The-Boy-Who-Shall-Not-Be-Named

103 5 5
                                    

WHO'S THAT BOY (revised version)

Dear Charmia Lianne aka Chian,
I am in love with you.

PS. I am sincere.

—The Boy-who-shall-not-be-named

"Ang weird niya. This certain boy-who-shall-not-be-named is creeping me out. He's sent me ten identical letters in the past week, I mean, what's the point? Kamukha ba siya ni Voldemort kaya ayaw magpakilala?" I asked Drew, my guy bestfriend, and don't get me wrong, as in bestfriend ko s'ya, wala akong planong jowain 'to.

Pero yung letters talaga, printed pa eh. Wala na ngang confidence magpakilala, wala pang confidence sa sulat niya. Hemeged.

"Juskoporudy. Dalaga ka na ngang talaga Chian. Akalain mo yun? May nanliligaw na sa'yo! And I think, I like this guy, whoever he is, for you. He's straightforward, walang pabida. Walang explanation. May emphasis. Ganyan ang pag-amin ng isang tunay na lalaki! Iba 'to sa mga ibang nanligaw sa'yo dati." Drew said with matching hand gestures and some sfx.

Minsan hindi ko rin ma-gets kung bakit naging kaibigan ko 'to eh. Magkaiba kami lagi ng opinyon sa mga bagay, yung tipong nagdedebate talaga kami. At sa sobrang galing ng reasoning niya, gusto ko na lang siyang sakalin. Oo na! Siya na laging tama! Insert angry emoji, yung kulay red plus umuusok ang ilong here.

"You call that a confession of feelings? Really? Hindi nga makuhang magpakilala, dinadaan pa sa sulat. Ang tunay na lalaki, Drew... Makinig ka! Para matuto ka naman sa mga words of wisdom ko. Makinig ka ah. Ang tunay na lalaki, pagdating sa panliligaw, aamin sa 'yo nang harapan, hindi nagtatago sa likod ng mga sulat. Pinapatunayan yung mga sinasabi, at higit sa lahat, malakas ang loob na pumunta sa bahay ng nililigawan para magpaalam sa mga magulang. Ganon ang tunay na lalaki, Drew! Ganoin!" Ayan essay type na yan, para gets na gets niya ang point ko. Ghad. I'm so amazing.

"Naalala mo ba yung isang beses na may umamin sa 'yo ng harapan? Yung si ano... Anong pangalan nun? Ah. Basta 'yon. Pinahiya mo lang naman siya sa buong klase, at kumalat sa buong campus 'yon. Buti nga hindi nag-suicide!" Totoo naman yun pero...

"That's exactly the point. Alam mo kung bakit ko pinahiya 'yon? Kasi alam kong pinagtitripan lang ako. If this guy's serious, even if he's aware of that incident, he will never be afraid to confront me and confess."

Sandaling katahimikan... Pagkatingin ko, jusko? Bakit nakatulala lang siya?

"Hoy Andrew, tulo mo lumalaway. Gandang-ganda ka nanaman sa akin."

"Na-realize ko lang, oo nga, may point ka."

"At na-realize mo rin na yung bestfriend mo ang dyosa level pala. I know, Drew, I know." Then with matching pat sa likod niya para mas lalong mainis.

"Kahit kailan talaga Chian. Walang kakupas-kulas ang pagka-GGSS mo. Hay. Pero on the other hand, what if the guy just wants to be sure if you're ready for something like this? There's a reason why he's keeping his identity, you know."

"I don't know. Okay. I'm just worried na one of these days, yung mga letter niya, may love potion na. Alam mo yun, yung ginamit kay Ron Weasley sa Harry Potter and the Half-Blood Prince."

"Stop watching the Harry Potter series Chian."

"Don't tell me what to do and what not to do, Drew."

"You've watched it for like, a hundred times already..."

"Pssh. Correction, a thousand times."

"Fine."

Who's That Boy? (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon