-Pamilya-
Pumasok ang sasakyan namin sa gate ng dalawang palapag na bahay. Ang bahay ni lola Rosing.
Narinig ko ang kalabog na pagbukas ng pinto, siya namang paglabas ni mommy at daddy sa sasakyan.
Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mga kamag-anak namin.
Bumuntong hininga ako bago binuksan ang pinto ng sasakyan. Paglabas ko ay siya namang paglabas din ni ate Jasmin.
Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita kong isa-isang nilabas ni daddy ang mga maleta namin. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Wala pa din itong pinagbago pwera lang sa hardin ni lola Rosing na sobrang lalago na. Napangiti ako ng maalala ko na dito kami laging naglalaro ng habulan at tagu-taguan ng mga pinsan ko.
"Oh! Diyos ko! Salamat naman at nakarating kayo."
Napabaling ako ng tingin sa boses na 'yun.
Dahan-dahang bumaba si lola Rosing sa limang baitang na hagdan habang inaalalayan ng babaeng sa tingin ko ay kuwarenta anyos na. Bakas sa mukha ni lola ang katandaan at sa tingin ko hirap na din siyang maglakad.
"Dahan-dahan lang po sa paglalakad nay." Sambit nito kay lola Rosing na nagmamadali sa paglalakad papunta samin.
"Nay!" Masayang sambit ni daddy tsaka niyakap si lola.
"Naku hijo! Sobra akong nanabik sa pagbabalik niyo dito." Sambit ni lola na mababakas ang sobrang galak sa mukha niya.
"Ako din po nay. Masaya akong makabalik dito." Sambit ni daddy tsaka kumalas sa yakap ni lola.
"Lavander!" Sambit ni daddy tsaka yumakap dito.
"Welcome back, kuya Ronald. Joanna." Masayang sabi ng babae. Kahit na may edad na ay mababakas parin dito ang ganda.
"Joanna. Kamusta?" Baling ni lola kay mommy tsaka ito niyakap.
"Mabuti po nay." Sambit ni mommy na bakas ang saya sa mukha
Napakislot ako sa kinatatayuan ko ng samin naman ni ate Jasmin nabaling ang tingin ni lola Rosing
"Eto na ba ang mga apo ko sayo Ronald?" Tanong niya kay daddy habang na samin ang tingin niya.
"Oo nay, si Jasmin po ang panganay namin ni Joanna at si Jhoy naman ang bunso namin." Sagot ni daddy kay lola.
"Dalaga na kayo. Parang kailan lang nandyan kayo sa bakuran ko at naglalaro." Nakangiting sambit ni lola Rosing tsaka niyakap si ate Jasmin
"Kamusta ka apo?" Aniya kay ate Jasmin
"Mabuti po lola." Nakangiting sabi ni ate.
"Ang gaganda niyo. Samantalang ng mga bata pa kayo. Mukha kayong mga dugyot!" Pabirong sabi ni lola
Nagtawanan naman sila sa birong 'yun ni lola.
Napangiti na lang ako. Bumalik tuloy sa alaala ko nung bata pa kami ni ate Jasmin. Mukha nga talaga kaming dugyot nun. Kahit kasi anong laro ay nilalaro namin.
"Eto na ba si Jhoy?" Tanong pa ni lola
"Opo nay." Tumatawang sagot ni daddy.
"Kamusta apo? Naku! Sobra ko kayong namiss." Ngiting sabi ni lola.
Yumakap siya sakin, kaya kahit na may ilang akong nararamdaman ay gumanti parin ako ng yakap kay lola.
Naiilang akong ngumiti sa kaniya ng kumalas na kami ng yakap sa isat-isat.
Napalunok ako ng haplusin niya ang pisngi ko.
"Napakaganda mong bata."
Namula ako sa sinabi niya
BINABASA MO ANG
First Love
Romance"Love your self first, before you love someone" - Jhoy Anne Cerventes First Trilogy #1