Sa Bus [Short Story]

642 26 9
                                    

*[A/N]: Hello guys! This is just a short story. Bored kasi ako, then suddenly, this idea popped in my head and I don't want to waste this opportunity na maisulat ko kaagad ito bago pa mawala sa isip ko :D Happy New Year! Kahit late na *3*

God Bless everyone! Thank you!

**********


[Casey's P.O.V]

First day of School. Senior HS. Meaning, first day ng paghihirap. Not that I hate School, pero ayoko lang talaga 'yung ang dami mo na naman iisipin, gagawin na mga assignments or projects. Hay. Goodluck na lang.


I waited at the bus stop at exactly 6:40 am and within 10 minutes, darating na rin 'yung bus. 15-20 minutes ako nakakarating sa School. Gusto ko kasi maaga ako para marami pa akong nagagawa.


Btw, i'm not taking the School Bus. Sumasakay ako sa public bus. Ayoko kasing sumakay dun dahil maiingay 'yung mga tao. I've experienced it before, kaya nga nag decide akong mag public bus. At least doon, walang nag iingay. Payag naman si Mama't Papa kaya no worries.


Dumating na 'yung bus. Swerte ako dahil walang nakaupo sa puwesto ko. Yes, may usual spot ako pag sasakay ako sa bus na 'to. Kilala na nga ako ng driver dahil 2 years na akong sumasakay sa bus niya. Pero pang umaga nga lang 'yung shift niya.


"Good morning po Mang Kaloy!" Bati ko sa kanya.


"Magandang umaga rin Casey! Aba! Ngayon na lang ulit kita nakita. Mas lalo kang gumanda!"


"Mang Kaloy naman eh! Nang bola pa kayo. Pero salamat na lang din! Na miss ko po kayo!"


"Namiss din kita nak. Feeling ko nahiwalay ako sa anak ko." Sabay punas kunyari sa mata na walang luha.


"Naks! Drama mode na ulit si Itay! Hahaha! Sige po, upo na ko. Baka may magalit pa dito kasi chika tayo ng chika." Tumawa na lang si Mang Kaloy at pumunta na ako sa puwesto ko.


Kinuha ko 'yung earphones ko sa bag at isinaksak sa phone ko. Mahilig kasi akong makinig ng music pag babiyahe.


Aandar na sana 'yung bus nang may kumatok sa pintuan ng malakas. Nagulat naman si Mang Kaloy at binuksan niya ito.


Napalingon ako doon sa taong pumasok. Nakita ko isang lalaki na nakahawak sa bar at hingal na hingal. Ang nakakagulat, parehas ang uniform namin. So it means, he goes to the same school as I am.


"Iho umupo ka na. Aalis na tayo." Sabi ni Mang Kaloy dun sa lalaki. Bait talaga ni Mang Kaloy! 'Yung ibang drivers kasi, nakatayo ka pa, bigla na lang aandar. Edi laglag ka sa floor. -___-


Tumango siya at lumakad na papunta sa likod. I guess. Wala na kasing mauupuan doon sa harap.


He just kept on walking hanggang sa makahanap siya ng mauupuan. He looked at my direction.


Omyghad! Uupo ba siya sa tabi ko? I hope not. Minsan kasi ang sarap humiga at matulog pag inaantok pa ako. O kaya pag gusto ko lang e stretch 'yung legs ko. But of course, hindi naman ako madamot. Hindi lang talaga ako sanay na may ka-share! Lels.


I put my bag on my lap at iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin na lang sa bintana. Hindi ko na tuloy alam kung anong song na ang nag p-play.


After 30 seconds... I guess, wala akong naramdaman na umupo. I slightly glanced at my side kung may nakaupo ba or wala. Wala.


Kunyari may titignan ako sa likod, but the truth, hahanapin ko lang siya. Ang weird ko infairness.


Sa Bus [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon