Love

26 5 0
                                    

Ilang beses ko ng narinig sa mga kaibigan at classmate ko na first love never dies nung una binabalewala ko lang ito dahil bukod sa bata pa kami ay wala pa sa isip ko ang pag-ibig na sinasabi nila minsan nga pag naririnig ng mga matatanda na pinag-uusapan ng bata na meron itong minamahal, sasabihin nila na "puppy love lang niyan"

Paano nga ba malalaman na mahal mo na ang isang tao?

Pag ba tumibok ang puso mo sa isang tao mahal mo na agad?

Pag ba hindi na tumibok ang puso mo para sa isang tao hindi na ba pag-ibig yun?

Lagi kong naiisip kung bakit sa puso nakabase kung sino ang mamahalin natin.

Hindi ba pwede na utak ang gamitin. Na sa panahon ngayon mas utak ang paganahin kaysa ang puso.

Minsan naiisip ko.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng first love sa puppy love?

Sabi nila ang puppy love daw ay nakabase lamang sa panandaliang kasiyahan. Hindi mo ito masasabing relasyon. Madalas natin itong nararamdaman pag nakakaroon tayo ng crush. Madalas din ito'ng nakabase lamang sa panlabas na katauhan ng isang tao. Nararamdaman lamang ito ng isang tao na hindi pa handa pumasok sa isa'ng pang matagalan o seryoso'ng relasyon.

At ang first love ito yung kauna-unahang tao na minahal mo ng lubos na higit pa sa inaakala mo.

Masarap umibig, masarap ibigin at lalong masarap ang tunay na pag-ibig. Sabi ng iba, ang unang pag-ibig ay hindi kailanman nalilimot...hindi kailanman nawawala. Marahil totoo sa pananaw ng iba na ang pag-ibig ay hindi nawawala, hindi nauubos, hindi nalilimot. Nananatili ito sa pusong nagmamahal at sa puso ng nagmamahal. Ang unang pag-ibig ay nahihigitan lamang ng bagong pag-ibig ngunit ang ligaya at pait ay mananatili ngayon at kailanman.

Gusto ko'ng paniwalaan ngunit ang hirap...kung ang taong una ko'ng pinaglaananng puso ko ay sasaktan at paniniwalain lang ako sa wala.

Naaalala ko pa ang laging sinabi sakin ng ate Jasmine na ang pag-ibig ay hindi laging nakabase sa taong nagpapatibok ng puso mo.

Dapat..

Love your self first, before you love someone...

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon