CHAPTER 39

31.8K 443 6
                                    

CHAPTER 39
It's her

BRIANNA

“ANNOYING, SO LOUD.” Nakasimangot na sabi ni Spiro. Kanina pa kami nakauwi at puro reklamo niya ang naririnig ko.

“That's normal, baby. Talagang need mo pumasok sa school.” Sagot ko pagkatapos ko siyang bihisan.

Nandito rin si Diego sa kwarto ni Spiro na tumatawa dahil sa pag-iinarte nito. Kung tutuosin pamangkin niya si Spiro pero parang anak ang trato niya rito. Sa loob ng dalawang taon ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya hindi lang sakin, kundi pati kay Spiro.

“Can I stop going to school, Mom?” Umiling ako agad. “Why?”

“Gusto mo bang hindi makahanap ng work kapag lumaki ka na? Ayaw mo bang matupad ang dreams mo?” Umiling siya agad. “Okay, let's have a deal, baby.”

“Deal?”

“Yes. You will go to school and in exchange, I will buy you a bike.” Nanlaki ang mata niya. Parang gulat na gulat dahil bibilihan ko siya ng bike.

“Deal!”

Kaya buong araw ay puro ngiti niya ang nakikita ko kahit sa pag inom ng tubig nakangiti siya. Lakas maka good vibes. Sa sobrang lakas babatukan ko na 'to.

Kinagabihan ay nasa living room kaming tatlo para mag plano ng kasal. Tuwang tuwa si Spiro at sabi niya isasama niya ang classmate niyang maganda raw. Napailing na lang ako nang maramdaman ko na magiging maharot siya paglaki. Gusto ko sana ang magiging girlfriend ay iyong makakasundo ko.

“Wedding date?” Tanong ko. Hawak ko ngayon ang listahan para sa kasal namin ni Diego.

“Actually, wala pa akong idea about do'n. Ikaw? Kailan ba ang gusto mo?” Napaisip ako. Biglang tumayo si Spiro para kunin yung notebook niya na may drawing na kung ano ano.

Speaking of Spiro.

“Sa birthday na lang kaya ni Spiro?” Tanong ko. Tumaas ang kilay niya pero kalaunan ay ngumisi.

“So, next month?” Napaisip ako. Alam ko ang kasal ay dapat pinaghahandaan pero ang mahalaga naman ay maikasal kami, hindi ba? Dalawang taon na rin kaming magkarelasyon.

“Ayaw mo ba? Ayos lang naman sakin.” Umiling siya.

“Of course, gusto ko. Nagulat lang ako dahil gusto mo agad next month pero ayos lang sakin. Kung ako lang, papakasalan kita kahit bukas na.” Napangisi ako sa sinabi niya.

“So, May 24 na ang wedding date natin?” Tumango siya at malaki ang ngisi. Nilista ko 'yon sa maliit na notebook na hawak ko. “Ang budget natin? Uhm, may malaki naman akong—”

“Really, babe? Nakalimutan mo na ba kung sino ako? I'm Diego Brix Rivera. Kahit sa ibang bansa mo pa gustong ikasal ayos lang sakin. Don't worry about the budget. Sagot ko lahat.” Napangiti ako sa sinabi niya at tumango. Nilista ko rin 'yon.

“Church or Beach wedding?” Tanong ko. Ako kasi ang may listahan ng mga kailangan at kailangan ko lang ng opinion niya.

“Beach!” Sigaw ni Spiro. Nakikinig pala siya?

“Yeah, right. I like Beach wedding.” Tumango ako. “May alam akong resort dito. Maganda 'yon, for sure magugustuhan mo. Let's visit the resort if you want.” Tumango ulit ako.

“Okay, beach wedding.” Nilista ko agad. “How about Maid of Honor, Bride's Maids, Best Man, Groomsmen, Flower girl and Ring bearer?”

“Can I have a piece of paper? Ililista ko ang Best Man, Groomsmen, and Flower Girl.” Binigyan ko siya ng papel at ballpen.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon