One Shot

31 8 2
                                    

Jeuny: Na-inspire lang ako sa naging tiktok friend ko. 

_____•_____

My Tiktok Crush

"Oh ayan, kaka-scroll mo, nakita mo tuloy 'yung taong magpapasaya sa'yo..." Nagpakyut ito sa camera habang kumakanta ang 'Araw-Araw Love' na ginawang background music ng bidyo, "...matagal na panahon na dapat kitang tanungin. May pag-asa ba..."

I immediately liked his video then tapped the plus sign below his profile picture.

Sa dinami-daming pogi at gwapo sa tiktok, siya lang ang bukod-tangi na nakakuha ng atensiyon ko. Hindi ko nga alam kung bakit.

Maybe by his funny content?

No... Hindi sa content niya.

He's cute, indeed. He has this very wholesome smile that could capture everyone's eyes. He has this charm that could get everyone fall for. He has this sideways black with a hint of a brown hair -- maybe he dyed his hair? Red kissable lips, proud nose, black deep set of eyes and a perfect white teeth.

A typical cute boy na tiyak na pagkakaguluhan ng mga babae sa internet.

I don't know what's wrong with me. May kung ano sa loob ko ang gustong makilala siya. But I'm hundred percent sure, that I'm not the kind of girl who'll probably stalk her new found crush -- well, that's what I thought, because I am now scrolling on his timeline and viewing every single videos of him!

And the stalking skills of mine, starts right here.

Actually, wala naman masyadong kainteresante sa mga content niya. Sobrang random nga ng mga 'to. Walang specific na content 'di tulad ng ibang tiktokers.

He has this 'pov' kind of content. Minsan korean, minsan commercial sa TV, minsan naman ay linya na makukuha mula sa isang pelikula. May mga dance videos din siya na natatawa ako kasi... Well, he's not that bad dancer. Kulang lang talaga siya sa hataw. May mga transition videos din siya at mga simpleng dub at lip sync lang. May mga times na nagpapakyut lang din siya sa camera, which I found it very cute.

Hindi ko na nga alam na kanina pa pala ako nakangiti habang nakatitig sa videos niya. Dang, I am really captivated by his smile!

May isa din akong napansin sa kaniya dito sa tiktok. He's so very approachable and friendly!

As in, nakikita ko na nirereplyan niya ang mga taong nagcocomment sa mga videos niya. And I find it very unusual para sa isang 'famous' na tao.

Famous na ba siya? He got 1 million followers na kasi, and almost 100 followed person. Though, he's not verified pa naman. Pero kung iba ang tatanungin, famous na siya para sa kanila.

I stalked his instagram account and youtube channel. And there, I confirmed. He's really indeed very friendly person and very approachable. Though, siya 'yung tipo ng tao na madaling ma-down sa sarili. Every end of his vlog, he always says na, "Kung umabot ka sa dulo ng walang kwentang bidyo na ito.."

No! Hindi walang kwenta ang mga vlog niya. Natutuwa nga ako sa kaniya, e. Ang tipid niyang magsalita pero laging nakangiti. Sobrang nakakahawa.

I even added him on facebook and joined his group page. Though medyo konti pa lang ang kasali. 50+ pa lamang kami.

I bit my lower lip as I visited his facebook account and viewed his every damn picture!

Nalaman ko nga rin na magka-edad lamang kaming dalawa at parehas ng date ang birthday namin. Nakita ko nga rin na may isang account pa siya-- an old account actually. I stalked him there. Hindi ako makapaniwala na ang naughty niya pala and a cursing machine type of person. Malayong malayo sa pagiging magalang niya sa tiktok!

My Tiktok Crush [Completed ✔️]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon