Mag-aalas sais na ng umaga nang matapos kaming mag-agahan ng aking pamilya. Agad akong tumayo upang kunin ang mga hugasin at simulan na itong hugasan dahil marami pa kaming mga dapat na gawin sa araw na ito. Ganito namin sinisimulan ang aming umaga, magigising sa tilaok ng manok at pagkatapos ay maghahanda na para kumain.
Ilang buwan na rin ang nakalipas nang ako ay pumaroon sa Maynila para mag-apply sa isang eskwelahan. Matagal na iyong pangarap nila inay at itay para sa akin, nais kasi nila na ako ay makapag-aral man lang sa isang magandang paaralan ngunit kung ako naman ang tatanungin ay hindi naman na kailangan. Kung maaari nga ay mas mabuti kung doon sa makakatipid kami dahil naniniwala akong nakadepende naman sa estudyante kung gugustuhin niya ba na matuto.
Si itay ay isang magsasaka habang si inay naman ay suma-side line sa paglalaba at iba pang trabaho. Pangarap ko na mabigyan sila ng magandang buhay, iyong tipong hindi na nila kailangan pang magtrabaho kaya't sa simula pa lang ay pinagbubutihan ko na ang aking pag-aaral.
Pagkatapos kong maglipit ng pinagkainan ay tinulungan ko si inay sa paglalaba.
"Nay tulungan ko na po kayo riyan." sambit ko.
"Ay hindi ako tatanggi riyan, anak, dahil uuwi ang tatay mo para sa tanghalian at kailangan pa nating maghanda." sagot ni inay.
Matapos ang ilang oras ay tapos na rin kami sa paglalaba, damit lang naman namin iyon kaya hindi gaano karami.
Agad kaming dumiretso sa kusina para maghanda ng pananghalian. Nagliwanag ang aking mga mata nang makita ko ang pinakbet na niluluto ni inay, sa lahat ng ulam ay ito ang aking paborito lalo na't iba talaga ng lasa ng gulay sa probinsya.
Abala kaming kumakain ng tanghalian nang biglang tumunog ang depindot na selpon ni itay.
Kinuha niya ito mula sa kanang bulsa ng kanyang pantalon at binuksan. Nagulat kami nang biglang mapatayo si itay at bakas sa kanyang mukha ang saya.
"Oh anong mayroo--" hindi na natapos ni inay ang kaniyang sasabihin nang iharap ni itay ang kaniyang selpon
sa amin upang ipabasa ang natanggap na mensahe.Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, nagliwanag ang aking mukha. Tiningnan ko ang reaksyon ni inay at bakas din sa kanyang mukha ang saya.
"N-natanggap ako?" Nauutal kong tanong.
"Oo anak, natanggap ka sa Spring Hill!" Masayang sagot ni itay.
Niyakap ko ang aking magulang sa sobrang saya at halos mahula na ako sa saya dahil nagbunga ang ilang buwan kong parerebyu para sa exam na iyon. Isa na ata ito sa pinaka-masayang araw sa aking buhay! Tinapos namin ang aming tanghalian ng may ngiti sa mukha.
Ilang linggo na lang ay lilipat na ako sa Maynila, kasalukuyan kaming namamalengke ngayon ni inay ng mga sangkap para sa kanyang ibebentang meryenda mamayang hapon.
"Lita, bigyan mo ako ng dalawang kilo ng saging na saba, kalahating kilo ng asukal at dalawang balot ng lumpia wrapper." Sambit ni inay sa kaniyang kumare.
"Aba mukhang magbebenta ka ngayon, ha?" Tanong ni Aling Lita habang abala sa pagkuha ng mga bibilhin ni inay.
"Oo, kailangan kumayod at malapit na naman ang pasukan." Sagot ni inay.
"Saan ba mag-aaral itong si Macel?" Pagtatanong ni Aling Lita.
"Sa Maynila, mabuti nga ay nakapasa siya sa Spring Hill, iyong eskuwelahang talaga namang napaka prestihiyoso. Mas mataas ang tsansa niyang matanggap agad sa trabaho." Nagmamalaking sagot ni inay at halatang bakas sa mukha ang tuwa.
YOU ARE READING
Out of the Serene
General FictionMaria Celestina Esperanza, on her way out of the serene and cozy province - racial discrimination came along the way. Was it just a phase or would it change her life if Stephen Reuther Gaviola - a city boy who doesn't care to any occurence on his su...