Chapter 3

1.9K 54 26
                                    

BAGO pa man makapasok si Yasmine sa loob ng bahay nila, sinalubong na siya ng ama niyang si Henry at ng asawa nito.

"Yasmine, napaka-swerte mo!" pumapalakpak na turan ng ginang sa kanya.

"Don't forget us when you are well-off in the future. This is the chance that Lilia gave you!"

Pilit na ngumiti lamang si Yasmine sa ginang.

Well-off?

Chance na ibinigay ni Lilia? Wala talagang kahit konting kahihiyan sa katawan ang ginang para sabihin ito sa kanya.

However, she didn't want to argue with them. One day, she would rise above these people who once put her down! Determinado na si Yasmine.

They never treated me as a family. How 'bout doing the same thing after getting married?

 




"I now declare you husband and wife. Mr. Dela Cruz, you may kiss your bride."

Buong seremonya, wala sa sarili si Yasmine. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Natauhan lang siya nang maramdaman niyang humalik ang manipis na labi ng binata sa kanya. Ang palad nito'y nasa batok niya upang diinan ang paghalik.

Sandali lang ang paglapat ng labi nila, ngunit iba ang hatid nun kay Yasmine.

"This will be my first and last kiss to you, Yasmine. Wala na itong kasunod," saad ng binata bago humarap sa mga naghihiyawang bisita. Tinitigan niya ng tiim ang binata.

Bakit kabaligtaran ang sinasabi nito sa nakikita niya sa mga mata ng binata?

Nasa isang banquet hall ng hotel na silang lahat dahil doon ang wedding reception para kay Seventh at Yasmine.

Parehong kilala ang pamilya nila sa business industry kaya hindi nakapagtatakang marami ang dumalo sa kasal. Naroon pa ang media upang ibalita ang ika-pitong kasalang nasaksihan.

Nakapalibot sa bewang ni Yasmine ang braso ni Seventh. Kanina pa sila magkasama at gusto niyang lumayo sa binata, ngunit ayaw naman siyang bitawan nito. Pagod na siyang makipagplastic na ngiti rito at ipakita sa mga bisita na masaya sila.

"Cut the drama, Seventh. We both know na napipilitan ka lang sa mga nangyayari."

"This is one of the reasons why I gave you the chance to be my wife, Yasmine. You know when I'm faking."

Binitawan na siya ng lalaki. Bago ito umalis, hinalikan siya nito sa noo. Dali-dali itong nakipagkumpulan sa mga kakilala ring businessmen.

Pagod na napaupo na lamang si Yasmine sa bridal chair.

"This is his seventh marriage. I don't know how long this woman can stay with the Dela Cruz family."

Hindi niya alam kung bulungan ba iyon o sinasadya ng isang kumpol ng bisita na paringgan siya.

"What a beautiful girl, too. It's such a pity."

"What's there to pity? Halos lahat naman na nagkakandarapang magpakasal kay Seventh ay puro gold-diggers."

Huminga na lamang ng malalim si Yasmine upang kumalma. Siguro nga, mukha siyang pera, dahil pera lang rin naman ang dahilan ng pagpapakasal niya kay Seventh.

Seventh's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon