Prologue:
~
"Sorry.."
" ANO BA YAN, HAHARANG-HARANG KASI SA DAAN! KITANG MAY PROB--"
Napatigil ako sa pag-sasalita, nalagot na ata yung hininga ko sa nakita ko.. Hindi maaari.
Isa na 'to sa pinaka-gago na pangyayari sa buhay ko. Tama na yung PANAGINIP na yun. TAMA NA, MAS SUMASAKIT lang.
"Miss, ayos ka lang?"
Ayokong magsalita, hindi ko pa ata na-didigest yung nakikita ko. Isang malaking kalokohan lang 'to.
"Sorry pala. By the way.. I'm.."
*dubdubdudbdubdubdudbdub*
Hindi, hindi pwede. Ayoko na umasa, Ayoko na.. Pero itong puso ko panay pa rin ang tibok ng malakas. Habang buhay itatatak ko sa puso't kaluluwa ko ang pangyayari na 'to. HABANG BUHAY.
"David Charles Saragossa."
At simula nung araw na yun, tumatak na isipan ko, ang mga salitang..
"They do exist."
**
WATTPAD FICTIONAL HOTTIES.
Sino nga ba sila?
Sila ba yung pinagkakaguluhan ng mga babaeng teenagers ngayon?
Sila ba yung kinababaliwan ng mga readers?
Sila ba yung ginagamit ng mga authors, para bumenta yung story nila?
At sila ba yung mga tao na SA WATTPAD lang NAG-EEXIST?
Para sakin ang mga WATTPAD FICTIONAL HOTTIES ay hindi lang sa wattpad nag-eexist kundi sa puso din ng mga readers.
Pero.. pano na lang kung ma-inlove ka sa ISANG WATTPAD FICTIONAL CHARACTER? Anong gagawin mo?
Anong paraan ang magagawa mo para makita sya sa PERSONAL?
*Papalabasin mo ba sya sa WATTPAD?
PWEDE BA YON?!
*HAHANAPIN MO SYA SA BUONG SULOK NG MUNDO?!
IMPOSIBLE!
*PUPUNTAHAN MO ANG AUTHOR AT SISIGAW NG "Ilabas mo siya! Walangya ka, ilabas mo si KENJI DELOS REYES, KEVIN SANTOS, TIMOTHY ODELLE PENDLETON, CROSS SANDFORD, JARED DELA CRUZ AT KUNG SINO-SINO PANG INIMBENTO MO!"
Isang malaking KALOKOHAN.
LAHAT NG YON AY HINDI MO PWEDE GAWIN. MAUUWI AT MAUUWI KA LANG SA KASAWIAN.
Dahil kahit saang anggulo mo tignan ang mga WATTPAD FICTIONAL HOTTIES ay sa wattpad lang nag-eexist. SA WATTPAD LANG.
***