Chapter 8

1.7K 32 4
                                    

Maliban sa mga kasambahay at guards ay wala nang ibang kasama pa si Yasmine. Bagot na bagot na sya nang mga oras na iyon. Wala si Ma'am Mildred dahil may pinuntahan ito sa France. Si Tiffanny naman ay naging busy sa school, magtatapos na kasi sya sa kursong Accountancy at marami raw syang ipapasang requirements dahil sa abrupt na oag transfer niya dito sa Pilipinas. And Seventh was also busy, kaya naisipan niya nalang magliwaliw sa mall.

Hanggang sa makita niya ang dating nobyo na si Alex. Buong araw siyang sinamahan ng lalake mamasyal at bumili nang mga ingredients ng pagkaing balak niyang lutuin sa hapunan dahil wala din naman raw itong kinaaabalahan. Hinatid pa nga sya nito sa mansyon. Sa lahat ng mga naging nobyo ni Yasmine ay si Alex ang nanatiling kaibigan niya.

"So dito ka na pala nakatira Yasmine?" agad na tanong ng binata sa kanya pagkababa sa kotse nito. Ngiti lamang ang naging sagot ni Yasmine at tumango.

"I heard you married Seventh Dela Cruz. Di mo man lang ako inimbita sa kasal mo."

"Hindi kasi ako ang nag asikaso Alex, tyaka abrupt yung wedding."

"Ganun ba? Pero trinatrato ka naman ba niya ng maayos? Marami akong nabasa at narinig na balita about that Seventh"

Ibinaba nito ang mga pinamili ni Yasmine. Mababakas ang pag-aalala ng binata sa kanya.

"Ano ka ba Alex, kita mo namang buhay ako't masigla kung may gagawin man syang masama sakin, uunahan ko na sya."  pabirong turan ni Yasmine at sinuntok-suntok pa nito ang hangin  na parang  bang boxer.

Malakas na tumawa ang binata sa inakto ni Yasmine.

"Di ka parin nagbabago Yasmine. Kung di lang siguro ako nakabuntis ng iba, baka tayo ang ikinasal." mababakas ang panghihinayang sa tinuran nito.

"Ano ka ba Alex. Past is past na."

"I'm really sorry Yasmine"

"Sabing tama na. Nakuuu .. baka't pumalahaw ka nanaman sa iyak diyan at magising ang mga engkanto sa paligid , masumpa ka pa." pagbibiro niya para maiba ang usapan.

"Sige , aalis na siguro ko Yasmine. Salamat dahil pumayag kang ihatid kita."

"Oo naman, salamat din dahil nakatipid ako ng pamasahe" Nag ok sign pa si Yasmine sa binata.

Lumapit ito sa kanya at humalik muna sa pisngi niya bago tuluyang magpaalam.

Masaya namang nagtungo si Yasmine sa kusina at inilapag ang mga pinamiling pagkain na naisipan niyang lutuin. Balak niyang ipagluto ng beef steak si Seventh. Paborito raw kasi nito iyon.

Ipagluluto ko sya ng beef steak na mas masarap pa sa niluto ng Celine na yun.

Sa paraang yun, baka unti-unting lumambot ang puso ng binata sa kanya. Ika nga ng karamihan, the way to a man's heart is through his stomach.

Napangisi naman sya sa naiisip.

harujuskooo hanglandeee. akala ko ba naiinis ka pa sa Seventh na yun?

kaagad na kontra nang kanyang isipan.

Ayaw na muna niyang pairalin ang inis. Gusto niya munang tutukan ang Oplan niya. Kung matigas ang lalaki sa kanya ay kabaligtaran ang gagawin niya rito.

I will be Seventh's last wife.
ipinapangako niya sa sarili.

No matter what happen, pursigido na sya sa plano niya. Kahit sungitan pa sya ng lalaki. She'll make sure that Seventh will fall for her and that would make him not cutting ties with her forever.

Seventh's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon