Lungkot. Sakit. Hirap.'Yan. Iyan lang naman ang nararamdaman ko tuwing nasa bahay ako. Iyan ang buhay ko. Laging galit, nakasigaw o 'di kaya'y halos pagmumura na ang lumalabas sa bunganga ng mga kasama ko rito.
Pero wala naman akong magagawa. Sabi nila 'palamunin' lang naman ako rito. Hindi naman ako makaalis-alis dahil wala naman akong mapupuntahan at wala ring lakas ng loob upang gawin 'yon.
Saka kahit gano'n? Mahal ko pa rin naman ang mga kasama ko rito. Sadyang hindi lang kami pinalad sa buhay. Sadyang mahirap. Ang hirap maging mahirap.
Pasalamat na nga lang ako kung may masarap kaming makain sa isang araw. Dahil wala namang permanenteng trabaho ang tatay ko. Isa siyang construstion worker. Nagkakatrabaho lang pag may kukuha sa kanya o di kaya'y ipapakumpuning mga bagay. Mahirap. Sobrang hirap. Puro problema.
Wala akong takbuhan. May mga kaibigan rin naman ako pero hindi ko ugaling magsabi sa kanila. Dahil pakiramdam ko, magiging pabigat na naman ako. Magiging abala sa kanila. Kaya nagpapanggap nalang akong masaya... walang nangyayari...
Hindi ako makatakas...
Hindi ako makaalis...
Hindi ako makausad...
Ang gusto ko lang naman matapos ito. Pero matatapos nga ba 'to?
"Ano na naman ba ha?!"
Napatalon ako bigla nang sumigaw ang aking nanay habang naghuhugas ng pinggan.
"Ano?! Wala ka na namang trabaho?! Aber, maghanap ka naman, Larie! Hindi pwedeng ganto!" Pasigaw na sambit ng aking Ina.
Hays. Iyan na naman. Sigawan, murahan na nauuwi sa awayan.
Kelan ka ba masasanay, Aisha?
Lagi nalang naman na. Iniisip ko nga, mahal pa ba nila ang isa't-isa? Bakit sila ganito? Hindi ba nila kami iniisip man lang? Kaming mga anak nila, na nakakakita at nakakarinig sa kanilang pag-aaway."Carla, wala nga! Ano ang magagawa ko? Magnanakaw ako ha?! Alam mo namang hindi ako nakatapos ng pag-aaral, eh. Alam mong uhaw din sa mga trabaho ang mga pinoy kaya hindi rin ako makahanap ng permanenteng trabaho!" Inis na saad ng aking tatay.
"Permanente ha?! Pano ka magiging permanente? Eh, hindi mo nga maayos-ayos ang trabaho mo. Akala mo ba hindi ko alam? Laging kang natutulog, Larie! Tatamad tamad ka! Ang gusto mo lang humilata buong magdamag. Magpakasarap. Paano ang mga anak mo ha? Jusmeyo de puta ka naman, Larie!"
Nangingilid na ang aking mga luha sa sakit. Ang sakit. Talagang pinapakita at pinaparinig pa nila sa akin kung paano sila mag-away.
Sana... Sana pwede na kong magtrabaho. Sana may oras ako para riyan. Gusto ko, gustong-gusto ko na tumulong sa kanila. Gusto ko nang maiangat sila sa kahirapan.
Ilang beses ko na ring sinabi kay nanay na magtatrabaho ako sa palengke bilang tagabantay tuwing sabado. Pero naiinis lang siya sakin at sinabing kaya na nila. Mag-aral nalang daw ako nang mabuti para maialis ko sila sa punyetang kahirapan na ito.
Hindi ko alam kung anong kinaiinis ni nanay. Pride ba niya yon? Ano namang gagawin ko sa pride nila?Makakain ba namin 'yon? Hays.
Tapos na kong maghugas ng pinggan at agad agad dumiretso sa nag-iisa naming kwarto upang hindi na marinig ang pag-aaway nila.
Iisa lang naman ang nakikita kong problema, eh.
PERA...
Pera ang problema sa lahat. Walang magastos. Walang pangbili ng mga kailangan. Wala lahat.
YOU ARE READING
Love Escape
RandomPaano ba takasan ang lahat? Paano ko ba haharapin ang mga problemang animong nagmamadali at sunod-sunod na tumatakbo sa akin? Tama bang takasan ko ito? O harapin ang kinakatakot ko? Nakakalito. Nakakalungkot. Nakakatakot. Pero higit sa lahat, kaya...