Chapter 8

878 70 17
                                    

Auto-Hire

MACTHARA.

TINITIGAN ko siya nang puno ng tanong at inis. Kakagil na ngiti 'yan, ngiting aso. Ang gulo-gulo din ng buhok parang hindi nagsusuklay. Pero ba't mas maganda tingnan yung kanya?

Sinapawan pa ako ng animal!

"Teka, teka nga! Padalos-dalos ka. Hindi naman kita in-applyan--"

Naalala ko bigla yung paglibot ko sa syudad para lang makahanap ng trabaho. Ayoko mambintang pero pareho ng kotse yung nasa labas at yung sumusunod sa akin.

"Sinusundan mo ba 'ko, ha, Dantes?!" singhal ko na nagpatawa sa kanya.

"N-no, of course! Ako kaya ang boss dito." He leaned on the swivel chair like a chill boss. "So... Mactha ko, tell me about yourself."

"Ano kamo?!" Nagkiskisan ang mga ngipin ko sa inis. "Alam mo nang dahil sa'yo, minamalas ako sa trabaho."

"Awch. That hurts..." aniya sabay hawak sa dibdib. "I just told them bukas ka na bumalik at ako ang puntahan mo ngayon."

Apakagago!

"Putek ka, bakit mo ba ako sinasabotahe?" angil ko at sinalubong si Gole ng angas nung tumayo siya.

His height towered over me. Halos lamunin ako ng anino ng katawan niya. I glared at him.

"K-kung pektusan kaya kita? Makikita mo..."

"Tsk, tsk. Ayan ba ang klase ng empleyado na pagtatrabahuin ko sa kompanya ko?"

Bigla ay nagseryoso ang mukha niya. Gole started walking around me, his eyes roaming all over my soul and body. Sarap lang bangasan lalo na nung nagbilang siya.

"Una, bastos ang pananalita. Pangalawa, pala-away. Pangatlo, pabibo. At... tsk, tsk. Nanghahamon pa ng gwapo!"

Saan banda?!

"You..." Gole stopped in front of me. "...really are my Macthara."

Halos sumabog ang ulo ko sa mga narinig ko. He rubbed my hair before he could turn around and leave me panting.

Sinundan ko siya ng tingin. Yung tipong sinasaksak ko na siya one million times. Naupo siya sa sofa at dumekwatro. Then, again, he played with his hair.

Astig-astigan lang!?

"Despite all that, I'd still forgive you," dagdag niya at pinagpag ang tabi. "Come. Sit here."

"H-ha?"

"Sit beside me," ulit niya.

"Ayoko nga."

Aaminin ko ang lakas ng dating niya sa suot na leather jacket. His build was a semblance of Zoro. But not the face. Ang kanya ay hindi maunawaan. A blend of dark and soft features.

Kung hindi lang nakakainis pagmumukha niya--lalo na yung ngisi--baka pumayag na ako.

"Why naman, hmm? Akala ko ba kikilatisin ko ang kalidad mo?"

Sure na 'to, bad boy type!

Pinakyu ko siya at mabibigat ang padyak na nagtungo sa pinto. Dinig ko yung mapamestang tawang kabayo niya at mas naimbyerna ako.

"Where are you going? We're not done yet."

Done mo, mukha mo!

Hindi ko na yata alam magbukas ng pinto kasi naka-ilang pihit na ako sa doorknob pero hindi pa rin bumubukas.

Spot Him Behind (Season One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon