Prologue

111 21 27
                                    

Prologue

"Let's break up, Day." bungad ni Andrea nang makarating ako sa roof top kung saan kami unang nagkakilala. Humahangos pa ako at halos maubusan ng hininga dahil nagmadali akong pumunta rito.

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Napakapangit niya talaga magbiro.

"Is that a joke? Kung gano'n, ang pangit ng joke mo, babe." natawa akong muli ngunit hindi niya ako pinakitaan nang kung ano mang ekspresyon. Nanatili lang siyang seryoso at nakatingin lang ng diresto sa'kin kaya't nang mapansin kong hindi ito nagbibiro ay napalitan agad ng lungkot ang kanina'y masaya kong mukha. Ang saya na aking nararamdaman dahil sa pagkikita naming ito at napalitan ng lungkot.

"I'm serious, Day.... let's break up," pag-uulit niya.

"Why?" seryosong tanong ko sa kaniya.

"Because I want to." tugon niya. Pilit pinatitigas ang boses.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang magkabila nitong braso.

"Why babe? Why are you suddenly breaking up with me? May nagawa ba 'kong mali? Tell me then, para maitama ko, 'wag naman 'yung ganito, please?" sunud-sunod ang naging tanong ko sa kaniya at halos hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko.

Dahan-dahan nitong inalis ang pagkakahawak ko sa mga braso niya saka siya bahagyang lumayo sa
'kin. Naguguluhan akong tinignan siya.

"I'm sorry, Day." wala pa man ay humingi na ito nang tawad.

Naguguluhan ako.

Hindi ko maintindihan.

"Why are you saying sorry?" puno ng pagtatakang tanong ko.

Tumingin siya sa mga mata ko at pilit nilabanan ang mga titig ko.

"Akala ko kasi mahal kita, pero hindi pala. Nagkamali ako, Day. I just used you and that's true. I-I... just used you. Hindi rin ako masaya sa relasyon natin that's why I'm breaking up with you." bahagya akong nagulat dahil sa mga binitiwan niyang salita. Hindi ko alam kung tama ba ang maga narinig ko.

Tila ilang segundo bago rumehistro sa isip ko ang mga sinabi ni Andrea dahil matagal akong napatitig sa kaniya na at para bang hinihintay kong bawiin niya ang kaniyang mga sinabi.

Napahilamos na lamang ako sa 'king mukha gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay hinawak ko sa 'king bewang.

"I don't believe you, Andrea." sabi ko saka bahagyang tumawa na may halong pagkadisgusto. "Like what the fuck! We've been together for 2 years.....2 years Andeng, hindi tayo tatagal ng dalawang taon kung hindi mo 'ko mahal!"

"Napilitan lang akong mahalin ka dahil ikaw 'yung nandiyan sa tabi ko!" sigaw niya. "Hindi talaga kita minahal! Pinagpustahan ka rin lang namin ni Brian na kapag tumagal tayo, babayaran nila 'ko!" nang marinig ko iyon ay tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo ko. Ilang segundo akong nakatitig sa kaniya bago rumehistro sa isip ko ang mga binitiwan niyang salita.

Humalakhak ako na para bang nakakatawa ang mga sinabi niya ngunit sa kabilang banda ay hindi ko napigilan na tumakas ang mga luha ko. Hinihiling ko na sana bawiin niya ang mga sinabi niya at sabihing hindi totoo ang mga iyon ngunit wala siyang ginawa.

"So all these years, napilitan ka lang pala na mahalin ako and worst, pinagpustahan niyo pa!" tumawa akong muli kasabay ang pagtakas ng aking mga luha na agad ko ring pinunasan. "Nice game, nanalo ka kasi tumagal tayo ng dalawang taon. Congratulations!" sarkastikong sabi ko saka ngumisi.

"Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko! Sana hindi mo na lang ginulo ang nananahimik kong mundo kung ganito rin lang pala ang gagawin mo sa'kin. Minahal kita Andrea! Ginawa ko lahat mapasaya ka lang, pero lahat ng kasiyahang pinakita mo ay hindi pala totoo!"

"I'm s-sorry, Day." tanging tugon niya.

Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay mas pinili kong umalis na lang doon at hindi na siya pinakinggan.

Isang beses na 'kong nalubog noon nang mawala sa 'kin si Charry. Hindi ko na alam kung paano pa akong aahong muli sa pangalawang pagkakataon.

Hindi ko rin inaasahan na kung sino pa ang bumuo sa 'kin ay siya rin pala ang dudurog sa 'kin.

Hey, My Brave Moon [Completed]Where stories live. Discover now