Chapter 8

51 3 0
                                    




"Lia saan tayo kakain?" tanong ko sa kaklase ko na si Thalia. Sa nagdaan na buwan siya yung naging matalik ko na kaibigan, akala ko nga nung una ay masungit siya dahil sa awra na binibigay niya ngunit mas lalo ko siyang nakilala nung minsan na naka-grupo ko siya sa isang gawain.

"Sa vikings na lang, 4 hours vacant naman tayo diba?" tanong ni Lia sa akin. Tumango ako at tututol pa sana sa kaniyang suhestyon ngunit naunahan niya na ako magsalita.

"Oh wag ka mag-alala libre ko naman since I'm in a good mood today and I feel like treating you." dugtong nito sa sinasabi niya kanina. Nginitian ko na lamang siya dahil alam kong kahit anong pagtutol ko ay hindi ito magpapatalo. Patuloy kaming naglakad hanggang sa labasan ng eskwelahan at hinintay ang grab na kanina pa pala naka-book.

Pagdating sa Vikings ay namangha agad ako, sa labas pa lamang ay hindi maikakaila na isa itong may kamahalang restawran. Natakam ako sa mga pagkaing nakikita ko sa lamesa, naisip ko bigla ang aking mga magulang dahil paniguradong matutuwa sila kapag dinala ko sila rito. Sa probinsya ay masaya na kami kapag may nilagang baka at lampas sa tatlo ang mga putahe.

Masyado kaming abala sa pagkain ni Lia minsan naman ay napag-uusapan namin ang mga kaganapan sa klase at natatawa na lamang kapag naaalala ang mga iyon. "Naalala mo ba yung minsan nahuli si Liam na natutulog sa klase?" natatawang sambit ni Lia. "Oo tapos pag-angat niya ng kaniyang ulo ay gulat na gulat siya na nasa harapan niya na ang prof bigla na lang siyang." "Napa-Sign of the Cross!" sabay pa naming banggit, natawa na lamang kami nang maalala ang pangyayaring iyon.

Masaya kaming nag-kkwentuhan nang biglang may tumawag sa selpon ni Lia. Tinignan niya muna ako at tinanguan ko na lamang siya senyales na sagutin niya ang tawag. Tumayo siya at pumunta sa comfort room. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya sa aming lamesa na may nag-aalalang mukha. "Oh bakit may problema ba?" nag-aalala ko na tanong.

"Yung bunso ko kasi na kapatid napaaway sa school, pinapatawag ang parent o kaya guardian kaso nasa Japan sila mommy ngayon at next week pa makakauwi. Pinakiusapan nila ako na baka pwedeng ako muna yung pumunta." aligagang kwento nito.

"Naku pumunta ka na, ayos lang ako rito kaya ko naman bumalik sa eskwelahan mag-isa" pangungumbinsi ko sa kaniya. Wala man akong nakababatang kapatid ngunit alam ko ang pakiramdam ng pag-aalala lalo na sa pamilya mo.

"Sigurado ka ha? Sorry talaga Macel babawi ako sayo next time promise." sambit niya habang nag-mamadaling inaayos ang mga gamit. Tumayo na ito at kumaway sa akin habang papalayo.

Tapos na akong kumain at tatayo na sana ako sa aking upuan nang biglang naalala ko ang bill. Tinawag ko ang tauhan na napadaan sa aking harapan at hiningi ang bill. Pagkatapos ng ilang minuto ay inabot na nito sa akin ang listahan, nagulat ako sa numerong nakita ko agad kong kinuha ang aking wallet para tignan kung ilan ang laman nito. Nasa kalahati lamang ng bill ang dala ko, labis na kaba ang nadama ko. Tatawagin ko na sana ang waiter para humingi ng tulong nang biglang may nakita akong pamilyar na mukha sa entrance ng restawran. Nang magtagpo ang aming mga mata ay ngumiti ito sa akin at dumiretso sa aking kinauupuan.

"Hey, why are you alone?" tanong sa akin ni Stephen.

"Uh may aasikasuhin kasi si Lia kaya nauna na siyang umalis." pagpapaliwanag ko.

"Do you mind if I sit here with you?" pag-hingi nito ng permiso sabay turo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"S-sige" nauutal kong sagot.

"Are you done eating? Wala na kasing laman yung mga plato oh." nagtatakang sambit nito.

"Oo, actually paalis na nga dapat ako eh." nahihiya kong sagot dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tunay na rason kung bakit pa ako nandito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Out of the SereneWhere stories live. Discover now