buhok niya.
Dumako naman ang tingin ko sa kausap niya. Kulay itim ang buhok at naka-messy bun ito. Kitang-kita ang tangos ng ilong nito at mas maputi siya. Maputla kasi ang kulay ng balat niya. Halata rin na may pagka maarte ito.
BINABASA MO ANG
Love & Connection (EDITING)
Romance(GirlxGirl) Naulila siya sa edad na bente. Iniwan sila ng kanyang ina nung bata pa siya. Namatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Sobra siyang nasaktan sa nangyari sa ama kaya naisipan niyang mag lasing sa isang bar na isa palang gay bar. Ngunit...