II

3.3K 130 12
                                    














"Loves, 'yong bilin ko sa inyo, ha? Behave lang. Listen to your Mama Ninang, okay?"

"Yes, Mommy."

Pinag masdan ko silang tatlo at ito na naman 'yong bigat sa dibdib ko sa tuwing iniiwan ko sila. Ganito yata talaga kapag isa ka ng nanay. Ang hirap iwanan ng anak mo kahit na sabihing babalik ka naman.

Yumukod ako at niyakap sila isa-isa. Para na naman akong naiiyak nito. Iyong pakiramdam ko ay parang hindi ko na sila babalikan pa. Hinalikan ko sila sa noo at lumayo na.

"Diretso na lang ako sa cafe ha? Behave kayo d'on. 'Wag niyong guguluhin ang mga customer." Bilin ko pa ulit.

Nag patayo kasi kami ng cafe na malapit dito sa school. Olympus Cafe, The Goddess' Home.

Actually, ang best friend ko ang naka isip n'yan at kinuha sa pangalan kong Jiosa Rhein. Dyosa ang pronunciation nung first name ko kaya naisip namin na isunod na lang 'yong name ng cafe sa name ko.

Bumaling naman ang tingin ko sa best friend ko at pinanlakihan siya ng mga mata.

"Hoy, ingatan mo ang mga anak ko, ha! Patay ka sa akin kapag nag kagasgas 'yan!" Pag babanta ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng bruha.

Mapapag katiwalaan ko naman ito pag dating sa mga anak ko pero syempre 'di ko pa rin maiwasan ang mag alala.

"Ako ng bahala sa mga anak natin."

Kinindatan pa ako ng babaisot. Ganyan 'yan, e. Ginagamit niya kami ng mga anak ko kapag may gustong manliwag sa kanya. Scammer ang gaga. Ayaw na lang sabihin na hindi interesado.

"'Lul!" Walang boses na sabi ko sa kanya.

Tumawa lang ulit siya kaya napa iling na lang ako. Muli akong bumaling sa triplets ko at muling niyakap ang mga ito. Tumayo na ako at nag paalam sa kanila pero bago pa man ako tuluyan makalabas ng cafe ay tinawag muli ako ni Liz.

"Bakit?"

"Sino ang adviser mo?"

Nag tataka man ako sa tanong niya ay sinagot ko pa rin ito. "Si Miss Delacion, why?"

Napangisi muna siya bago sumeryoso. "Good luck sa 'yo. Usapan pa naman terror 'yan."

Mayroon siyang kakilala na board member sa school na pinapasukan ko ngayon kaya naman halos kilala na rin niya ang mga professors and staffs dito.

Bahagyang nagusumot ang mukha ko pero tumango na lang ako at lumabas na ng cafe saka sumakay sa bike ko patungo sa New Dawn University. Nasa tapat lang naman nung cafe 'yong school pero napakalawak nito. Halos lahat ng course sa college ay nandito na. Isama pa ang elementary at high school.

Malaki at malawak ang school na ito. Itsura niya ay parang isang village na mag kakadikit ang mga bahay or building na malalaki. Normal lang ang itsura ng building except sa medical courses. Iyong sa kanila ay pang hospital ang itsura. Of course, mag kakahiwalay ang campus ng mga college, high school and elementary.

Sa left side ang campus ng elementary, sa right side and sa high school and sa middle ang college. Then meron din kaming dalawang parking lot. Sa may back gate and front gate. Medyo maliit lang iyong front gate pero sobrang laki naman ng back gate parking lot. Siyempre nilakihan nila dahil puro mayayaman ang nandito sa school na ito.

But I'm actually thankful na may bike rack sila rito and they gave permission to use the bike inside the campus. Mostly kasi hanggang sa may entrance lang 'yan. Ang lawak kasi ng school tapos ang layo pa ng gate sa mismong building kaya naman nakakatamad mag lakad minsan.

Love & Connection (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon